KABANATA 99: DANDRUFF

2.1K 71 2
                                    

KABANATA 99: DANDRUFF

ON VOICE: FEAR
"So? Okay na sila?" tanong ni Kei sa'min. Nandito kami ngayon sa likod ng isang malaking kahoy dito sa isang park. Nagtatago kami habang nire-record namin 'yung moment ni Cheesy at Niko dun sa isang bench. Actually, kanina pa kami rito at nagmumukha na kaming tanga.

Mga 59 minutes na rin kasi kaming nakatayo na parang tuod dito sa kadahilanang ang tagal din kasing mag-usap ni Niko at Cheesy. Tahimik lang sila ng halos isang oras. Sarap nga nilang batuhin ng bato e not to think na tanghaling tapat na at sobrang napaka-init talaga dito ngayon. Kung puwede lang sama naming pag-umpugin si Cheesy ay Niko, naku! Ginawa na namin kanina pa.

"When will they going to move? Kanina pa sila diyan," pagmamataktol ni Babyloves na kasalukuyang karga-karga si Baby Kevs.

Medyo nainis na talaga ako sa kabagalan ni Niko at Cheesy kaya hindi na ako nakatiis at kumuha na talaga ako ng bato.

"Hawakan mo muna," ibinigay ko kay Lukrecia 'yung DSLR.

Sinipat ko ng maigi 'yung nguso ni Cheesy. Nung nagawa ko nang sipatin ng maigi 'yung nguso ni Cheesy ay ibinato ko na 'yung bato. Hinintay kong maglanding 'yung bato sa nguso ni Cheesy kaso ang nangyari...

"OMG! OMG! Dumudugo ang nguso ni Lukrecia!" sigaw ni Kei! Halaaaaa! Sa taas ko pala nabato? Baliw!

"Hala, dumudugo," sabi naman ni Bokboy sabay turo sa nguso ni Lukrecia.

"Hindi, nagtutubig 'yan, nagtutubig! Kita ng nagdudugo e!" sabi ko naman kay Boknoy. Kainis e.

"Ay akala ko po talaga dumudugo ma'am e, nag-tutubig pala," natatawang sabi ni Boknoy. Spell buang?

Pinahiran ko naman 'yung nguso ni Lukrecia ng tissue tapos pinakain ko kay Boknoy, "Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry!" paghihingi ko ng paumanhin kay Lukrecia. Nakuuu, Cheesy, tignan mo! Naka-disgrasya pa ako ng tao!

"Oki lang ma'am. Hendi naman masaket," sabi niya tapos natatawa pa siya. Hala? Nabuang.

While pinapahiran ko 'yung nguso niya ay bigla siyang nagsalita, "Hala, mokhang maghahalekan na sila," sabi ni Lukrecia na nakitingin sa may bench tapos mabilis naman naming nilipat lahat 'yung atensyon namin kay Niko at Cheesy na mukhang maghahalikan na nga!

Lumapit kasi si Niko sa mukha ni Cheesy at mukhang magki-kiss na talaga sila! OMG Cheesy, I'm so proud of you! Sa wakas hindi mo na itatanong sa'kin kung ano pakiramdam ng mahalikan! Sa wakas ay hindi mo na hahalikan ang salamin! Sa wakas ay hindi mo na hahalikan 'yung bibig ng bote! I'm proud of you!

Inabangan namin 'yung first kiss nila kaso laking disappointment namin nang biglang napa-atching si Cheesy sa mukha ni Niko na naging dahilan upang mapunta ang lahat ng sipon, laway, uhog at iba't-iba pang maduduming debris ni Cheesy sa nakapa-enosenteng mukha ng baklang nasa harapan niya. Si Niko.

"Ewww!" sabi naman ni Baby Kevs at halos masuka naman kami nang biglang dinilaan ni Niko 'yung mga uhog ni Cheesy na lumapat sa mukha niya.

"Mukhang okay na nga sila mga dre, tara na!" sabi naman ni Darryle sabay hawak sa pwet ni Kei tapos umalis na kami ng matahimik without Niko and Cheesy noticing us. Nag-titiptoe pa talaga kami para hindi kami mapansin ni Niko at Cheesy. Alam niyo na! Napaka-sensitive ng dalawang 'yan at baka 'pag nakita nila kami ay baka magka-phobia pa silang maging sweet sa isa't-isa. Hihihi.

Ano kayang magiging mukha ng anak ni Cheesy at Niko? Cute naman si Niko at maganda naman si Cheesy kaya paniguradong cute din 'yung magiging baby nila. Sana girl naman labas nang hindi na si Baby Kevin ang mapagtripan ng Five Fingers na bihisan ng kung anu-ano. Hihihi. Hihihi? Witch lang? Buang.

Habang karga-karga si Baby Kevin ay tawang-tawa naman ako habang pinapanuod 'yung ni-record ko na video. Kita kasi 'yung panty ni Cheesy sa video e. Meteor garden 'yung design. Omg! Mukhang nung isang linggo pa niya suot 'yun. Hahaha.  Cheesy, please practice proper hygiene, okay? Buang.

"Mommy ba't ka tumatawa mag-isa?" biglaang tanong ni Baby Kevin na ngayon ay karga-karga ko na.

"Ha? Hehe. Wala baby, may nakita lang si Mommy," sabi ko sabay kamot ng anit ko. Jusko! Ang kati! May kuto na ata ako.

"Okay," sabi ni Baby Kevs tapos inayos ko naman 'yung pagkarga ko sa kanya. Parang bumigat na ata 'to lately ah? Hmm.

Pinutol ko na 'yung recorded video tapos tawang-tawa pa rin ako habang naglalakad sa daan. Napaka-epic kasi talaga 'yung nangyari kay Niko at Chessy eh! Akalain niyo, si Cheesy makakaisip ng na paniwalaing ipapalaglag niya 'yung baby nila? Tatanga-tanga lang 'yang si Cheesy pero matalino 'yan in some ways. Promise! Nung college nga kami, habang nakikig kay Sir Boompa, bigla niyang naisip na what if gagawa siya ng chemical na mag-rerepair ng butas ng ozone layer? Tapos naisip rin niya na bakit ang mga langgam na mahihilig sa matamis e hindi naman nagkaka-diabeties? Ano kayang properties o components meron ang mga langgam na pwedeng i-inject sa tao para hindi ma magka-diabeties? O 'diba? Shushunga-shunga lang 'yang bestfriend ko pero magaling talaga 'yang mag-isip. Minsan, sumusobra nga lanh. O! Nagka-typo error pa.

Nung nasa may waiting shed na kami ay nagkahiwa-hiwalay na kaming lahat. Si Darryle at Kei, may pupuntahan pa raw. Si Edison naman, hindi namin siya sumama sa'min, may pinuntahan din ata. So ang natira sa'min ngayon ay si Lukrecia, Boknoy, ako, si Babyloves at si Baby Kevs.

"Lukrecia," tawag ni Heaven kay Lukrecia na weird na inaamoy ang hangin dito sa may waiting shed. Ginagawa nito?

Lumingon naman si Lukrecia, "Ser?"

"Mauna na kayo ni Boknoy, may pupuntahan lang kami."

"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang karga-karga si Baby Kevs tapos hindi niya naman ako sinagot. Ang labo talaga.

"Segi ser, mauna na kame, mukhang may popontahan pa kayo e," kinikilig na sabi ni Lukrecia at hindi naman obvious na inulit niya 'yung sinabi ni Babyloves ha? Luka-luka talaga!

Medyo napakamot naman ako ng ulo? Arrrg! Ang kati talaga? Ano ba 'tong nangyayari sa anit ko? Tss. Inamoy ko 'yung kuko kong pinagkamot ko sa anit ko. Ambaho pero ang sarap amuyin! Langhap sarap.

Buang.

Pero saan kaya kami pupunta? Wala naman akong maalala na may sinabi siya sa'king may pupuntahan kami ah? Hala! Baka i-surprise niya ako! Ay! Nakakatuwa naman.

"Sige, mauna na ka'yo," sabi ni Babyloves.

"Opo, mauna na kame," sabi naman ni Lukrecia.

"Wait? Why are you repeating my words?"

"Oo nga sir? Why Am I repeteng yur wurds?" Kumunot 'yung mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi inuulit niya 'yung sinasabi ni Heaven? Tss.

"Sir, kasali po ba ako?" tanong naman ni Boknoy. Ayan! Ayan na naman! Dadagdag pa 'yang isang buang na 'yan!

"Opo, kasali po ba seya?" tanong ni Lukrecia. Grrr! Mababaliw na ata ako. Akala ko kung sino si Seya.

"Eventually, yes," tinignan ni Heaven si Boknoy. Kung maka-eventually e.

"Samahan mo muna si Lukrecia," sabi ni Heaven tapos nagkatinginan naman si Lukrecia at Boknoy. 'Yung tipong parang may spark? Hala! Paki-explain.

"If you want, you can go shopping," tapos kumuha si Babyloves ng pera sa wallet niyang kulay pink. Actually, bigay 'yan ni Mamang sa kanya. (♥o♥)

"Hala sir, tenkyu kaayo ser. Hihi," tapos tumakbo na si Lukrecia at sinundan naman siya ni Boknoy.

"Hihihi. Mukha silang engot," (^w^) Natatawang sabi ni Baby Kevs.

Nung kami nalang ang naiwan dito sa may waiting shed, nagkatinginan kami ni Heaven, 'yung sobrang matagal. Nung nakaramdam ako ng pagkailang ay biglang nagkaroon ng pula at maiinit na tinta sa magkabilang pisngi ko. Bigla naman siyang natawa. Naalala ko 'yung ginawa namin noong isang gabi! Ano ba 'yan!!!

"'Tinatawa-tawa mo?" sabi ko sa kanya tapos natatawa pa rin siya. May mali ba sa mukha ko? Hala! Baka may dahon ng malunggay sa ngipin ko? Kumain pa naman ako ng tinola kaninang umaga at hindi pa naman ako nakapag-toothbrush since ura-urada ko ngang sinamahan si Cheesy sa ospital.

"What's the problem?" nakangisi niyang sabi.

"Tse!" sabi ko naman sa kanya. Tumatawa-tawa e! May nakakatawa ba sa mukha ko?

"Look at your Mom Baby, tinotopak na naman," sabi ni Heaven tapos tumawa naman si Baby Kevs.

Nainis ako kaya binato ko si Baby Kevs kay Babyloves, buti nalang nasalo niya. "Magsama nga kayo!" sabi ko sabay walk-out.

Ewan ko rin kung ba't ako nag-walkout pero sa pagtalikod ko, napangiti ako ng bonggang-bongga. Baliw na kasi ako! Wahaha? See? Natatawa ako sa isip ko?

Nagpunta kami ni Heavrn sa isang center kung saan bumili kami ng kaonting pasalubong para kay Mamang, Papang, Angry ay at para kay Ninang Douglas, Mac at Arthur. Kumain din kami sa isang restaurant na native theme ang mga ulam tapos ang saya lang kasi hindi na kami gumamit ng kubyertos, nagpaa lang kami, este nagkamay pala.

Na-meet din namin ni Heaven 'yung isang prof namin nung college! Si Ma'am Maypfroblema Sangalanga? Hihihi. Tanda niyo siya? 'Yung prof na nambabato ng microphone? Na mismong prof na tinanong ako ng, "WHUT IS KAMYANIKEYSHAN?" Oo siya! Kanina nga, sinabihan niya kami ni Babyloves ng ganito, "UY? HOW ARE YOU MY DEAREST STUDENTS? MATAGAL NA TAYONG WALANG KAMYANIKEYSHAN?"

HAHAHAHA! Tawang-tawa nga ako e, pinigilan ko lang.

Naglibot-libot din kami sa iilang lumang bahay dito, tapos tawang-tawa kami ni Babyloves nung may nakita kaming bahay na ganito ang nakasulat:

ROOM 4 RENT. 2 BED SPICER. DOUBLE D!CK.

"Icecream, Daddy!" pagtuturo ni Baby Kevin sa isang vendor na nagtitinda ng ice cream.

"Okay," tapos pumunta sila doon sa vendor sa may kabilang kalsada tapos naiwan naman ako dito sa may tapat ng kotse. Nakangiti ko lang pinagmasdan si Baby Kevin na pinapakain ng ice cream ng Daddy niya.

Maya-maya pa, may isang babae ang lumapit sa'kin. May suot siyang malaking dark shades sa kanyang mga mata, may makapal na kolorete sa mukha, pula at biyak biyak naman ang lips niya at parang sinampal ng kabayo ang parehong pisngi niya sa sobrang pagka-orange na tinalo pa ang kwek-kwek sa kulay.

May suot din siyang kulay blue na tube na parang niluluwa na ang boobs niya. Napapanganga rin ako sa clevege niya since nagmukha na itong Automated Teller Machine na puwede mong pag-swipe-pan ng card. Sa suot niyang shorts ay nahinuha kong nagsuot na siya ng panty na gawa sa maong na hina-highlight kung gaano karami ang varicose veins niya sa paa na tila ba ang nagmukha siyang inugatang punong-kahoy na nagka-dibdib.

Pumunta siya sa harap ko tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at hindi rin naman ako nagpatalo kasi tinignan ko siya mula paa hanggang ulo at nung nangkatagpo 'yung mga mata namin sa ere ay bigla siyang tumili, "AAAHHH!"

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon pero dahil medyo nairita na ako ay agad ko siyang binara, "Excuse me? Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"OH. MY. GOSH! Hindi mo ba ako remember? I'm Jessie, 'yung kasabay mong binakunahan noong 3 years old ka pa? You're Pearl De Guzman right?"

"Wow! Ikaw ba 'yan Jessie? Boyfriend mo si James right? Tapos anak niyo si Meowth?"

Tumango-tango siya. "Sabi ko na nga ba e, kayo ang team Rocket! Kumusta si Picachu?" sabi ko naman.

Natawa siya. "Joker! Oo! It's me. Jessie."

"Jessie, ikaw yan?" mataas ang tono ng boses ko.

Tumango-tango siya habang nakabungisngis.

"Sorry pero hindi kita kilala," sabi ko sa kanya at nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya.

"What did you say?"

"Ha? Hehehe. Sorry pero hindi kita kilala. At isa pa, Fear ang pangalan ko at hindi Pearl. Nagkamali ka lang ata."

"Yes! Fear! What did I say ba?" sabi niya tapos weird ko nalang talaga siyang tinignan habang awkward na nakangiti.

"By the way, anong ginagawa mo dito? I mean, are you with someone now?" tanong niya.

"Ahh, oo kasama ko 'yung husband ko at pati na 'yung baby namin," sagot ko sa pinakaminahon at pinaka-formal na paraan. Tumitilamsik kasi 'yung laway niya kaya mahinahon ko siyang sinagot.

Habang pinupunasan ko 'yung laway niya sa katawan ko ay bigla naman siyang nagsalita, "WHAT? MAY HUSBAND KA NA? AT MAY ANAK PA? OH, COME ON, YOU GOTTA BE KIDDING ME." Grabe, mabaho rin pala hininga niya.

"Ahh, hehehe. Oo e,X sagot ko. Hanggang ngayon awkward pa rin 'yung pagsagot ko sa kanya since inaanalisa ko pa rin 'yung identity niya ngayon. Pinipilit ko kasing mangalkal ng memories sa utak ko from the past pero hindi ko talaga siya matandaan e.

"Hay naku! Bakit ka kasi maagang lumandi? Look at me. You must be like me right now. Single, mayaman, free, at maraming boys," natatawang sabi niya na para bang proud na proud sa sarili niya.

"Inshort malandi," sabi ko sabay roll ng eyes. Medyo na-offend ako sa sinabi niya kaya sinagot siya ng ganun.

"Ah? Excuse me? Are you saying something?" tanong niya.

"Wala. Hehehe," sabi ko sa kanya trying to be polite for the nth time.

"Hmmm," inilagay niya 'yung daliri niya sa lips niya sabay tingin sa'kin na para bang inuusisa ang bawat parte ng pagkatao ko.

"Alam mo, losyang ka na."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Tapos, omg! Let me guess, katulong ka no? Hahaha. Maaga ka kasing lumandi, ayan tuloy."

Medyo uminit na talaga 'yung ulo ko sa sinabi ko sa kanya kaya sinagot ko na siya, "Excuse me ha? Unang-unang sa lahat, hindi kita kilala at wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Pangalawa, hindi ako maagang lumandi. Second year college ko nakikila si Heaven at sinagot ko lang siya nung natapos lang kami ng college. Naghanap ako ng trabaho for one year at nung kumita, nagtayo ako ng parlorsn and it took me another year para suyuin ako ng asawa ko na magpakasal sa kanya. Pangalawa, kung losyang man ako, wala kang pake okay? Naging losyang ako nung nanganak ako at proud ako dun! Panghuli, kung mukha akong katulong, mukha ka namang pokpok! Tignan mo 'yung nga 'yang shorts mo, ginawa mo ng salawal!" sigaw ko sa kanya at napanganga naman siya.

"What? How dare you say that on me?" nangingilid luha niyang sabi.

"What-what mo mukha mo, mukha kang si Kokey!" sigaw ko sa kanya. Akmang sasampalin niya sana kaso hindi niya na iyon nagawa ng biglang dumating si Heaven at si Baby Kevin.

"Let's go?" emotionless na sabi ni Heaven sa'kin without even looking this dirty girl infront of me.

"Tara na. May baliw pa naman dito," sabi ko sabay pasok sa pinto ng kotse nung pinagbuksan ako ni Babyloves.

"Wait? Who is thay cute guy? Is that your boss right? At katulong ka niya right?"

Nginisihan ko siya, "He's my husband. And fortunately, I'm his wife." sabi ko dun sa dirty na babae na nasa labas at naiwan naman siyang ngumangawa na para bang hindi makapinawala sinabi ko.

"Cool," sabi naman ni Heaven at natawa lang siya.

"Ako pa," ngumisi ako.

Tumitig siya sa kin. "I think we have a misunderstanding here."

"Huh?" ani ko.

"I mean, its not you who is cool but the girl lately was cool kasi napagkamalan ka na namang lang katulong," dagdag niya na siyang nagapalipad sa mga dandruff ko sa anit.

***


When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon