KABANATA 129: MEDICAL LICENSE

1.2K 55 1
                                    

KABANATA 129: MEDICAL LICENSE




ON VOICE: FEAR



"Mr. Jameson, sandali na lang tayo. Malapit na tayo sa ospital. Konti na lang," natataranta kong sabi kay Mr. Jameson habang nagmamaneho. Nasa tabi ko lang si Mr. Jameson na nahihirapan ng huminga. May tama siya sa balikat niya.



"Hoy mag-ingat ka Miss!" sigaw ng driver na kamuntikan ko ng mabangga. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Hindi ko akam kung gaano na kabilis ang takbo ko pero ang nasa isip ko lang ay kailangan kong masagip ang nag-aagaw buhay na si Mr. Jameson.



"You can leave me here," ani Mr Jameson. Ninilingon ko siya at nakita ko ang pagngisi niya sa kabila ng tama niya sa balikat niya. Paano niya nagagawang ngumisi sa kalagayan niya?



"Puwede bang tumahimik ka na lang?" inis kong sabi sa kanya at maya-maya pa ay nanginig ako bigla nang makita ko ang pagbulwak ng dugo mula sa tama ni Mr. Jameson.



Huminga ako ng mabilis at kinalma ang sarili. "Just chill okay? Relax ka lang Mr. Jameson. Huwag na huwag kang gumalaw. The more you move, the more your heart will throb. Mas maraming lalabas na dugo that might result for you to lost your consciousness or worse, die. Just relax."



Ngumisi siya, "How did you know that? Are you a doctor?"



Hindi ko na siya sinagot at mas binilisan ko na lang ang pagtakbo ng kotse.



Actually, marunong talaga akong magpatakbo ng kotse. Highshool pa lang ako, alam ko na kung paano. Taxi driver si Mamang kaya tinuruan niya ako.



Nakita kong unti-unti nang nanghihina si Mr. Jameson kaya mas lalo akong nataranta. Sa unahan ay naka-red ang traffic light kaya nakahinto ang lahat ng kotse.



Dahil alam kong kaonti na lang ang oras, inatras ko ang kotse at maya-maya pa...



"Kumapit ka!"



"What the hell are you doing?"



"Kumapit ka sabi!" ani ko kay Mr. Jameson nang inilusot ko ang kotse sa pagitan ng isang truck at SUV. Naka-slanting 'yung kotse ko nang ginawa ko iyon.



Natulala ang mga tao sa kalsada dahil sa ginawa ko. Iniwasan kong magasgasan ang mga sasakyang dinanan ko kaya ginawa ko 'yun.



The car now's free to travel at maya-maya pa ay nakarating na kami sa ospital.



"Ilang minuto na ang lumipas simula ng matamaan siya?" tanong sa'kin ng isang lalaking Doktor habang kasalukuyan naming tinutulak ang strecher kung saan nakahiga si Mr. Jameson.



"10 minutes? Hindi ako sigurado doc," tugon ko sa kanya.



"Sige, kami na ang bahala," aniya at ipinasok na si Mr. Jameson sa operating room. Naiwan ako sa labas. Duguan ang suot kong damit.



Huminga ako ng malalim, "He'll be okay," sabi ko sa sarili ko.



Uupo na sana sa upuan ng waiting area ngunit napahinto ako nang may makita akong black leathered wallet sa tiles ng ospital. Kinuha ko iyon at binuksan.



"Jameson Zunaga," pagbasa ko sa isa sa mga ID na nakaipit sa loob wallet. So, kay Mr. Jameson pala ang wallet na 'to?



May cash na laman ang wallet at pati na ng mga I.D. pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay ang isang lumang family photo na unang-unang kong nakita nong binuksan ko ang wallet na ito.



Sa litrato ay makikita ang ang dalawang mag-asawa, isang batang babae na karga-karga ng kanyang ina at isang batang lalaki na nasa gilid ng kanyang tatay na kung hindi ako nagkakamali ay si Mr. Jameson.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon