KABANATA 88: BAKIT NGAYON KA LANG?

1.7K 70 1
                                    

KABANATA 88: BAKIT NGAYON KA LANG?



ON VOICE: FEAR



"By the way, pinulot ko pala 'yung cellphone mo kanina." Inabot sa'kin ni Mr. Jameson 'yung cellphone ko.



"Thanks," sabi ko sa kanya. In-unlock ko 'yung phone ko at bumungad agad sa'kin 'yung wallpaper ko kung saan si Heaven at si Baby Kevin 'yung nasa litrato.



"Never lose them," sabi niya sa'kin at tumingin naman ako sa kanya.



"Sila 'yung buhay ko kaya hindi ko sila magagawang bitawan."



Nagkaroon ng katahimikan sa'ming dalawa ni Mr. Jameson pero maya-maya pa ay binasag niya iyon sa pamamagtinan ng isang joke.



"Bakit kulot ang pubic hair?" natatawang tanong ni Mr. Jameson tapos natawa rin ako.



"Pfft. Hahaha. Bakit?" tanong ko. Oo nga no? Bakit kaya? Kulot rin 'yung akin e.



"Kasi hindi siya sinusuklay. Wahahahaha!" tapos natawa si Mr. Jameson. Siya lang 'yung natawa. Naawa ako sa kanya kaya dinamayan ko na..



"Hahahaha! Ha-ha---" nahinto ako sa pagtawa nang makarinig ako ng kakaibang ingay sa paligid. Parang may umubo?



"Hala may tao ba sa paligid?" tanong ko kay Mr. Jameson. Nandito pa rin kasi kami sa may liblib na lugar ng beach. Malalim narin ang gabi tapos malakas na rin 'yung alon.



"Ha? Tao? Mukhang tayo lang naman ang nandito ah?" Lumingon-lingon si Mr. Jameson sa paligid. Mukhang takot din siya. Kanina kasi parang may umubo sa paligid namin. Hala! Hindi kaya multo 'yun?



Multo na may ubo?



Nagsitayuan bigla ang mga buhok ko sa katawan. Kung ano ang mga buhok na 'yun, ikaw na ang bahalang mag-isip.



"Oh, pa'no? Alis na ako?" Tumayo na si Mr. Jameson kaya tumayo na rin ako. Pinagpag ko 'yung mga buhangin na dumikit sa pwetan ng shorts na dumikit din sa singir ng panty ko tsaka siya hinabol. "Teka lang! Sabay na tayo!"



"Bilis!" Sigaw niya. Napahingal ako bigla. Bakit ang bilis niyang maglakad? Parang si Heaven lang e. Speaking of Heaven? Ayaw ko munang isipin siya. Masyado pang masakit.



"Ang pandak mo pala," sabi niya tapos natawa siya. Ang sakit nun ha?



"De bale, short girls are cute creatures naman e," sabi ko sa kanya tapos ngumiti siya habang naglalakad. Grabe, hinihingal na ako ah?



"'Wag ka na kasing mag-drama. Ang panget-panget mong tignan kapag umiiyak ka. Tumutulo 'yung sipon mo," sabay turo sa ilong ko tapos natawa siya habang naningningkit 'yung mga mata niya. Ang cute.



Napahawak naman ako sa ilalim ng ilong ko. Hala! May sipon nga! At dahil may sipon pa 'yung ilalim ng ilong ko ay agad ko itong nilawayan gamit ang dila ko. Anshalap.



Hahaha. Pero joke lang siyempre.



"'Yan, tumatawa ka na," he said tapos pi-nat niya 'yung ulo ko. Aso lang?



"Awooo!" Nanlaki 'yung mga mata ko.



"N-arinig mo 'yun?" tanong ko sa kanya habang mabilis na naglalakad.



"T-takbooo!" sigaw niya.



"Aaaaa!!!" sigaw ko kaso habang tinataas ko 'yung baby bra ko. Nalalaglag kasi.



Maya-maya pa Y napahinto na kami ni Mr. Jameson nang makarating na kami sa may part ng beach na may ilaw na.



"Haay, kapagod." sabi ko at parehas kaming napasandal sa isang rocky wall. 'Yung mismong wall kung kung saan naghalikan si Miss Wax at Jameson kanina.



"Geh, alis na talaga ako," aniya.



"Teka, ihatid mo ako! Ano ka ba! Ang layo-layo pa nung beach house namin! 'Pag mag nangyari sa'kin, mumultuhin talaga kita." sigaw ko sa kanya.



"Ha? E matapang ka naman e," sabi niya sa'kin habang kinakamoy 'yung ulo niya.



Naluha naman ako. E sa nakakatakot dito? Parang may maligno kasi dito.



"Oo na. Oo na! Ihahatid na kita. Basta walang sisihan 'pag nagalit pareng Heaven sa'yo ha?" sabi niya sa'kin.



"Oo na! Thank you Mr. Jameson!" sabi ko sa kanya.



"Jameson na lang."



"Okay. Hihihi." Grabe, ngayon ko lang na-realize na ang bait-bait niya pala talaga. Dati kasi pinagseselosan ko siya kay Heaven e. Akala ko may something sila.



Kanina nga binigyan niya pa ako ng mga advices e. Parang siya 'yung trip kong maging Kuya. Mas matanda kasi siya sa'kin ng 3 months years. November 7 ako, siya September 7. Hay, basta! Ang gaan ng loob ko sa kanya.



Maya-maya pa, nakarating na kami sa beachside house. "Ano okay ka na?" tanong niya.



"Super," sabi ko sa kanya.



"Salamat sa paghatid," dagdag ko.



"Wala 'yun. Basta? 'Yung advice ko ha? Kausapin mo si pareng Heaven. 'Yun lang. Ingat." Bubuksan ko nasan 'yung pinto kaso hindi ko na nagawa kasi kusa na itong nagbukas. Pagbukas nung pinto, nasubsob 'yung mukha ko sa isang puro muscle na chest na amoy strawberry. S-si Heaven!



"Uy pre?" bati ni Mr. Jameson kay Heaven kaso hindi nagsalita si Heaven. Empty expession 'yung mukha niyang nakatitig kay Mr. Jameson.



"Ah, De Guzman? Alis na ako," nakangiting sabi ni Mr. Jameson, "Pre, alis na ako. Nakakatuwa 'yung asawa mo." tapos umalis na siya. "Bye! Bye Mr. Jameson!" Sabi ko habang kumakaway sa kanya.



"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Heaven sa'kin. Nakatutok ang matatalim niyang mga mata sa akin.



***


When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon