KABANATA 135: HEAD

1.6K 64 1
                                    

KABANATA 135: HEAD

ON VOICE: FEAR

"Hey? Fear!" sigaw ni Mr. Jameson habang sinusundan niya ako gamit 'yong kotse niya. Nagtimpi akong hindi mainis sa kanya kaya naglakad na lang ako habang nakakuyom 'yong dalawang kamao ko. Baka kasi kapag nainis na ako ng todo e baka mabasag ko pa 'yong windshield ng sasakyan niya.

Nakalabas na ako ng subdivision at maya-maya pa ay nakasakay na rin ng taxi pero 'yong Jameson na 'yon, nakasunod pa rin sa'kin.

"Kuya, iliko mo. Tapos kapag may nakita ka pang kanto, iliko mo lang. Liko lang ng liko forever," utos ko kay Kuya Taxi Driver.

"Ma'am walang forever," bitter niyang sagot. Weird 'yong tingin niya sa'kin pero hindi niya 'yon pinansin at sinunod lang niya 'yong sinabi ko. Liko lang kami ng liko pero si Mr. Jameson, nakasunod pa rin talaga! Ano bang problema niya?

"Arrg! Wala ba siyang planong huminto sa pagsunod sa'kin?" nagva-vibrate molar teeth kong sabi sa sarili ko.

"Ma'am? May humahabol po ba sa inyong killer? Kasi kong mayroon po, ibababa ko na po kayo," ani Kuya Taxi Driver na mukhang worried na sa buhay niya.

"Bababa na lang po ako," ani ko sa kanya tapos binaba niya naman ako sa isang grocery store. Nagbayad ako tapos pumasok na sa loob.

"Hey! De Guzman!"

Napahinto ako sa sobrang inis. Nakayuko lang ako habang may bumabalot na itim na aura sa buong katawan ko.

"De Guzman, I'm just here to say sorry for what happened last night. Hindi ko naman alam na takam na takam ka pala sa labi ko."

Pagkasabi niya niyon, agad kong binato 'yong kamao ko sa ere. Dapat lalanding 'yon sa well-structured niyang panga kaso mabilis yata ang reflexes niya kaya mabilis din siyang nakailag.

At dahil hindi tumama 'yong kamao ko sa panga niya ay lumanding ito sa nguso isang sales lady na kasalukuyang ngumunguya ng chewing gum.

Maya-maya pa... "Aruuuy!" Dumaing sa sakit ang saleslady na nasa gilid ko lang at nang makita niyang umaagos na pala 'yong dugo mula sa nguso niya ay bigla siyang natulala.

"Hala, ate. Sorry, sorry," sabi ko sa kanya tapos biglang namang nagsilapitan 'yong mga tao sa'min. Lumapit din 'yong manager nila at dinala ako sa office.

Nganga. (°o°)
***
"Sir, sorry po talaga. Hindi ko sinasadya, ito kasing lalaking 'to e," tinuro ko si Mr. Jameson na kasalukuyang nakaupo sa tapat ko na nakangiti lang ng nakakaloko, "Dapat siya 'yong susuntukin ko kasi ang bastos-bastos magsalita. Eh sa umiwas siya tapos saktong dumaan naman si Ate kaya ayun! Nasuntok ko 'yong nguso niya. Kahit i-review n'yo pa sa CCTV," pag-e-explain ko roon sa manager kaso parang ayaw niya atang maniwala. Panay 'yong haplos niya sa bigote niyang kinabog si Albus Dumbledoor ng Harry Potter.

"Ate, sorry," niyakap ko Ate. 'Yong nasuntok ko?

"Oki, lang," sabi niya tapos nanlaki naman 'yong mga mata ko kasi medyo napansin kong katunog niya si Lukrecia. Magkapariho, esti, magkapareho sila ng accent. Bisaya rin kaya siya?

"Oh siya. Basta! Bayaran mo lang 'tong sales-lady namin para sa physical injury na natamo niya dahil sa pagsuntok mo. Pasalamat ka iha at mabait 'tong saleslady namin kasi kung hindi, baka pina-blotter ka na namin," sabi ng Manager sa'kin.

Dumukot ako ng 20 pesos sa wallet ko at akmang ibibigay ko na sana iyon kay Ate kaso hindi niya tinanggap. "May prinsipyu kase ako Ma'am tsaka hendi niyo naman kasalanan," sabi niya sa'kin tapos niyakap ko na lang siya ulit kasi naalala ko talaga si Lukrecia sa kanya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon