KABANATA 55: LOLA

2.8K 94 0
                                    

KABANATA 55: LOLA

ON VOICE: FEAR


Two days na rin kaming hindi nag-uusap ni Heaven. Sa tuwing gigising kami sa umaga hanggang sa dadating siya sa gabi, wala talagang imikan na nagaganap. Para kaming may ducktape sa bibig. Walang imikan. Minsan, nag-uusap kami pero saglit lang talaga at hindi nagtatagal ng isang minuto. At ang mas malala, ako pa talaga ang nauunang nakikipag-usap. Pero sa palagay ko, mas mainam na 'yon kaysa sa palagi kaming nagsisigawan. Baka magka-damage lang sa tainga si Baby Kevin kakasigaw namin ng Daddy niya.

"Heaven, may bill na ng kuryente." Iyon ang lang sabi ko habang nagda-drive siya.

"I know. You don't need to think it as a problem. Ako rin naman ang magbabayad afterall."

Gusto ko pa sana siyang sigawan sa sinagot niya kaso pinigilan ko na lang kasi nandito si Baby Kevin. Para kasing may pinapamukha siya sa'kin. Pero, ayoko ko ng sagutin siya, ganyan naman siya lagi e. Parati niyang pinapamukha sa'kin na siya lahat ang may sagot sa gastusin. Minsan nga, pakiramdam ko, may tinatago rin siya sa'kin. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa work niya o ano, pero alam ko talagang may tinatago siya. Tuwing gabi kasi, palagi siyang hindi mapakali. Palagi niyang hawak 'yung phone niya, palagi niyang nililikot 'yung laptop niya.

"Were already here." Lumingon ako sa may window ng kotse nang magsalita si Heaven at sa paglingin ko, napagtanto kong nandito na pala kami sa tapat ng Wilson Academy.

"Bye-bye Daddy!" Nag-wave ng kamay si Baby Kevin sa Daddy niya. Bubuksan na sana 'yung pinto kaso napahinto ako nang biglang nagsalita si Baby Kevin, "Mommy? Hindi mo ba iki-kiss si Daddy?"

Nagkatinginan kami ni Heaven.

Hinintay ko siyang halikan niya ako sa pisngi bilang goodbye kiss pero hinangin nalang ako ng malakas, wala paring nangyari.

Nasaktan ako pero pinilit kong ngitian si Baby Kevin, "Baby, male-late ka na. Let's go?" sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng kotse. Without looking at Baby Kevin's eyes, pinahiran ko 'yung luhang dumaloy sa kabilang pisngi ko. Kaya ko pa. Okay lang ako.

***
ON VOICE: HEAVEN

"Baby, male-late ka na. Let's go?" She carried our son as she exited from this car. As the car's door closed, nasuntok ko nalang ang steering wheel ng kotse.

I was really feeling idiot right now. Aware akong nasasaktan ko na si Chocogirl pero wala pa rin akong ginagawa. Hindi na ito tungkol sa nakaraang away naming dalawa. It is already about my self.

May kinakaharap akong problema ngayon na hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan. My dad's company is currently having a crisis. I am handling two companies right now. Iyong isa, exporting company and the other one was a publishing company. Iyong publishing company, it was doing well but the other one was not. And it has been stressing me so much.

Bigla kasing binalik ng isang Chinese Pineapple Juice Company ang mga pinyang in-export namin sa kanila. They found one of the products na may deffect. I don't know if it has something to do the problem of Philippines and China but sadly, pumunta ang team namin doon at may nakita ngang nabubulok na pinya. At kahit isa, dalawa, o apat na pinya lang 'yun, binabalik 'yun lahat because of standardization. The said product costed $1.05 Million at hindi alam company namin kung paano namin makokococover ang loss na 'yun. Iyon na ang pinakahuli naming sugal for the company sa kabila ng makailang ulit na loss ang naganap sa on the first two quarters of this year not to add the fact na ang ginamit naming capital sa pagtatanim ng mga pinyang iyon ay inutang lang.

I whipped my car down on the road. I raced with the other cars until nakarating na ako sa main office. All eyes of the staff's were on me. All were worried. 'Yung iba, umiiyak na. Lahat sila nakatingin sa'kin like they want to say something on me.

I jolted down on the conference room at agad na lumapit sa financial manager, "Sir? What's happening?"

"The company of your Dad is no longer liquid. Lubog na lubog na tayo sa utang."

"You must have been joking, sir." I chuckled sarcastically.

"I hope I was really joking Chavez. But it is true."

Natigilan ako sa sinabi niya. I can't even move my body now. Napatingin ako sa mga taong nasa labas. It only took me a nano bit of seconds to watch them. Hindi ko kayang tignan sila sa mga mata niila. Ang bigat sa pakiramdam.

"Then, what can we do about it?" I asked Mr. Zunaga, the financial manager.

Silence.

"The last option is to sell it, an interested buyer wants to buy it." When he said it, nabitawan ko bigla ang ballpen na hawak ko.

***
ON VOICE: FEAR

"Go ahead baby, enjoy!" Kumakaway-kaway ako kay Baby Kevin habang pinapagmamasdan siyang pumapasok ng room niya. Kinawayan niya ako pabalik tapos umupo na siya sa upuan niya.

Naiwan ako sa labas kasama ng ibang mga nanay. Nakatayo lang kaming lahat sa labas ng classroom. Hindi ako sure pero mukhang ako 'yung pinaka-maganda at pinaka-bata na nanay sa kanila.

While waiting for Baby Kevs, nakaramdam ako bigla ng lamig sa katawan ko na maya-maya pa ay naging lamig na sa tiyan ko. Panay rin ang pag-utot ko kaya panay rin ang reklamo ng mga nanay na katabi ko.

"Ano ba 'yan, ang baho. Amoy septik tank."

Alam kong malaking kahihiyan ang mahihita ko kapag nagpatuloy 'to kaya minarapat ko na lang na pumunta ng banyo.

Halos inabot ako ng isang oras bago ko nahanap 'yung palikuran. Masyado na kasing lumaki ang Wilson Academy kaya nalito na ako kung saan. Pagkapasok ko, agad kong hinubad ang panty ko sabay patong ng paa sa may bowl. Public toilet 'to kaya hindi pwedeng lumapat 'yung pwet ko sa bowl.

Grabe na talaga 'yung sakit ng tiyan ko, para akong nanlalamig na ewan. Tumatayo na rin 'yung mga balahibo ko sa katawan tapos ang lamig lamig ng pawis ko. Last time kong naranasan 'to ay nung Grade 4 ako. Mas malala 'yun kasi natae talaga ako sa panty ko. Pa'no ba naman kasi, napaka-strict nung teacher ko noon. Gusto kong mag-cr pero hindi niya ako pinayagan kasi tapos na raw ang session ng pag-ihi. E sa natatae ako? Kaya 'yun, parang nagka-regla ako ng kulay yellow. Hmm.

Pumikit ako. Sasabog na sana 'yung jebs ko kaso....

"Sige anak, mag-cr ka muna."

"Sige po, mommy."

Biglang nagbukas ang pinto.

"Hala. Mommy may palaka, nakabukaka," sabi nung batang babae nang makita niya ako.

Nahulog bigla 'yung ice candy na dala-dala niya.

NGANGA!

***
"Excuse me!" Pagsisingit ko sa mga taong nakaharang sa daanan ko. Kailangan ko na yata talagang umuwi. Hindi ko na kaya. Jebs na jebs na talaga ako.

Habang naglalakad ako, panay ang paghawak ko sa pwet at tiyan ko. Grabe na talaga kasi 'yung kabag na nararamdaman ko. 'Yung mga balahibo ko sa katawan nagsisitayuan na tapos 'yung pawis ko pa, sobrang lamig tapos sobrang dami.

"Iha? Are you okay?" tanong sa'kin ng isang teacher na nakasalubong ko sa pagitan ng rooms ng grade 4 at 5.

"He-he-he." 'Yun lang talaga ang nasabi ko at wala na akong nadagdag pa. Kung magsasalita pa ako, baka lumabas na 'yung jebs ko.

"Weird," sabi sa'kin nung guro at nilagpasan niya lang ako. Mabuti naman. Hay.

Tinangka kong puntahan si Kevin sa room niya para makapag-paalam ako saglit kaso hindi  na talaga kaya ng force ko kaya dumiretso na ako sa may exit.

'Yung batang babae naman kanina, kinuha ko siya agad at tinakpan ko nalang 'yung bibig. Binigyan ko siya ng 20 pesos para hindi makapagsumbong sa nanay at pumayag naman siya.

"Para!" Umiiyak kong pinara 'yung mga taxi na nilalagpasan ko, grabe! Hindi ko na talaga kaya. Na-je-jebs na talaga ako.

Makailang beses akong nilagpasan ng mga taxi. At habang nilalagpasan nila ako, parang kusang bumubukas 'yung pwet ko dahil sa hangin na dumadaplis sa balat ko. Jusko!

Pagkalipas ng sampung minuto, may nagpasakay sa'kin.

"Saan ma'am?"

"Sa pluto!"

"Ha!"

"Sa bahay ko!!!" sigaw ko sa kanya habang namimilipit na sa sakit. Binigay ko sa kanya 'yung address ko at tumango naman siya.

"Ma'am? Okay ka lang ba?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Jusko kuya! Magmaneho ka nalang. 'Wag ka nang magtanong," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ma'am, kinakabahan po talaga ako sa inyo e. Ano po ba kasing nangyari sa inyo? Ayos lang ba kayo? Natatae po ba kayo?"

"Sinabi nang 'wag magtanong! Ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Sige po," sabi niya. Akmang ihihinto na sana ni Kuya 'yung taxi pero pinigilan ko siya, "Joke lang kuya. Hindi ka naman mabiro," sabi ko tapos weird niya akong tinignan. "Adik."

After 15 minutes nakarating na ako sa bagay, dali-dali akong pumasok sa banyo at makalipas ang ilang sandali...

*BWAAAK!*

PS: 'Wag tanungin kung ano ang tunog na iyon.

Noong natapos ako, siyempre, nagsabon ako para mawala 'yung germs pati na 'yung amoy.

Agad akong bumalik ng Wilson Academy. Pagkarating ko roon, lunch break na. Pinuntahan ko si Kevin sa room niya pero wala na siya roon. Tinanong ko 'yung teacher kung saan na si Kevin. Nagsimula akong magpanic ng sinabi ng teacher na umiiyak daw si Kevin habang hinahanap ako.

Mabilis akong bumalik sa may entrance, tinanong ko 'yung guard kung nakita niya ba ang anak ko pero, "Miss, sa kinadami-dami ng estudyante dito, malabong makilala ko 'yung ana niyo. At alam niyo naman ang policy natin dito diba? Na 'pag walang guardian na susundo, hindi makaka-alis ang bata." Tinignan niya ako ng masama, "Ibig sabihin, nandiyan lang po 'yung anak niyo sa tabi-tabi."

Wala na akong nasabi pa at naglakad nalang ako pabalik. Kinakabahan ako ng sobra pero kino-kontrol ko lang. 'Pag masyado kasi akong nakaramdam ng kaba, for sure, mapa-paranoid na ako at hindi na makakapag-isip ng maayos.

Hinanap ko si Baby Kevin sa may fishpond. Minsan kasi gusto niyang lumangoy kaya hinanap ko siya roon pero wala siya.

Napalinga ako. Sa sandamukal na estudyanteng nandito, hindi ko nakita si Baby Kevin. Omo! Kevin! Nasaan ka na?

Habang hinahanap ko si Kevin sa loob ng school niya, mabilis kong tinawag si Heaven.

Tatlong ring ang nagyari bago siya sumagot. "What?"

Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa kanya pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "Nawawala si Baby Kevin." Umiiyak kong sabi at mabilis namang naputol ang tawag sa kabilang linya.

Alam kong sumigaw siya sa kabilang linya kaya napaiyak na lang ako. Ang tanga-tanga ko naman kasi e. Bakit ko ba kasi iniwan si Baby Kevs. Sana tiniis ko na lang pala 'yung sakit ng tiyan ko.

"Just wait there, pupunta ako riyan," sabi niya sa'kin tapos nag-end na 'yung call. Maya-maya pa, nakita ko ng tumatakbo palapit sa'kin si Heaven sa'kin. Todo-todo 'yung pagpapaliwanag ko sa kanya pero nauwi lang lahat ng effort ko sa pagsabi niyang, "Ang tanga mo kasi."

Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi na ko sumagot. Totoo naman e. Ang tanga ko.

Nagpatulog na kami ni Heaven sa mga guards dito hanggang sa hindi na namin namalayan na hapon na pala.

"May, CCTV ba kayo?" tanong ni Heaven sa isang security guard.

"Ah opo sir, kaso hindi po gaanong kaganda ang resolution. Okay lang po ba?" tanong ng guard.

"I don't care. Just show it to me," sabi ni Heaven tapos pumunta na kami sa isang room kung saan nandun 'yung mga monitor. Pi-nlay back 'yung time na eksaktong nagsilabasan 'yung mga bata nung lunch at laking gulat namin ng makita namin si Baby Kevin na kinuha ng babaeng uugud-ugod.

"Jusko po," napaiyak na lang ako sa nakita ko na tinangay ng isang Lola.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon