KABANATA 77: TAMA NA

2.1K 92 6
                                    

KABANATA 77: TAMA NA

ON VOICE: LUKRECIA

"Boknuy, habulen mo ako! Hehihehi." segaw ko kay Boknuy pero embis na se Boknuy ang muhabol sa aken, si Chigago 'yung humabol sa'kin.

"Arf! Arf!" segaw ni Chigago.

"Aaah!" syimpre, sumegaw ren ako alangan hendi ako sumegaw, ekaw daw habulen ang asu hendi ka ba sumegaw? Sumegaw ka nga nung nakaketa ka ng moltu sa salamen e, 'yong aso pa kaya na mas masahol pa sa mokha mo? Hahaha. Ano ba tong pinagsabi mo. Umabot naman ako sa multo uy! Naunsa ba.

Hanggang ngayon, hinahabol pa rin ako ng asun.

Bute pa 'yung asu, henahabul ako. Hay.

"Hoy! Lukrecia tumatakbo ka ba?" segaw ni Boknuy.

Begla akung naeyak, "Hendi Boknuy, naglalakad lang ako. Naglalakad lang ako. Keta mo nga oh, ang belis kong maglakad!" Nakakaenes naman si Boknuy, mahena masyado ang kokute, na para bang ang otak niya ay utak ng bulate, na parang nakainum ng chlorine na may may shokolate, hehehe! Ryhme! Pwedi ma akong mag-flep tap. I min, flip tap. Hahaha. Mag-flip tap ako kaso baka sabehin nilang FLIP AKO.

Alam mo ba kong anu ebig sabehin ng FLIP? HAHA! ALAM MU 'YUN ANU KA BA! HAHA.

Tika? Bakit ako tumatawa? Deba, henahabul ako ni Chigago?

Wit!

Bakit ganitu ang nararamdaman ko?

Baket pakiramdam ko ang hangin na ng ligs ko?

Tumengin ako sa ebaba ko, patay! Wala na akong palda! Kinain na pala ni Chigago.

Bigla akong naiyak tapus bigla akong napatakbu.

Pagtakbu ko, begla akong nais-layd.

Pagkorap ng mga mata ko, naketa ko nalang ang sareli ko na karga-karga ng isang matsung lalake na may abs na kamukha ni Danyil Matsunaga, tatlung bebi, kowak, kowak  kowak.

"Danyil? Ekaw ba 'yan?" sabe ko sa kanya habang karga-karga niya ako na para sanggul na mokhang monggol na lapis na na mokhang tubol. Nganga!

***
ON VOICE: CHEESY

Hindi ko muna kinausap si Niko. Nakakainis e. Hinalikan ba naman ako? Kumusta naman 'yun? Habang pababa ako ng hagdan, napahinto ako bigla nang biglang nag-flashback 'yung time na hinalikan ako ni Niko kanina.

FLASHBACK.

"Cheesy! Bakit ganyern ka? Kausapin mo naman sukems!" sabi pa ni Niko Satto na kasalukuyang hinahabol ako. Nakakainis siya. Nakakainis!

"Layuan mo na ako!" umiiyak kong sabi. Alam kong mahinahon akong tao pero first time ko yatang sumigaw. At nang dahil 'yun sa kanya. Pakiramdam ko, ang bad bad ko na. Sorry Lord.

Napahinto naman ako nang bigla akong hawakan ni Niko sa wrist ko, "Teka nga? Bakit ka ganyan? Bakit ang unfair-unfair mo?" sigaw niya. Omy! Ba't ang gwapo niya! Cheesy, 'wag kang magpadala! Tarandtado 'yang baklang 'yan! Binuntis ka niyan.

Pinahiran ko 'yung luha ko. "Unfair? Ako pa ang unfair? Oo Niko, alam kong kasalan ko rin naman ang nangyari pero hindi mo naman kailangang ipamukha sa'kin nakaka-awa na ako! 'Huwag mo akong kaawan kasi naiinis ako!"

Ang bigat-bigat lang sa pakiramdam. Ang bigat-bigat lang kasi, sa isang pagkakamali, biglang magbabago na ang ikot ng mundo ko.

Pakshet! Kung alam ko alam ko lang ang pagse-s*x ay para palang ballpen na kapag nasulat mo na sa papel, hindi na pala basta-bastang mabubura. At kung buburahin mo naman, makikita mo na ang mantsa!

Pakshet talaga! Pakshet! Pakshet! Kung alam ko lang!

"Cheesy? Sa tingin mo kinakakaawan kita, ha?!" natawa si Niko, "Kung kinakaawan kita, e di sana tinuring na kitang PULUBI. SANA BINIGYAN NA KITA NG PISO O NG PANSIT! PERO GINAWA KO BA 'YUN? HINDI NAMAN 'DI BA? AT HINDI RIN KITA TINATAKASAN! I'M WILLING TO TAKE THE RESPONSIBILITY OVER THAT BABY PERO MASYADO KANG NEGATIVE KAYA ANG NANGYAYARI, TINATABOY MO NA AKO AGAD. KUNG PAKIRAMDAM MO, WALA AKONG INTERES SA BABY, YOU'RE WRONG! BAKIT KO ITATAKWIL ANG SARILI KONG ANAK!?ANO! MAGSALITA KA!" Sigaw niya.

Mas lalo akong naiyak, "Niko... ayaw ko ng umasa. Masakit. Pwede ba? Tama na? Pagod na akong maloko. Tama na, please? Kahit ngayon lang, tama na," umiiyak kong sabi sa kanya habang naalala ko ang panlolokong ginawa niya noong college pa kami. 'Yun 'yung oras na umaktong manliligaw si Niko sa'kin pero ang totoo, ginagawa lang pala iyon ni Niko para hindi maghinala ako maghinala na bakla ang Five Fingers.

Iyak lang ako ng iyak, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Alam kong kinakaawan na naman niya ako pero sige lang, matatapos din to.

"How should I prove to you that I'm sincere?"

Pa'no nga ba?

"H-h-halikan mo ako!" sigaw ni Cheesy.

"Yun lang?" sabi ni Niko at makalipas ang ilang sandali ay lumapat na ang labi niya sa labi ko.

FLASHBACK ENDS HERE*

"Aish! Ano ba 'yun!" Pailing-iling kong sabi. Dapat hindi ko inaalala 'yung halik ni Niko. Ew kaya 'yun.

Pumunta na ako sa may CR. Pagpasok ko dun, tinanggal ko 'yung panty ko at tinapon ko sa trashcan. Pagkatapos kong gawin 'yun ay kinuha ko ang napkin sa bulsa ng baby bra ko, tinanggal ko 'yung papel at idinikit ko na 'yung napkin pagkababe ko. Mehehe.

Baka kasi mapansin ni Fear kung bakit hindi na ako gumagamit ng napkin e, kaya ito ginagamit ko na.

Pagkalabas ko, laking gulat ko nang makita ko si Fear na kasalukuyang pinupulot 'yung pregnancy test ko.

Maya-maya pa, biglang nalalag 'yung napkin ko sa sahig.

***
ON VOICE: FEAR

Haay. Nasaan na ba si Cheesy? Ba't ako lang yata ang mag-isa dito?

Kinuha ko 'yung bag ni Cheesy kaso pagkataas ko ng bag niya, may nalaglag.

Isang white object na familiar sa'kin kasi parang nagamit ko na 'to dati e.

Nung makita ko 'yung white object, kinilatis ko pa talaga siya until na-confirm ko na isa pala itong pregnancy test.

"Teka," bigla akong natawa. "Pano namang napunta 'to sa bag ni Cheesy?" tanong ko sa sarili ko. "Baka napulot niya lang," sabi ko ulit, sa sarili ko. Mahilig pa naman 'yung mamulot ng kung anu-ano tapos tinatago niya. Sentimental kasi 'yang si Cheesy. Kalahating senti, kalahating mental. Haayst.

Dati nung college kami, kung anu-ano ang kinokolekta niyan. Wrapper ng vetsin. Wrapper ng condom. Used condom. Used napkin. Oo pati used napkin, kinokolekta niyan. Tapos nilalabhan niya at sinusuot kapag ninireregla siya. Haay. Weird talaga 'yan e, pero mahal ko 'yang luka-lukang 'yan!

Ibabalik ko na sana 'yung pregnancy test sa bag niya kaso nahinto ako ng makita ko 'yung dalawang guhit.

Kinabahan ako bigla.

"F-fear?"

Bigla akong napalingon nang marinig ko 'yung boses ni Cheesy.

"Cheesy? Sa'yo ba 'to?" diretsong tanong ko sa kanya.

Yumuko siya na naging dahilan upang bumigat 'yung nararamdaman ko, "Cheesy ano 'to?" Natatawa ngunit may sarkasmo kong tanong.

"F-fear," bigla siyang humikbi. Bigla akong kinabahan nang matinding kaba. Ewan ko pero naparanoid ako saglit. Parang nag-off 'yung utak ko.

"F-fear, sorry," umiyak niyang sabi sabay hawak sa tiyan na ngayon ko lang napansin ay medyo lumaki na pala.

"Teka, bakit ka nagso-sorry?" Litong-litong tanong ko. Naitakip niya iyong parehong kamay niya sa mukha niya habang humahagulhol.

"Buntis ka?" malamig na tanong ko.

Lumapit ako sa kanya, naiyak ako bigla, "Cheesy! Sabibin mo 'yung totoo? Buntis ka ba!" sigaw ko sa kanya.

Naiyak si Cheesy, "Oo Fear, buntis ako. Sorry."

Naiyak ako bigla. Gumuho 'yung mundo ko, "Cheesy? Nababaliw ka na ba!? 'Diba sabi ko sa'yo kukuha ka muna ng masterals at ga-graduate? 'Di ba pinangako mo sa'king mag-aaral ka ulit? Kaya nga tinayo natin ng parlor diba? Kasi gusto kong  magpatuloy ka sa masteral kasi hindi ko na magagawang magpatuloy pa kasi magiging busy na ako kay Baby Kevin tapos ikaw?  Anong ginawa mo? Tanga ka ba?!" sigaw ko sa kanya sabay sabunot ko sa buhok niya! Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko ngayon sa kanya. Gusto kong murahin si Cheesy pero hindi ko magawa. Ang bigat sa pakiramdam.

"Fear, sorry!" sabi niya sa'kin at hindi ko na talaga nakontrol pa ang sarili ko tuluyan ko na siyang sinabunutan ng pagkalakas-lakas.

"Fear, tama na. 'Yung baby ko."

Huminto ako. Umiyak at dinuro-duro siya. "Nagpaka-ate ako sa'yo pero hindi mo parin sinunod 'yung advice ko! Gaga ka ba!" umiiyak na sigaw ko sa kanya habang binabalibag 'yung ulo niya sa ere.

Sinampal ko siya. "Pa'no pag nalaman 'to ng mama mo! E di mas malala pa ang mapapala mo!" sigaw ko ulit sa kanya! Kung alam niyo lang kung anong klaseng nanay ang meron si Cheesy! Kung alam niyo lang! Muntikan na nga niyang ipinalalag si Cheesy dati e. 'Yun 'yung kuwento ng Mama ni Cheesy sa mamang ko.

Biglang umeksena si Boknoy, "Ma'am tama na po!"

"Cheesy! Ito ba? Ito ba ang ama ng batang dinadala mo?" umiiyak na tanong ko kay Cheesy sabay turo kay Boknoy.

"May dala pong bata si Cheesy ma'am? Ba't wala akong makita?" sabi ni Boknoy kaya sinapak ko siya. "Umalis ka nga! Bwesit ka ba!" sigaw ko pero hindi umalis si Boknoy.

"Cheesy," umiyak ako at lumuhod sa harapan niya, "Alam kong tanga ka pero bakit si Boknoy pa?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na talaga 'to kaya, hindi na!

"Fear, hindi si Boknoy ang ama ng bata."

"Sino? Sabihin mo."

"Siya," sabi ni Cheesy sabay turo sa may garden.

"Chessy!" napahagulhol ako, "Bakit 'yung hardenero pa!!"

"Hindi hardero Fear, hindi hardenero."

"E sino nga?" tanong ko sa kanya.

"Ako." Bigla akong napalingon nang may biglang may sumagot.

"Ikaw?" sabi ko sabay turo kay Niko.

Tumango-tango siya.

"Walang hiya ka!! Anong ginawa mo sa bestfriend ko!!" Sinugod ko bigla si Niko at hindi ko alam pa kung nagawa ko sa kanya basta ang alam ko ay gusto ko siyang saktan, "ANONG GINAWA MO KAY CHEESY? BWESIT KA!!"

***

On Voice: JoeyJMakathangIsip

"XV GENSAAAAN!" Lumiyad-liyad si Fear at pumorma ala XV GENSAN. Mabilis niyang sinugod si Niko sabay sabunot.

"FEAR!" sigaw ni Cheesy!

"Ma'am!" sigaw naman ni Boknoy!

"Arf!" sigaw ni Chicago.

"Ma'am pir!" sigaw ni Lukrecia!

"Fear!" sigaw ni Edison, Kei at Darryle.

O diba hanep? Sumigaw silang lahat?

Biglang nagkagulo ang loob ng room. Wala naman ni isa sa five fingers ang pumigil kay Fear. Alam na nilang mangyayari ito e kaya hindi na sila masyadong nagulat.

Lahat naman ng makita ni Fear, kagaya nalang ng sofa at cabinet, binabato niya kay Niko.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa bestfriend ko!" sigaw ni Fear sabay bato ng samsung flat screen plasama tv worth 49,000 pesos. Katumbas ng dalawang buwan na sweldo ni Heaven.

"Hey! Tama na! Tama na!" umiiyak na sabi ni Niko sabay walling ala Vilma Santos.

"Papanagutan ko naman si Cheesy, Fearlalu! 'Wag mo lang akong jugbugin! Maawers ka!" umiiyak na sabi ni Niko.

Akmang babatuhin pa sana ni Fear ng aquarium si Niko kaso nahinto naman si Fear nang biglang yakapin ni Cheesy si Niko.

"Fear, tama na!" Umiiyak na sabi ni Cheesy habang pinoproktektahan si Niko mula sa bestfriend niyang si Fear. Oh no!
***
ON VOICE: CHEESY

"Mashaakit ba?" tanong kay Niko habang nakaupo kami dito sha may balcony ng shecond floor. Pinapanuod namin ngayon ang paglubog ng araw.

Kawawa naman shi Niko.

Shumubra ata shi Fear. Pero hindi ko naman mashishishi shi Fear kasi bestfriend ko 'yun e. Parang ate ko na rin 'yun kaya natural lang talaga na magalit 'yun.

"O-ouch!" shabi niya nang lagyan ko ng yelo 'yung bukol niya.

Umaray siya pero napahinto siya at napatitig sa'kin taposh bigla siyang namula.

Ang weird lang! Ang weird lang kasi dapat ako ang namumula ngayon?

"Cheesy, bakit ganyern ka magsalita? Ba't fara kang drunk?" tanong niya.

"Hehehe. Ganito talaga ako kapag kinikilig. Shorry," shabi ko sha kanya.

"Kinikilig ka?" tanong niya taposh napa-giggle naman ako.

"Obvious ba?" shabi ko. Hehe.

Napa-sigh naman si Niko, "Grabe 'yung bestfriend mo,"

"E kashi, mahal ako nun e," shabi ko sa kanya. Grabe! Ang ganda ng dagat! Sarap lumangoy!

"Cheesy?" tanong ni Niko.

"Hmmm?"

"Ahh. Wala," sabi niya tapos umiwas siya ng tingin.

Na-awkward ako bigla, wala akong maisip na topic pero maya-maya pa, may naisip na ako.

"Niko?"

"Hmm?"

"Totoo ba talaga 'yung sinabi mo na papanagutan mo ako?"

"Oo naman. Bakit hindi?" sabi niya.

Napangiti ako ng mapait, "E di ba, bakla ka?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng pilyo, "Bakit? 'Pag bakla ba, hindi na pwede maging daddy? Masyado kang judgemental. Kahit bakla, pwedeng maging tatay. Hindi nakikita ang pagiging tatay sa gender! Tandaan mo 'yan." sabi niya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Dug!

Dug-dug!

Dug-dug-dug-dug!

Ba't umiinit ang pisngi ko?

"Pag labas ng Baby, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Promise 'yan," sabi ni Niko sa'kin habang nakatitig sa mga mga mata ko.

"Pero Cheesy," huminga siya ng malalim, "Hindi yata ko talaga kayang suklian 'yung..."

"Yung?" Humilig ang ulo ko.

"Yung.. pagmamahal mo sa'kin, hindi ko kayang suklian---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

Biglang parang may bumarang bato sa lalamunan ko, "Okay lang 'yun! Ano ka ba! Hindi ka naman tindahan para suklian ako," sabi ko sa kanya tapos hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko... kahit pa... nakangiti ako sa harap niya. Kahit pa tumatawa ako sa harap niya, dumadaloy pa rin ang luha ko kasi nga, hindi niya kayang suklian iyong pagmamahal ko. Kahit bobo ako, alam ko ibig sabibin noon. Hindi niya ako kayang mahalin pabalik.

"Okay ka lang?"

Ngumiti ako ng pilit, "Okay lang. Ang ganda kasi ng sun-se---," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap.

Niko?

Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?

Tama na please?

Tama na.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon