KABANATA 96: SORRY, BABY

1.7K 73 4
                                    

KABANATA 96: SORRY, BABY



ON VOICE: CHEESY


"Heaven, ang ingay niyo ni Fear kagabi," natatawang sabi ni Darryle sa grupo ng five fingers tapos nagtawanan silang lahat. Nasa may kusina sila ngayon at nilagpasan ko lang sila. Bago ako makalabas ng kusina, nagkatinginan kami ni Niko pero agad ko rin naman iyong pinutol.



Hindi ko alam kung malakas ba ang trip ni Fear ngayon pero bakit sumang-ayon sa'kin? Siguro, okay lang yata sigurong ipalaglag ko 'yung Baby e.



Mahihirapan din naman kasi siya paglaki niya kasi hindi siya tatanggapin ng Daddy niya. Alam ko ang pakiramdam ng ganun kaya ayokong maramdaman niya 'yun. Tipong tinatakwil ka ng tatay mo at hindi ka tinatanggap bilang anak niya? Masakit 'yun! Minsan nga naisip ko noon na sana hindi na lang ako nabuhay e. Kasi masakit talaga. Masakit na masakit!



Tapos baka rin kasi magawa ko sa Baby ko 'yung ginawa ng nanay ko sa'kin dati. Ayaw kong maranasan niya iyon.



Hinatid na kami ni Boknoy sa isang ospital. Sa totoo lang, bawal naman talaga ang abortion dito sa Pinas e pero may na-research akong pwede pa rin naman. Dapat patago nga lang.



"Ready ka na ba?" tanong ni Fear sa'kin at tumango ako tapos 'di ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang ospital. Inalalayan kami nung mga nurse tapos inilagay na nila ako sa isang stretcher hanggang sa makarating na ako sa isang room. Nag-wave lang ng kamay sa'kin si Fear. Hindi na kasi siya pinapasok e.



Pumirma na ako sa voucher na nagsasabing desisyon ko lahat ang gagawin ko.



"Thanks," ani ng doctor at inilagay niya sa folder iyong pinirmahan ko. Inilagay niya sa table ang folder at muling bumaling sa akin.



"Cheesy Demoiselle? Ikaw ba 'yung tumawag sa'kin last day?" tanong nung babaeng doktor sa'kin at tumango na man ako.



Nagsimula ng magsuot ng gloves 'yung doktor tapos naramdaman ko na lang na naiiyak na ako. Sorry baby. Sorry talaga. :'(



"Ilang weeks ka na bang buntis?" tanong niya.



"Ano nga po 'yung weeks?" tanong ko. Nalito ako e. Ano nga ba kasi 'yun?



"Uhm, weeks is linggo."



"Ah, hindi po ba "Sunday" ang Linggo? Tapos "Saturday" naman ang "Sabado?" Alam ko 'yun doc e," sabi ko kay Doktora at mukhang hindi naman siya natuwa sa sinabi ko. Tama naman ang sinabi ko ah? May mali ba? (.__.)?



"Uhm iha? Mga ilang linggo na 'tong baby mo?" tanong niya.



"Isasali ko po ba ang sabado?" tanong ko at mukhang hindi na talaga siya natuwa kaya sinagot ko na siya ng maayos.



"Hindi ko po alam. Siguro apat?" sabi ko sa kanya tapos bigla niya akong in-ultrasound. Hindi ko naman talaga kasi alam. Basta apat na linggo na rin naman ang nakalipas nung gi, gi---ginawa n-namin 'yun ni Niko.



"Four weeks ka ng buntis iha. At ito na 'yung baby mo," napatingin ako sa may monitor sa gilid ko tapos mas lalo akong naiyak. "Doc? Bakit mukhang kulangot 'yung baby ko?"



"E kasi four weeks pa siya. Pero kahit four weeks lang siya, nag-uumpisa nang mabuo 'yung mga mata niya, 'yung spinal cords, 'yung lungs, at pati na rin ang brain ng baby mo." Napatingin ako sa monitor tapos napaiyak ako, "Doc? Ang liit naman yata ng brain ng baby ko? Magiging kagaya ko rin ba siyang mahina ang brain?" sabi ko sa kanya tapos napakamot naman siya ng ulo. 'Yung tipong kamot na sobrang kati na ng anit niya? Hala, mukhang may toyo ata 'tong Doktorang napili ko.



"Saan na ang Daddy ng Baby mo?" Nasaktan ako bigla kaya iniba ko na lang 'yung usapan. Para maiba ang tanong, tinanong ko ko na lang si Doktora kung ano 'yung mga uri ng abortion. Tapos natuklasan kong meron palang apat na klase. Una, 'yung the vacuum sanction method. Tipong, iva-vacuum si baby sa loob ng tummy ko tapos lasog lasog na karne nalang siya paglabas. Pangalawa, the cutting up method, hihiwain 'yung katawan ni Baby sa loob, tapos maglalagay ng bawang, sibuyas toyo at paminta sa loob ko. Pangatlo, surgical method, kukunin ni Doc si Baby sa loob ko gamit ang kamay niya. Panghuli, the salt method. Maglalagay si Doc ng liquid solution na may salt, vetsin, paminta, bawang at sibuyas sa loob ko at gigisahin niya 'yung babt ko. Hehe. Joke. Salt method, maglalagay ng "solution" si Doc sa loob ko tungol sa Algebra tapos mahihilo 'yung baby ko kasi mababaliw siya sa paghahanap ng "X". Hehe. Joke ulit. Salt method, maglalagay si Doc ng solution sa loob ko na magiging dahilan upang malunod 'yung baby ko sa loob. :'(



"Pero iha, tandaan mo. Kapag pina-abort mo 'yang Baby mo, hindi mo na maibabalik ang buhay niya. Hindi mo na rin malalaman kung ano ang mararating niya paglaki niya. Kung magiging chef ba siya, teacher, scientist. Hindi mo na malalaman. Isipin na lang na pa'no kung pina-abort nung mga nanay 'yung mga importanteng tao sa mundo? Pa'no kung pina-abort pala si Isaac Newton? Aristotle? Moses? John Lenon? Joseph IL? At JoeyJMakathangisip? 'Diba nakalungkot?"



"Pero ikaw, na sa'yo na rin naman 'yan e." Napatingin ako kay Doc ng ilang segudo tapos naiyak na naman ako. Pinahiran ko 'yung luha ako saka nagsalita, "Doc, nakapag-decide na po ako."



Sorry Baby.



Sorry talaga. :'(


When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon