KABANATA 103: CART
ON VOICE: FEAR
"Kunan mo ng picture dali! Baka magising siya, hindi pa tayo makapagpa-picture!"
"Oo na! Oo na! Wait lang!!"
"Bilisan mo!"
"Oo nga, binibilisan ko na! Alam mo namang Nokia 3310 pa 'tong telepono ko e!"
"Okay na?"
"Oo!"
"Aah!" tili nung isang babae o bakla o ibon. Hindi ko kasi ma-identify kung anong klase at sa kung saan nangggaling ang tiling 'yun sa kadahilanang nasa kalagitnaan ako ng matiwasay na pagkakahimbing dito sa kinauupuan ko ngayon. Gusto ko pa sana usisain ang mga tiling iyon pero hinayan ko na lang. Bahala na nga, ang sarap pang matulog e.
"Aaa!! Perfect!"
"My Gosh! Kita mo? Ang guwapo niya sa picture! Gosh! Ipapa-frame ko 'to!"
"Oh, my! Ipapa-print ko 'yan sa panty ko!"
"Ako besh, sa napkin ko!"
"Over! Exaggerated ka naman besh!"
"Spell exaggerated?"
"Ay basta besh, ipapa-print ko face niya. Hahaha!"
"Duh! Kung hindi lang evun 'yang lipstick mo e!"
"Anong evun besh? Avon!"
"Evun kapag utang! Shunga!"
Sobrang ingay ng paligid ngayon. May mga babaeng nag-titili, may tumatawa ng malakas, may parang nanganganak sa sobrang lakas ng tili. Bagamat nakakainis, hindi ko na sila pinansin. Tulog pa kasi ngayon dito sa may upuan sa loob ng plane kasama si Babyloves at Kevin.
Maya-maya pa, may parang camera na nag-click at nag-flash ng maraming beses.
"Oh. My. Gosh! Ang guwapo niya talaga besh!"
"Oo nga besh e! Tignan mo naman siya besh oh? Ang cute niyang matulog!"
"Tapos 'yung nose niya besh, 'yung lips niya! Omg besh! Ma-de-dead na yata ako besh! Look at me besh oh, tumitirik na ang eyes ko! Look besh, look!"
"Wagas ka besh. Hahaha! Pero grabe besh ha! He's not just guwapo but he's hot! Admit it, na-eenganyo ka ring itaas 'yung shirt niya! Omg!"
"Wahahaha! Besh, correct ka 'jan! At wait, besh, look at his zipper oh! Gosh, besh! Bongga!"
Medyo naalimpungatan akong nagising nang hindi pa rin tumitigil ang mga babaeng tili ng tili lalong-lalo na nung narinit ko 'yung word na zipper.
Kinamot ko muna 'yung ulo ko kasi ang kati talaga tapos tinanggal ko rin 'yung laway na tumigas na sa pisingi ko.
Nung tuluyan kong iminulat ang mga mata ko ay nakita ko ang lipong ng mga babae na pinagpepyestahan ang natutulog na si Babyloves.
Nung inilibot ko naman ang mga mata ko ay bigla kong naiinganga 'yung bunganga ko nang makita ko 'yung sandamukal na babaeng picture ng picture kay Heaven. Pinaghalong flight attendant at regular passenger at regular french fries ang kuha ng kuha ng picture sa kanya. Pati na rin pala 'yung mga Piloto! Alam na!
Hindi ko rin namalayan na nag-landing na pala 'yung plane na sinakyan namin. Tulog pa si BabyKevs kaya dahan-dahan kong inalog si Babyloves.
"Babyloves gising," sabi ko sa kanya habang nakatingin ako dun sa mga babaeng picture ng picture sa kanya.
"Ah miss?" Napalingon naman ako nang may kumalabit sa'kin sa may likuran ko.
"Ako?" sabi ko to confirm na ako nga 'yung tinutukoy niya.
"Hindi, 'yung kuko ko! Kaya nga kita kininabit 'di ba?" sabi niya pa na may halong sarkasmo.
"Angas mo rin ah?" sabi ko sa kanya. Loko pala siya eh? Tinatanong ko ng maayos, jino-joketike ako? Ano 'yun? Joke?
"Duh! Kunan mo nga kami ng litrato nitong katabi mo," padabog niyang sabi sabay abot niya sa'kin nung Nokia 3310 niya.
Nainis ako kaya hindi ko kinuha. Asa siya!
Bigla naman akong pinanlisikan ng isa pang babae, "Hey you!" turo sa'kin ng babae na siyang ikinainsulto ko. Matino akong bababe, hindi nanalalaban pero kapag nakaramdam na ako ng pang-insulto, hindi ko alam kong kaya ko bang magpalagpas lang ng himutok.
"Hoy bruha, 'wag mo'kong ma-hey-you-hey-you babaeng maraming cholesterol ang labi!" pagtuturo ko sa babaeng nagmamantika ang labi dahil sa sumobrang lips shiner.
Bigla namang natawa 'yung mga girls sa paligid namin, "Huh! At sino ka para tawagin itong si hot guy ng Babyloves?" sabi naman nung isang babaeng putok na putok ang blush on at putok na putok rin ang amoy ng hininga.
Nginisihan ko silang lahat, "Husband ko lang naman siya," sabi ko sa kanila, sabay flip ng aking buhok at as if on cue, with synchronization, mastery ang choreography, sabay-sabay silang napa-"WHAT!"
Bigla naman akong natawa sa ekspresyon ng mga mukha nila. "Gusto niyo ng pruweba?" sabi ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumango.
"Pwes," sabi ko sa kanila sabay alog-alog ko kay Babyloves.
Nang magising si Babyloves, akmang hahalikan ko sana siya sa cheeks niya kaso nang makita niya ang pagmukuha ko ay bigla siyang nataranta sabay kuha ng rosaryo sa sa isang babae sabay tapat ng rosaryo sa mukha ko.
Nganga!
"Wahahahaha!" sabay tawa nung mga babae.
***
"Ako na," sabi ko sa kay Heaven sabay kuha ng mga bags ko sabay lagay nito sa cart na tinutulak ko ngayon kung saan nakasakay si Baby Kevin.
Nakakainis 'yung ginawa niya e! Nilagyan ba na man ng rosaryo 'yung mukha kanina? Napahinya tuloy ako.
Nung nakalabas na kami ng airport, bigla siyang nagsalita. "Hey what's your problem?" sabi niya habang hinahabol ang mabilis kong pagtutulak ng cart sa may gilid ng daan.
"'Wag mo akong kausapin!" sabi ko sa kanya sa mahinhin na paraan. Siyempre, maraming tao dito at ayaw kong mag-eskadalo.
"Is this all about what happened on the plane? Nung nilagyan ko ng rosaryo ang mukha mo?" tanong niya at napatigil nalang ako habang nakapikit ang mga mata dahil sa inis.
"'Wag mo ngang ulit-ulitin!" sigaw ko. Kainis eh!
"Well, sorry. When I open my eyes kanina, you were the first person I saw. Akala ko nakakita ako ng engkan--" napatigil siya nang bigla akong nagsalita, "Sige! 'Pag tinuloy mo 'yang sasabihin mo, makikita mo talaga ang hinahanap mo! Naku Heaven, 'wag mo akong galitin, nangggiigil ako!" pudpud gilagid kong sabi sa kanya habang nag-va-vibrate 'yung gums ko.
"Fine, akala ko kanina, nakakita ako ng diwata," sabi niya sa'kin in a very lame way.
"Ewan ko sa'yo!" sabi ko sa kanya sabay layas. Paglingon ko, wala na 'yung cart. Wala na si Baby Kevin.
"Nasaan na 'yung a-a-a-nak natin?" kinukumbulsyon kong tanong kay Heaven, pati siya nagulat.
"'Yung bata! 'Yung bata!" napalingon ako nang biglang may sumigaw may kanto. Pagtingin namin ni Babyloves sa area na iyon ay bigla na lang kaming napatakbo nang makita namin si Baby Kevin na nakasay pa rin doon sa cart na kasakuyang tumatakbo mag-isa.
"MOMMY!" sigaw ni Baby Kevs.
NGANGA!
***
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)
HumorSabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa dating, puro sundot sa tagiliran. Sa dating, puro tusok sa kung saan. Now, in Fear and Heaven's marr...