KABANATA 53: PENCIL CASE

3.1K 99 10
                                    

KABANATA 53: PENCIL CASE

***
Umuwi na kami ng bahay ni Baby Kevin. Noong nasa taxi kami, nakatulog na siya. Napagod yata.

Inis na inis ako noong nakarating kami sa bahay. Nagdilim 'yong paningin ko nang makita ko si Boknoy at Lukrecia. Wala naman silang ginawang masama pero parang gusto ko silang letchunin. Noong nakita nga ako ni Lukrecia na puti na lang ang natira sa mga mata ko ay bigla siyang naihi.

"Say Geronimo." Natapos na ako sa pagkanta ng Geronimo. Panghele ko kasi 'yon kay Baby Kevin nang maging maayos ang pagtulog niya. Kinuha ko sa parehong kamay niya ang dalawang manyika tsaka ko siya kinumutan.

Akmang pupunta na sana ako sa shower roon nang napahinto ako nang marinig ko ang busina ng kotse ni Heaven sa may gate. Nagtangis bigla ang ngipin ko. Hindi ko na pinansin ang pagbusina niya kasi alam ko namang pagbubuksan siya ni Boknoy at Lukrecia.

Pumasok ako sa shower room tsaka sinabon ko ng bareta iyong nangqngamoy kong buhok. Pagkalabas ko ay sakto namang pumasok si Heaven sa kuwarto.

Nagtama ang mga mata namin pero inirapan ko lang siya tsaka tumalikod at humiga sa kama kasama si Baby Kevs.

"Hey?" aniya.

"Is there any problem?" dagdag niya. Tila pagod siya dahil sa boses niya.

Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa kama at may-maya pa ay narinig kong huminga siya ng malalim.

"I'm sorry, I forgot that today's our anniversary." Malamim ang boses niya na may kasamang mabigat na paghinga. Kumirot bigla ang puso ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Masyado ka ng busy. Kahit weekends, hindi ka available. Gustong magpaturo ni Baby Kevs ng bike hindi mo maturuan. Tignan mo, iba ang napagdiskitahan." Malamig na sabi ko habang nakatingin sa dalawang barbie na nakapatong sa may lampshade.

"I'm working real hard Fear kaya 'wag maliit ang utak."

Umusok bigla ang ilong ko sa sinabi niya.

"SINASABI MO BANG BOBO AKO?" laglag ngalangalang sigaw ko sa kanya. Napatayo ako bigla sa kama.

Hindi siya nagsasalita. Busy lang siya sa pagtatanggal ng butones ng sleeves niya.

"Ewan ko talaga sa'yo Heaven! Nakakainis ka! Oo alam kong nagtatrabaho ka ng maigi pero hello? May pamilya ka rin! Laanan mo kami ni Baby Kevs ng kahit kaonting oras man lang!" Halos mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa kanya at lumabas lang siya ng kuwarto ng nakaboxers lang dala-dala ang isang pillow at kumot. Nakakainis siya. Feeling ko nanliit ako bigla sa sinabi niyang, "I'm working real hard Fear kaya 'wag maliit ang utak." Yeah, he's working hard? Tapos anong ibig sabibin niya? Nako walang work kaya shut up na lang ako?

***

"Kevin ano ka ba? Hindi ganyan ang kembot!" dinig kong sigaw ni Boobsie sa kabilang bakod. Diyes oras na ng gabi at naalimpungatan ako bigla. Pagmulat ko sa mga mata ko, nataranta ako kasi wala na si Baby Kevin sa tabi ko.

Agad akong lumabas ng bahay sabay labas ng gate. Nang makarating ako sa kabilang bahay, nakita kong nagma-majorrette 'yung anak ko kasama sina Boobsie at Chuchay na anak ng kapitabahay namin.

"Kevin!" sita ko kay Baby Kevin habang nakapamewang.

"M-mommy," natatarantang sabi ni Baby Kevin. Nabitawan niya 'yong baston na kulay pink na may decoration na strawberries.

"Hala aswang!" sabi ng batang si Chuchay nang makita niya ako.

"Hoy ano ka ba, hindi 'yan aswang Chuchay! Tikbalang 'yan!" sabi naman ni Boobsie na nagpa-init ng ulo ko.

"Boobsie, nanay 'yan ni Baby Kevin, tignan mo siya oh, mukha siyang unggoy."

Umusok bigla ang ilong ko! Mabuti na lang talaga ang minors ba itong si Chuchay at Boobsie kasi kung hindi ay baka kung ano ng nagawa ko sa kanila.

"Kevin, uwi!" Mabilis siyang lumabas ng gate tapos nung nakita niyang may hawak-hawak akong stick ng walis ting-ting biglang nanlaki 'yung mga mata niya.

"Mommy." Naihi siya sa shorts niya.

"Uwi!" sigaw ko. "Gabing-gabi na naglalaro ka pa rin? Uwi na!"

"Hala, mukha talagang unggoy si Tita Fear," sabi ni Boobsie.

"Opo," nakayukong sabi ni Baby Kevin tapos lumapit na siya sa'kin kaya kinarga ko na siya, "Mommy galit ka ba?" tanong niya habang nilalaro niya 'yung barbie niya.

"Oo baby, galit talaga ako kasi gabi na at naglalaro ka pa rin."

"Sorry mommy."

Aay. Bakit lumalambot 'yung puso ko sa sorry ng anak ko? Naiyak tuloy ako.

"Oo na! Pero basta't gabi na, 'wag ka ng maglalaro ha? Kasi baka kainin ka ng Yokai."

"Okay po."

"Tapos baby, puwede bang 'wag ka ng maglaro ng majorette?" sabi ko sa kanya.

"Bakit mommy? May masama po bang maglaro ng majorette? E 'di ba mas masamang maglaro ng baril kasi nakakamatay 'yun?"

Oo nga naman. Nalungkot ako bigla. Ba't parang mas matalino pa 'yung anak ko kaysa sa'kin?

Bago kami pumasok ni Baby Kevin sa bahay e nakita namin 'yung kapitbay naming si Mr. & Mrs. Rosales na karga-karga 'yung lalaking anak nila. Naka-gel ang buhok, tapos ang angas ng dating. Pogi.

"Hi, Jasper?" sabi ni Baby Kevin sabay wave sa anak ni Mr. and Mrs. Rosales.

"Bakla! Ew!" sabi naman ni Jasper.

Na-offend ako bigla.

Susugurin ko na sana 'yung anak ni Mr. & Mrs. Rosales pero hindi ko nagawa nang tinawag na kami ni Heaven sa loob ng bahay.

"Ano ba 'yan! Lalaki 'yung anak nila pero barbie ang nilalaro," dinig kong sabi ni Mr. & Mrs. Rosales na tila nandidiri. Napatingin ako sa inosenteng mga mata ni Baby Kevin. Parang nadurog ang puso ko.

***

"Mommy, gusto ko po 'yung hotdog," sabi ni Baby Kevin na pilit inaabot 'yung hotdog sa mesa. Kakagising lang namin.

Ayaw kong bigyan siya ng hotdog kasi recently, nagiging hobby na talaga niya ang pagkain nito. Alam kong medyo madumi ang nasa utak ko pero hindi naman siguro masamang maging maagap 'diba?

"Baby? Hindi pwede e," sabi ko kay Baby Kevin kahit kita kong naglalaway na siya roon sa hotdog. Ang hirap pala maging mommy no? 'Yung tipong may gusto 'yung anak mo pero hindi mo maibigay kasi madumi 'yung nasa loob ng utak mo? Ang hirap! Nakakaiyak.

"I hate you! I hate you!" sabi ni Baby Kevin tapos umiyak siya sabay higa sa sahig sabay lupasay na parang kiti-kiti.

Ako namang si Paranoid, e biglang nataranta. "Baby! Hindi nga pwede! Alam mo kung bakit baby?" naiiyak kong tanong.

"I hate you! I hate you!" sabi niya tapos umiyak ulit siya.

"Baby! Galing sa dog 'yung hotdog! Hindi mo napansin baby?" sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya nakinig. Umiyak lang siya ng umiyak at ngayon, mas malakas pa kaysa kanina. Gumulong-gulong pa siya ilalim ng mesa kaya sinundan ko agad.

"Hala, sige ka! Magagalit si Barbie sa'yo!" sabi ko sa kanya.

"My barbie's aren't talking!"

Kasalanan 'to ni Heaven e! Nagluto pa kasi ng hotdog para sa agahan namin. Nakakainis talaga siya. E sa may gulay namang niluto si Lukrecia!

"What's happening?" Lumingon ako nang may nagsalita sa may salas. Paglingon ko, biglang na-umpog 'yung ulo ko sa mesa.

"Ang sakit!" daing ko tapos tumayo ako.

"Kasalan mo 'to e!" sabi ko kay Heaven.

"Anong kasalanan?"

"Nagluto ka pa kasi ng hotdog! Tignan mo si Baby Kevin?"

"What the! What's wrong with cooking hotdogs? And why are you blaming me with our son's tantrums?" tanong niya.

"At sino naman ang sisihin ko? 'Yung hotdog? Ha?" naiinis na sabi ko sa kanya tapos hindi na siya nagsalita at kinuha niya na lang si Baby Kevin sa ilalim ng mesa. Nung kinarga na niya si Baby Kevin, mabilis naman itong tumahan.

Okay! Kasalanan ko na! Iyak na ako.

"Ssshh. Bakit ka umiiyak son?" tanong ni Heaven kay Baby Kevin.

"I want a hotdog," umiiyak na sabi ni Baby Kevin tapos tinuro niya 'yung plato sa mesa na may lamang hotdogs.

"Hotdog lang naman pala e," sabi ni Heaven sa akin tapos binigay na niya 'yung hotdogs kay Baby Kevin.

Nung nahimasmasan na si Baby Kevin, kinausap ako bigla ni Heaven.

"Bakit hindi mo siya binigyan ng hotdog?" tanong niya sa'kin.

"Heaven, kasi..." magsasalita pa sana ako kaso bigla niyang hinampas 'yung kamay niya sa mesa na siyang naging dahilan upang matulala ako. "Are you afraid that he'll going to be a gay?"

"Heaven," nangilid bigla ang luha ako.

"Tsk. Sabi ko na nga ba e." sabi niya tapos bigla niyang sinipa 'yung upuan.

Natulala ako.

Maya-maya pa, bumagsak bigla ang luha ko. First time niyang ginawa sa'kin 'yun.

***
On Voice: Stacey ( Kevin's barbie )

"Stacey? Sa tingin mo may problema kaya si Mommy Fear at Daddy Heaven?" Angelina question mark me and I was like observation the two. I mean Fear and Heaven.

Angelina and I was on the salas because the salas is where Baby Kevin abandoned us. It was so sad because Kevin always amnesia to us where should we put ourselves. But it's okay because Mother Chocogirl will put us on the place where we belong because we belong on the right place.

"What is your question repeat?" I asked Angelina because I amnesia her question.

"Stacey? Sa tingin mo may problema kaya si Mommy Fear at Daddy Heaven?" she question the repeat.

"Oh!" I said 'oh' because I no longer amnesia the question.

"I think Fear and Heaven are war." I answer the question mark of Angelina because base on my observe, Mother Chocogirl and Father Babyloves is not talk again. They only silent each other and not talk anymore. And I don't what is reason behind their not talk. Maybe they are problem.

"Sa tingin ko lang Stacey ha? Baka tungkol 'to sa pagiging bading ni Baby Kevs. Alam mo na?" Angelina said with disappointing.

I answered, "Whatever their problem, they should solve it in the present beacuse it is hard to solve it in the past. Becuase past is past. And not discussed. It will get complications."

"Oo nga naman." Angelina agreement.

"Angelina can you stop talk me? I feel headcheck!" I shouts.

"Anong headcheck?"

"Head---urrg!" I stopped because Angelina is so annoyed me. "I mean, LBM! Okay?" I said and she agreement to make long story short.

***

ON VOICE: FEAR

Linggo ngayon kaya walang duty si Heaven. Hindi kami nagkausap buong araw. Tipong walang imikan? Nakakapanibago. Oo madalas kaming mag-away pero 'yung mga awayan namin e naso-solve naman namin, pero ito iba! Walang kibuan na naganap.

"Amen," sabi ni father at natapos na ang misa. Pinasyal namin saglit si Baby Kevin sa labas ng church tsaka kami umuwi at natulog.

Nung dumating na ang umaga, wala pa rin kaming imik sa isa't-isa. Tumayo lang siya tapos naligo. Siyempre, nainis ako. Ano bang kasalanan ko sa kanya at nagiging ganyan siya sa'kin? 'Yun bang ayaw kong ipakain 'yung hotdog kay Baby Kevin kagabi? E mas malala nga 'yung ginawa niya sa'kin e. Hinamapas niya 'yung kamay niya sa mesa tapos sinipa niya pa 'yung upuan! Ang kapal niya. Abnormal talaga.

"Kamusta na?" tanong ko kay Charnel Fate via skype. Inayos ko 'yung pwesto ng laptop sa table para mas maayos kong makita 'yung mukha niya.

"I'm very fine Fear. Take a look at this!" Lumapit si Fear sa may screen tapos ipinakita niya sa'kin 'yung ring finger niya. Wala pa ring diamond ring.

"Okay lang 'yan, dadating din ang panahon na magpo-propose sa'yo si Edison," sabi ko sa kanya tapos napatingin ako bigla sa wedding ring ko. Napahinga ako ng malalim. Kung kailan pa natapos ang anniversary namin ni Babyloves noong isang araw, 'dun pa talaga kami nag-away. Haay.

"Oo nga e. So how about you and Heaven? Kumusta?"

Bumuntong hininga ako ng pagkalalim-lalim, "Eto, nag-away naman kami."

"Mommy. Gusto ko 'yung shampoo na barbie!" sigaw ni Baby sa bathroom.

"O siya Charnel Fate, chat nalang tayo next time, okay? Naliligo pa kasi si Baby Kevin e," sabi ko sa kanya.

"Sure. Just make sure that next time, okay na kayo ni Heaven," nakangiti niyang sabi.

"Thank you," sabi ko sa kanya. Ni-end ko na sana 'yung call nang biglang dumating si Heaven sa harapan ko.

"Umagang-umaga, 'yan ang inaatupag mo," he said na siyang ikinainis ko.

"So, anong pinapalabas mo? Na hindi ko inaatupag 'yung mga gawain dito? Hoy, Heaven, sumusobra ka na ah! Ako na ang nag-prepare ng breakfast tapos ginaganyan mo pa ako! Samantalang ikaw, naligo ka lang naman ng one hour at nanglagay ng moisturizer sa mukha mo for one hour."

"Then what now? Atleast, it's my money that I used in buying that moisturizer."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan ko.

Natawa ako ng mapakla, "So ganun? Pinapalabas mong ang kapal-kapal ng mukha ko dahil gumagamit ako ng mga bahay na hindi ko pera ang ginagamit? Sorry ha? Sorry kung wala akong trabaho, ako lang naman kasi ang nag-aalaga sa anak mo!" tumayo ako. Naiyak ako bigla.

"Fear!" sigaw ni Heaven.

Tumakbo ako sa bathroom at kinuha ko si Baby Kevin na kasalukuyang kinakampay-kampay 'yung paa sa may bathtub na parang sirena.

"Mommy, hindi pa ako tapos."

"Male-late ka na sa school," umiiyak kong sabi sabay lagay ng towel sa ulo niya.

"Mommy, umiiyak ka ba?" tanong ni Baby Kevin. Mas lalo akong naiyak.

"Chocogirl."

Nahinto ako sa pag-aayos kay Baby Kevin nang marinig ko ang boses ni Heaven.

Kahit wala pang salawal si Baby Kevs ay agad ko na siyang kinarga kasama 'yung mga gamit niya sa school.

Naramdaman ko namang hinabol kami ng Daddy niya kaya mas binilisan ko pa 'yung pagtakbo.

Nang nakalabas na kami ng gate ni Baby Kevin, pinagtingin kami bigla ng mga tao. Gutay-gutay kasi 'yung suot ko tapos wala pang saplot sa pwet 'yung anak ko. Alam kong nagmukha na akong takas-preso pero wala akong paki-alam.

"Chocogirl!"

Mas lalo akong naiyak habang tumatakbo at karga-karga si Baby Kevin.

Nakakainis si Heaven. Ang sakit sakit niyang magsalita! Porket siya lahat ang nagbabayad ng gastusin sa bahay gaganunin na niya ako? Porket siya lang 'yung nagta-trabaho, ipapamukha na niya sa'kin na wala akong gawa? Bakit? Naswe-swelduhan ba ang pagiging nanay? Ako na nga lahat lahat e! Ako ang naglalaba, naghuhugas ng plato, ako ang naglilinis, ako lahat! Bwesit siya! Letche siya! Isasampal ko talaga sa kanya 'yung mga perang kinita ko sa parlors namin ni Cheesy! Humanda siya.

Habang umiiyak ay mabilis na mabilis ang takbo ko ngayon, mukha talaga akong takas sa mental partida pang lumuluwang na 'yung panty ko! Nahuhubuan na ako!

Maya-maya pa, nahinto ako bigla sa pagtakbo nang may humarang sa dinadaanan ko.

"Bwesit ka ba? Ba't ka nakaharang sa..." nahinto ako dahil sa pagtaas ko ng mukha ko ay nakita ko ang isang lalaking parang modelo ng breif.

"Mommy ang guwapo niya!" sabi ni Baby Kevin sa laking may pagka-foreignish ang mukha. Matangkad at well defined ang jaw. Kulay abo ang mga mata at medyo kulay sunburned ang buhok.

Sa pagbaba ko kay Baby Kevin ay bigla akong napalingon nang may biglang nagsalita sa likuran ko, "Chocogirl."

Sa paglingon ko ay nakita ko si Heaven na nakatingin lang sa lalaking nasa harapan ko. Wait? Ba't parang iba ang tingin ni Heaven sa kanya?

Natawa bigla iyong lalaki,  "Heaven," bati nito kay Heaven.

"Mr. Jameson," ani Heaven. So Mr. Jameson pala ang pangalan ng lalaking 'to? Mukha siyang manloloko. Tipong paasa sa mga babae?

Sa palagay ko rin ay ka-officemate ito ni Heaven dahil sa magkapareho ang I.D. nila.

"Anak mo?" tanong ni Mr. Jameson tapos biga niyang kinarga si Baby Kevin. Natulala ako sa ginawa niya. Close ba kami para kargahin niya anak ko?

"Yeah." Nung nakuha ni Heaven si Baby Kevin mula sa lalaki ay mabilis siyang umalis. Naiwan akong kasama ni Mr. Jameson.

"How about your wife? Hindi mo ba 'to kukunin sa'kin?" nakangising sabi nito tapos bigla niya akong  inakbayan.

Akala ko babalikan ako ni Heaven pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Sayo nalang 'yan. Wala akong wife na makitid ang utak pagdating sa kasarian," sigaw ni Heaven na kasalukuyan pa ring naglalakad palayo.

Nainis ako bigla.

"Pa'no na 'yan? Sabi ng asawa mo, sa'kin ka nalang daw?" nakangising sabi ni Mr. Jameson na siyang naging dahilan upang masuntok ko siya sa mukha.

"Aw!"

"Bwesit ka!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Mabilis akong naglakad.

Noong hindi ko pa rin naabutan si Babyloves ay binato ko siya ng pencil case na mula sa bag ni Baby Kevin pero imbes na si Babyloves ang matamaan...

"Mommy! Ang sakit!"

NGANGA!
***

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon