KABANATA 138.5: THE LAST CHEERS.

2K 69 3
                                    

KABANATA 138.5: THE LAST CHEERS.

ON VOICE: CHEESY

"Mommy? Ano 'to?" gulantang na tanong ni Niko sa mommy niya nang makarating na kami rito sa bahay niya. Galit si Niko habang ako naman ay nagsisimula ng umiyak ulit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. Nababalot ang katawan ko ng inis. Nagkakagulo na kasi dito sa bahay nina Niko ng dahil sa'kin.

"Niko I'm sorry," umiyak ang Mommy ni Niko.

"Son, you should marry Rachelle Ngo, you can't decline my offer right?" sabi ng Daddy ni Niko na may bigote sa ibabaw ng nguso. Iyak ako ng iyak.

"Mr. Satto? Is there something wrong? My daughter is waiting," sabi naman ng papa ni Rachelle Ngo na nakaupo sa may sofa! Tumingin si Rachelle sa'kin pero iniwas niya naman 'yung tingin niya nang magkatagpo iyong mga tingin namin. Sa tanang babaeng pwedeng maging fiancé ni Niko, bakit si Rachelle pa na kaibigan namin ni Fear? Bakit?

Lumunok ng laway si Niko, "Dad, magiging tatay na ako. Hindi ba nasabi sa inyo ni Mommy?"

"WHAT?" sigaw ng daddy ni Niko pati na ng Papa ni Rachelle Ngo na nakarinig na rin sa usapan. Wala kasi ang Daddy ni Niko noong isang araw kaya ganoon na lang ang reaction niya. Sabay nilang sinabi iyon with synchronization, choreography and mastery plus proper execution with extravagant deliberation. Hayup. Fak ganern.

"Wife? Is this true? Nakabuntis ang anak natin?" tanong ng Daddy ni Niko sa Mama niyang may feathers pa rin ang ulo. Naka-shabu ata.

Natigil ako sa pag-iyak ng bigla akong akbyan ni Niko, "Yeah, and she is the mother."

Biglang bumaba ang mga panga nila. Maging si Rachelle Ngo ay ganun din ang reaksyon.

"Wait," sarkastikong natawa ang dad ni Niko, "Akala ko ba alalay mo 'to?" dagdag niya sabay turo sa'kin.

"No, she's my wife. Papakasalan ko siya no matter you like it or you like it." sabi ni Niko. Ang sarap na sanang pakinggan ng sinabi niya kaso bigla naman akong sinugod ng Mommy ni Niko sabay sabunot sa'kin.

"You! Gold digger! Hindi mo man lang pinaalam sa'kin na mahirap ka pala!" sabi nito sa'kin at biglang nagkagulo ang bahay nina Niko. Iyak ako ng iyak habang binabalibag ng Mommy ni Niko ang ulo.

"Nganga nga ho! Nganga ha!" (Tama na po! Tama na!) pag-aawat ni Rachelle pero walang nagawa 'yung pag-awat niya kasi nasiko siya ng Mommy ni Niko sa suso niya.

"Ma, tama na!" sigaw ni Niko na nagpahinto sa mama niya.

Pagkataps humingal ay biglang umiyak ang mama niya, "Niko? After we've send you to Wilson University, sa isang hampas lupa ka lang mapupunta? What kind of joke is that?"

"Ma..."

"Niko! Nababaliw ka na talaga! Pa'no nagawang patulan ang hampas lupa na 'yan?

"Ma, hindi siya hampas lupa!!" sabi ni Niko tapos bigla siyang umiyak. "Ma, hindi niyo na nga tanggap ang pagiging bakla ko tapos ipagkakait niyo pa sa'kin si Cheesy?" sabi ni Niko sabay luhod sa harapan ng mom at dad niya. Mas lalo akong naiyak sa ginawa ni Niko kaya lumuhod rin ako. Akala ko mag-rorosaryo kami eh.

"Mahal ko rin po ang anak niyo," sabi ko sa kanila--habang umiiyak.

"Mr. & Mrs. Satto, this is really ridiculous. Let's go honey," sabi ng Papa ni Rachelle Ngo tapos bigla siyang kinaladkad ng papa niya palabas.

"Ngonge Ngessy, ngonge! Ngenghi ngo ngengangaha! Ngonge!" ( Sorry Cheesy, sorry! Hindi ko sinasadaya, ngonge esti, sorry. ) umiiyak na sigaw ni Ngo.

"Look Niko? What have you done? Mr. Ngo for sure will cancel his investment on our company!" humaguhol ang mommy ni Niko sa sahig tapos bigla namang sinuntok si Niko ng Dad niya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon