Chapter 18

9 2 0
                                    


Nang matapos magwithdraw ay pinuntahan ko na si Ziggy na dumiretso na kanina pa sa All about baking.

Well, pinauna ko na siya. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Nakita ko siya na abala sa pagtitingin ng ilang baking supplies.

Hindi ko na siya pinansin at nagdiretso na sa pakay ko. Bukod sa strawberry jam at caramel kumuha na rin ako ng iba pang supplies na nakakuha ng atensyon ko, so that I can use it for next time I decided to bake.

Nang matapos akong magbayad para sa mga pinamili ko ay saka ko lang ulit naalala na may kasama nga pala ako.

Inilibot ko ng tingin sa shop but I don't see any trace of Ziggy.

Nasaan na yung lalaking 'yon?

Hindi naman niya ako iiwan dito diba?

Lumabas ako at inilibot ko na rin ang mata sa mga kalapit na shop pero wala pa ring Ziggy, so I decided to send him a message.

Tiffany

Nasaan ka?

It take him almost ten minutes to reply. Pa-importante, akala mo naman.

I found him at a womens clothing shop. It looks like tapos naman na siyang pumili. Nagsimula na rin kasi siyang i-guide ng isang saleslady sa counter.

Napansin kong medyo mahaba pa naman ang pila don, kaya pinili ko munang mag-ikot at tignan ang dresses nila.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paglapit ni Ziggy.

"Let's go," sabi niya saka diretso nang naglakad palabas.

Hindi man lang ako hinintay at ang sagot ko.

Pero at least naalala niya naman may kasama siya diba?

Inismiran ko siya habang nakatalikod siya sa akin. Tandaan mo may araw ka rin sa akin!

Tahimik na lamang akong sumunod sa kanya.

Hindi kaya magtaka si Tita bakit ang tagal na yata namin?

Ayos ka rin Tiffany, 'no? Ngayon mo pa talaga naisip yan?

Napapikit ako sa mga naisip. Sino kaya ang nag-aya kasi sa mall?

"Ziggy, nagmessage ka ba---" Naputol ang sasabihin ko dahil bumangga lang naman ako sa kanya dahil sa bigla niyang paghinto.

Napairap ako at bahagyang hinimas ang noong tumama sa likod niya. Nakalabas na kami ng shop. Humakbang ako at pumunta sa gilid niya.

Bakit ba 'to biglang humihinto?

Hinarap ko rin siya agad para ituloy ang sasabihin ko.

"Nasabi mo ba kay Tita na dumiretso tayo rito?" tanong ko pero parang hindi ako narinig nitong kausap ko.

"Ziggy.." bagot kong tawag sa kanya pero wala pa rin.

Irita kong sinundan kung saan ba siya nakatingin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sila kuya Jayvee at Cassie na palabas na rin ng katapat na clothing shop!

Diretso ang tingin ng mga 'to sa amin at pareho silang nakangiti sa direksyon namin.

Samantalang ako, nagtatalo na ang isip ko sa kung ano ang dapat kong gawin.

Ngingitian ko rin ba sila?

Tatakbo na ba ako?

Should I just act na hindi ko sila nakita?

In the end, my feet rooted in the same position. And kabado akong hinarap sila.

"You're with Tiffany, Ziggy?" nakangiting bati ni Cassie sa amin ng makalapit.

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon