KABANATA 142: Bravery

2.4K 76 15
                                    


KABANATA 142: Bravery

ON VOICE: CAPTAIN HELL FORTUNADO.

NOW PLAYING: SILA by SUD.

♪♪ Matagal-tagal din nawalan ng gana. 
Pinagmamasdan ang dumadaan.♪♪

Kung ako ang magsusulat ng sarili kong lovestory na isasalibro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung ako ang magsusulat ng sarili kong lovestory na isasalibro. Hmm? Ano nga ba ang isususlat ko?

Tragic?

Horror?

Romance?

Tss. Parang ang baduy nung romance para sa propesyong tinahak ko.

♪♪ Lagi na lang matigas ang loob. 
Sabik na may maramdaman. ♪♪

Masyadong magkalabong magkaroon ng Romance sa ganitong klaseng propesyong pinanghahawakan ko kahit sabihin pa nilang maraming babae ang na-aatract sa mga katulad kong men-in-uniform.

♪♪Di ka man bago sa paningin.
Palihim kang nasa yakap ko't lambing. ♪♪

Palagi akong naka-camouflaged suit.

Palaging may dalang backpack na itim.

Palaging may dalang riffle.

Oo.. guwapo ako pero...

May magkakagusto kaya sa'king babae kahit na...

♪♪Sa bawat pagtago. 
Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin.♪♪

Sundalo ako at palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko?

"Hell!" Nabalik ako sa ulirat mula sa pagkikipag-usap sa sarili kong utak nang may babaeng isinigaw ang pangalan ko dito sa may waiting area sa loob ng airport.

♪♪ Walang sagot sa tanong. Kung bakit ka mahalaga. Walang papantay sa'yo. ♪♪

Naka-uniporme ala flight attendant ang babaeng iyon na kasalukuyang kumakaway-kaway sa'kin. May dala-dala siyang bagahe at tila tuwang-tuwa siya ng makita niya ako.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon