KABANATA 86: SECOND HAND KISS

1.8K 74 3
                                    

KABANATA 86: SECOND HAND KISS

ON VOICE: FEAR

"Mr, Jameson?" pagkukumpirma ko nang makita ko siya. Hala! Si Mr. Jameson nga.

"Ouch! Ang sakit! Hooo!" daing niya na ngayon ay nakahiga pa rin sa buhangin habang nakahawak dun sa *toot* niya at namimilipit sa sakit.

"Anong ginagawa mo dito? Teka? Ikaw ba 'yung nanghold-up sa'kin? Hoy! Magsalita ka!" Nakita kong unti-unti siyang tumayo pero giba pa rin 'yung mukha niya dahil sa sobrang pamimilipit. Pero kahit ganun e ang guwapo pa rin niya.

"Jino-joke lang kitang hino-hold up kita." Yumuko siya sa sobrang sakit.

"Joke? Huh!" napabuga ako ng hangin, "Joke ba 'yung nang-hohold-up ka kunwari? Alam mo bang grabeng kaba 'yung nararamdaman ko? Tarantado ka pala e." sisipain ko na sana siya kaso bigla niyang hinarang iyong kamay niya sa tuhod niy. "Hep! Hep! Masakit na," sabi niya tapos ngumisi siya.

"Ang cute mo pala kapag naiinis," sabi niya na siyang ikinamula ko.

"Sige. Alis na ako. Magandang gabi." Awkward akong nagpaalam sa kanya. Nag-umpisa na akong maglakad kaso nahinto ako nang biglang magsalita si Mr. Jameson sa likuran ko.

"Nakita ko rin 'yung ginawa ni Chavez."

Nilingon ko siya, "N-nakita mo?"

"Oo," mahinahon niyang sabi tapos bigla naman akong nakaramdam ng bigat na siyang naging dahilan upang mangilid 'yung mga luha sa mga mata ko. Naaala ko na naman kasi.

"Nagulat talaga ako sa nakita ko kanina. Maghahanap lang sana ako ng chicks kanina kaso nakita ko 'yun. Nakita rin kita kaya sinundan kita dito," sabi ni Mr. Jameson tapos lumapit siya sa'kin.

Pinunasan ko 'yung luha ko, "Mr. Jameson," tumitig ako sa mga mata niya. "Puwede bang 'wag mo na lang ipagkalat 'yung nakita mo?"

Alam kong nakakahiya 'yung sinabi ko sa kanya pero ayaw ko rin namang pagpyestahan si Heaven ng samu't-saring issue. Si Heaven 'yun e. Asawa ko pa rin 'yun.

Natawa siya, "Teka? So gusto mong pagtakpan ko si pareng Heaven sa mali niya?" Hindi ako nakapagsalita. Ano pa nga bang masasabi ko? Totoo ang sinabi niya.

Tinignan lang ako ni Mr. Jameson habang umiiyak. Isa talaga sa pinaka-hate ko ay 'yung may nakikita sa'king umiiyak pero wala e, parang may sariling buhay yata 'yung mga tear ducts ko e. Kusa nalang silang lumuluha.

"Siguro, mahal na mahal mo talaga siya no?" tanong niya tapos bigla siyang umupo sa may buhangin so umupo na rin ako. Ang ganda sana nung view. Medyo maalon na dagat plus maliwanag na buwan, pero kainis lang talaga 'yung nararamdaman ko, panira ng moment.

"Sobra," sagot ko sa tanong niya. Siyempre, si Heaven 'yun e. Mahal ko 'yun. Ang corny man sabihin pero totoo 'yun. Mahal na mahal ko si Heaven to the point na handa kong i-give up ang lahat para sa kanya.

Natahimik bigla si Mr. Jameson tapos tumitingin lang siya sa may dagat.

Ang awkward lang kasi sobrang tahimik lang talaga. Tanging mga hikbi ko lang at 'yung alon ng dagat lang 'yung naririnig ko. Ang awkward talaga.

"Minsan, may mga pagkakataon talagang nagbabago 'yung mga mahal natin. 'Yung tipong akala natin, wala siyang magagawang mali kasi 'yun 'yung nakikita natin sa kanila pero ang totoo, nabubulag lang tayo. Kapag nagmamahal kasi tayo, puro possitive lang 'yung nakikita natin sa taong minamahal natin. 'Yung tipong nagiging perfect at ideal na sila sa paningin natin? Pero, hindi natin narerealize na tao rin sila, nagkakamali rin. Sa madaling salita, nakakabulag ang pag-big. Ang panget pakinggan," huminga ng malami si Mr. Jameson at natawa, "First time niya bang ginawa 'yun sa'yo?" tanong niya.

Tumango-tango ako habang humihikbi.

"Two years ko na ring kasama si pareng Heaven sa auditing team. Masipag talaga 'yun, matalino. Inngit nga ako e. Tapos anak pa siya ni Sunny Chavez. Tapos, ang dami-dami pang chicks na nagkakandarapa sa kanya. Pero, ni isang beses, wala talaga siyang in-entertain na babae. Nakakapagtaka nga e. Minsan nga naisip ko na baka bading siya pero sa pogi niyang 'yun? Tss. Tapos sabi ko, ah baka dahil may asawa na siya kaya ganun," sabi ni Mr. Jameson.

Haay. Mr. Jameson, kung alam mo lang na hindi naman talaga chicks ang gusto niya.

"Kaya nga nagulat ako kanina. Tsk. Tsk." tapos umiling-iling pa siya.

"Kung nagulat ka? E ano na lang ako? Nausog nga matres ko e." sabi ko sa kanya sabay singhot ng sipon. Natawa siya.

"Pero De Guzman, matagal naman talagang may gusto 'yung Miss Wax kay pareng Heaven e. What if ginawa lang pala 'yun ni Pareng Heaven para tigilan na siya ni Miss Wax?"

Napatingin ako sa kanya, "E baliw pala siya e. Kung gusto siyang tigilan ni Miss Wax, e 'di sana nilayuan na lang niya. Hindi 'yung tipong nilalamutak niya 'yung malanding babaeng 'yun."

"Chill lang," sabi ni Mr. Jameson at huminga naman ako ng malalim.

"Kausapin mo muna kasi, baka may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yun. Malay mo."

"Hindi. Hindi ko siya kakausapin. Bahala siya sa buhay niya. Siya 'yung may nagawang mali, siya 'yung kumausap sa'kin. Mag-sorry muna siya."

"Haay, mataas pala ang pride mo," sabi niya na siyang ikinaiis ko.

"Aba! Hello? Bakit ako ang kakausap sa kanya! Ako ba 'yung humalik kay Miss Wax? Baliw pala siya e."

"Haay, childish Fear De Guzman-Chavez."

"Ano!?" sigaw ko sa kanya. Nag-init bigla 'yung ulo ko, "Alam mo Mr. Jameson, nakakairita ka rin e. Akala ko matino kang kausap. Hindi naman pala. Makaalis na nga!" tatayo na sana ko kasi bigla niya akong hinatak pabalik kaya napaupo ako ulit.

"Pride. Alam mo bang 'yan ang pangunahing nakakalason sa isang relasyon? Sige, sabihin na nating inis ka sa kanya at hindi mo siya kakausapin. Do you think na maso-solve niyo 'yang problem niyo? Kung papatagilin niyo 'yan, ano na lang ang mangyayari? Hiwalay? Tss. Para saan pang nag-till death do us part kayo."

Natahimik ako sa sinabi niya. "At kung maghihiwalay kayo, ano na lang ang mangyayari kay Baby Kevin? For sure mag-rerebelde 'yun. Magda-drugs. Magnanakaw. Mambabae. Gusto niyo bang mangyari 'yun sa kanya? Sabi nga nila, a broken family leads to a broken society."

Nanghina bigla ako sa sinabi ni Mr. Jameson. "May point ka. Ako, pointless. Haay. Oo na! Ako na ang childish! Ako na ang ma-pride pero tao rin naman ako 'diba? Natural din naman sigurong magka-pride ako pero sige," tumingin ako sa dagat, "susubukan kong kausapin siya."

"Good," sabi ni Mr. Jameson sa'kin. Haay. Ang hirap pa lang magkaaasawa. Ba't ngayon ko lang 'to narealize?

"Wait," may kung anong kinuha si Mr. Jameson sa bulsa ng summer shorts niya.

"Here, drink this, nang kumalma ka." Biglang nagkaroon ng malalaking hearts 'yung mga mata ko nang makita ko 'yung Chocodrink sa kamay niya!

Akmang kukunin ko na sana 'yung Chocodrink sa kamay niya pero bigla niya itong inilayo, "Pero bago ko'to ibigay sa'yo, promise first na kakausapin mo si pareng Heaven---kasi kung hindi susulutin talaga kita sa kanya," sabi niya  pero hindi ko narinig 'yung part na sinabi niyang "kasi kung hindi susulot--ajagskaooakshao."

"Oo na! Oo na!" nakangising sabi ko tapos hinablot ko 'yung Chocodrink sa kamay niya. Kinuha ko 'yung straw sa gilid nito. Sinipsip ko na sana 'yung straw kaso, wala akong mahigop na kahit ano e.

"Wala naman yatang laman 'tong Chocodrink e," sabi ko sa kanya.

"Ha? E kakabili ko lang niyan sa may vendo machine sa cottage ng team namin."

"E wala talaga," sabi ko kasi wala talaga akong masipsip.

"Akin na muna," sabi ni Mr. Jameson tapos bigla siyang lumapit sa mukha ko, as in sobrang lapit. Mga 0.00001 inch lang.

Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero nagulat ako kasi bigla niyang iniligay 'yung labi niya sa dulo ng straw. E sa galing 'yun sa lips ko!

"O, ayan na." sabi niya tapos nag-hesitate ako bigla na kunin sa kanya 'yung chocodrink kasi sinipsip niya na 'yung staw e. Lumapat na 'yun sa labi niya!  Awkward.

***

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon