KABANATA 98: HALIK SA NOO

2K 85 14
                                    

KABANATA 98: HALIK SA NOO



ON VOICE: FEAR



"'Mag-hire kayo ng tricycle driver. 'Yung daan! Gawin niyong ma-traffic! 'Yung elevator, gawin niyong out of order," sabi ko kay Edison at Boknoy sa kabilang linya tapos natawa na lang ako bigla. Hihihi. Na-e-excite ako sa magiging reaction ni Niko. *Insert Bruha Laugh*



Ibinaba ko ang tawag at di-nial ko ng number ni Babyloves at maya-maya pa, sumagot na siya, "Papunta na si Niko 'jan."



"Sige Babyloves, thank you! Tsaka nga babyloves, dumaan kayo sa may short cut road. Okay?" sabi ko sa kanya tapos ibinababa ko na 'yung tawag.



Inayos ko 'yung DSLR at itinutok ko kay Cheesy na kasalukuyang inu-ultrasound ngayon. At oo! Hindi siya nagpapalaglag no! Everything is just a hoax! Charing! Napapa-english ako! Haha. Basta, it's a plan of Cheesy! Alam niyo naman 'tong babaeng 'to, hanep kung mag-isip. Gusto niyo ba ng flashback? Geh!



FLASHBACK.



Pinilit kong hindi maiyak pero wala e, nasaktan din ako e. Best friend ko 'yan e. Magka-ugnay na ang bituka namin!



"Buti naman na alam mong tanga ka. Baliw ka kasi e. Na-inlove ka, dun pa sa bakla!" sabi ko sa kanya.



"Uy? Baka nakalimutan mong bakla rin si Heaven," sagot ni Cheesy.



"Oo nga no?" sabi ko sa kanya tapos natawa nalang kaming pareho. Ganito kami ni Cheesy e. Pinagtatawanan lang namin 'yung mga problema namin. Hindi namin ini-stress ang sarili namin. May problema, e di go! Do all the best you can para ma-solve, 'pag hindi, e di hindi. Sabi nga nila, this one shall pass. All is well.



"Fear, alam kong napaka-baliw nitong gagawin ko pero Fear," tinignan ako ni Cheesy sa mga mata, "Ipapalaglag ko 'yung Baby," she said tapos may binulong siya sa'kin.



"ANO?" Siyempre, napasigaw ako.



"TANGA KA BA! TANGA KA BA TALAGA!" sabay yugyog ko sa kanya.



"Fear, makinig ka muna kasi." Binitawan ko na man siya, "Uhm joke lang 'yung magpapa-abort ako pero hindi pa rin joke."



"Cheesy pinagloloko mo ba ako?" sigaw ko. Nalito ako bigla.



"I mean, kunwari lang na magpapa-abort ako, tapos sabihin niyo kay Niko na magpapalaglag ako. Pupunta ako sa isang oby--, oba-- obegyne? Ay basta! 'Yung nagchecheck ng bata."



"Tapos?"



"Wala lang, sabihin niyo lang kay Niko na magpapa-abort ako kunwari. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nasa isip niya e." sabi ni Cheesy tapos napangiti ako in a very evil way. Wahaha! Oright!



"Ganun ba? Sige, ipalalaglag natin ang Baby mo." Napangisi ako.



END OF FLASHBACK.



"Relax lang iha," sabi ni Doktora kay Cheesy tapos ito namang tarantadang si Cheesy umiyak. Ultrasound, iniiyakan?



Maya-maya pa, may biglang kumatok sa pintuan, akala ko si Niko 'yun pero sina Babyloves lang pala, "Bilis!" sabi ko sa kanila tapos agad-agad ko silang pinatago sa may kurtinang kulay green. Para talaga kaming mga bata! Haay.



"Lukrecia, ang baho ng hininga mo," sabi ni Darryle tapos natawa kaming lahat! Oo, kinunsyaba ko na silang lahat! Ayos di ba?



"Ano ba! Ssh!" natatawang sabi ko kay Darryle.



Maya-maya pa biglang kumalabog 'yung pinto. Agad kong pi-ress 'yung record ng DSLR.



*BOOGSH!*

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon