Chapter 12

13 2 0
                                    


"Mich... samahan mo naman ako bebs sa office oh." Sinubukan ko pang magpacute sa harap ni Mich para lang pumayag siya, kaso hindi tumalab.

"Bebs may meeting pa kami ng group ko sa isang subject namin, alam mo na prelims na," paliwanag sa akin ni Mich. Nakakagulat talaga minsan na sa pagiging loka-loka ni Michelle ay seryoso siya pagdating sa pag-aaral.

Ngumiti na lamang ako kay Mich, naiintindihan ko naman. Si Venny kasi pinatawag ng isa sa mga professor namin kaya hindi niya rin ako masamahan.

Anyway kaya ko naman pumunta, palagi naman kaming welcome sa office. Pero syempre kilala naman ang mga babae na mahilig sa makakasama kapag aalis, ultimo nga pagpunta sa banyo diba? At isa ako sa mga babaeng 'yon.

Pero dahil hindi sila pwede, heto at mag-isa ako na naglalakad patungo ng elevator.

Nang tumunog ang elevator nangangahulugang nasa ground floor na ako ay humakbang na ako palabas saka nagpunta sa kabilang building kung nasaan ang SUComex office.

Gaya nga ng sinabi ko kahapon, ngayon na ako magpapasa ng mga nakuha kong pictures nung drill, malapit na rin kasi ang prelim, baka mawalan ako ng oras sa mga susunod na araw na dumalaw sa office.

Binati ko ang ilang professors na nadaanan ko saka ako nagtuloy sa mismong office. Kumatok muna ako bago ko tuluyang binuksan ang pinto, para man lang maipaalam muna sa loob na may mang-iistorbo. Nang tuluyan akong makapasok ay nakita ko si Ate Grace na busy sa kanyang laptop at si Ziggy na mukhang may hinahanap sa ilang mga files na hawak niya.

Nag-angat ng tingin sa akin si Ate Grace kaya naman nginitian ko siya saka ako tuluyang umupo sa couch na nasa gilid.

Dalawa ang lamesa na narito sa office, isa para kay Kuya George ang isa naman ay kay Ate Grace bilang siya ang Vice President ng org.

Ngumiti rin sa akin si Ate Grace bago siya nagsalita. "Oh Tiffany, napadaan ka?"

"Ahm.. magpapasa sana ako ng pictures and videos namin ni Venny nung drill." Itinaas ko ang kamay ko para ipakita ang hawak kong usb.

"Ahh ganun ba," alanganin niyang sabi saka niya nilingon ang table ni Kuya George bago muling humarap sa akin. "May klase pa kasi si George. Ahm.. ako na lang ang kukuha saglit--"

"Ay hindi na Ate, hihintayin ko na lang si Kuya, ituloy mo na yan. Importante yata yan, kaya ko naman maghintay kahit gaano katagal," ngiting-ngiting sabi ko kahit na gusto kong matawa, double meaning yata yung nasabi ko. Pero seryoso, ayoko makaistorbo.

Napabungisngis naman si Ate Grace. "Humuhugot ka Tiffany ah. Pero sigurado ka bang maghihintay?" nakataas ang kilay na sabi niya pero nakangiti pa rin naman.

Nagthumbs-up lamang ako sa kanya bilang pagsagot. Nahagip ng tingin ko ang nakataas ang kilay na si Ziggy sa harap ng table ni Ate, nakatingin siya sa akin. Inaano na naman ba 'to? psh. Inirapan ko na lang siya.

Pinili kong manahimik at abalahin ang sarili sa paglalaro sa phone ko habang naghihintay. Nagpatuloy naman sa ginagawa niya si Ate Grace.

"Grace, ito na oh. Nakita ko na yung pinapahanap mo." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Ziggy.

Nakita ko siyang nakangiti habang iniaabot kay Ate ang ilang mga papel. Masaya naman 'tong tinanggap ni Ate saka nagpasalamat, na sinagot lang ng tango at ngiti ni Ziggy. Tumayo pa siya sa likod ni Ate Grace para tignan ang ginagawa nito.

Hindi ko naman napigilan ang mamangha. Si Ziggy ba talaga 'tong nakikita ko? Bakit ang bait at ang sipag naman yata niya? Saka anong nakain niya at kung makangiti siya diyan ay mukhang sayang-saya talaga siya?

LOVE MAKES FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon