KABANATA 84: HOLD UP!

1.6K 70 0
                                    

KABANATA 84: HOLD UP!



ON VOICE: FEAR


Parang nanghina 'yung tuhod ko nang makita ko si Miss Wax at si Heaven. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Ganito pala 'yung feeling kapag nakita mo 'yung asawa mong may kinakalantaring iba. Dati, hindi ko ma-gets 'yung napapanood ko sa mga pelikula o sa telenobela kapag natutula 'yung original na asawa matapos makitang niloloko siya nung mister niya. Pero shet lang, ganito pala ang pakiramdam. Ang sakit sakit! 'Yung pagiging matapang ko, biglang nawalala. Naghahalo 'yung galit at puot na nararamdaman ko. E 'di ba dapat sasabunutan ko na 'yung Miss Wax na 'yun? Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko, mas gusto kong tumakbo? Bakit mas gusto kong umalis na lang? Bakit nanghihina ako? Bakit naiiyak ako? Bakit? Bakit Heaven? Bakit mo ginawa sa'kin 'to?



Nabitawanan ko na lang 'yung phone ko nang mag-sink in na talaga sa utak ko ang nakita ko. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan 'yung boses na maari kong mailabas sa pag-iyak ko.



Si Miss Wax, hinahalikan si Heaven. Nasa wall si Heaven tapos kaharap naman niya si Miss Wax na nakahawak sa private part ng katawan ni Heaven. Hinahalikan ni Miss Wax si Heaven na para bang wala ng bukas. Kinikiskis din niya 'yung dibdib niya sa katawan ni Heaven tapos 'yung isang kamay ni Miss Wax ay nakahawak naman sa kamay ni Heaven na para bang pinapahawak niya kay Heaven 'yung nasa loob ng panty niya. At base sa nakikita ko, mukhang nasasarapan pa talaga silang dalawa sa ginagawa nila. Bwesit sila! Ang hayop hayop ng ginagawa nila!



Nakatingin lang ako sa kanila ng ilang segundo. Nakatakip parin 'yung kamay ko sa bibig habang unti-unting bumababa 'yung masasaganang luha ko mula sa mga mata ko. Ang bigat-bigat sa lalamunan. Parang may bumabarang bato.



At dahil hindi ko na talaga kayang masikmura nakikita ko at sa kadahilanang nasusuka na rin ako ay umalis na ako at tuluyang tumakbo.



Ang sakit sakit lang talaga! Ang sakit! Sa tanang buhay ko, ito na yata ang pinakaunang pagkakataon na may tinakbuhan akong bagay. Usually kasi hinaharap ko talaga 'yung mga pagkakataong nadadyahe ako e pero bakit ganito? Anong nangyayari sa sarili ko ngayon? Bakit ako tumatakbo? Hindi ba dapat sinasabunutan ko na si Miss Wax ngayon? Hindi ba dapat ganun? Ano bang nangyayari sa'yo Fear! Lumaban ka!



Nang mapagtanto kong medyo nakalayo na ako, mabilis akong nagtago sa may puno ng niyog. Wala nang beach house dito at medyo madilim na rin. Dito ako umiyak ng todo-todo. Kahit umiiyak ako, pinipilit ko pa ring hindi lumakas 'yung boses ko kasi baka may makarinig sa'kin. Ayaw ko pa namang may nakakakita sa'kin na umiiyak.



Umupo lang ako sa buhangin at niyakap ko na lang 'yung parehong tuhod ko habang umiiyak. Ang sakit sakit talaga. Parang minamartilyo 'yung puso ko ngayon. Parang akong binubunutan ng ngipin ng walang anestisya. Ang sakit talaga!



Nakakainis si Heaven. Nakakainis siya. Sa haba ng pinagsamahan namin, first time niyang ginawa 'to sa'kin. Alam kong rinding-rindi na siya sa pagmumukha ko, sa ugali ko, sa pagtalak ng bunganga ko at rinding-rindi rin naman ako sa ugali niya pero bakit ganun? Nag-promise na kami sa isa't-isa na kahit anong mangyari, walang bibitaw. Ang unfair naman niya! Ako nga, hindi na nga ako nakikipagkita kay Hell e kahit friends lang naman talaga kami. Kahit nami-miss ko na si Hell bilang kaibigan, hindi nga ako nakikipagchat sa kanya kahit pa ang laki-laki ng utang loob ko kay Hell dahil sa pagligatas niya sa buhay ko. Hindi ko ginawang makipag-usap kay Hell kasi baka hindi na naman ako kausapin ni Heaven at ayaw kong mangyari 'yun kasi alam kong maapektuhan si Baby Kevin.



Naging loyal naman ako sa kanya ah? Ni wala mga akong kinakausap na lalaki, maliban sa mga kaibigan niyang hindi naman talaga tunay na lalaki, kasi alam kong magagalit siya kapag may kinausap akong iba. Kasi alam kong magseselos siya! Kasi alam kong sensitive siya! Kasi alam kong maarte siya! Tapos siya, naghapunan lang ako, may hinalikan na? May nilamutak na? Ano pa kaya ang kaya niyang gawin kapag nawala ako sa mahabang panahon? Baka laplapin na niya lahat ng bunganga ng mga babaeng umaaligid sa kanya! Bwesit siya. Nakakainis siya!



Umiyak lang ako ng umiyak. Alam kong nakakatanga na 'tong ginagawa ko pero hindi ko talaga mapigilan 'yung pagluha ko. Hindi siya humihinto. Nahihirapan na nga akong huminga e tapos ang sikip-sikip pa sa pakiramdam kapag humihinga ako.



Ganito pala ang pakiramdam ng may nagtraydor sa'yo no? Nakaka-stress. Nakakawala ng gana. Nakaka-baliw. Parang gusto kong mag-wala pero wala naman akong nagagawa kasi nangingibabaw 'yung galit ko na tipong pinapahina ako nito. Nakakawala ng lakas. Nakakawala ng disposisyon.



"HOLD-UP!"



"Ay, kabayo!" napatigil ako sa pag-iyak nang biglang may tumapik sa balikat ko. For the first time in my life, kinilabutan ako ng sobra-sobra. Ni hindi ako makalingon o makagalaw. Takte? Heartbroken ako tapos hoholdapin pa ako? Ano 'to? Lokohan?



"ITAAS MO ANG KAMAY MO AT 'WAG NA 'WAG KANG MAG-IINGAY!" Jusko! Nakakatakot 'yung boses niya. Mukha siyang goons kahit 'di ko siya makita kasi nasa likuran ko siya. End of my life ko na ba'to? Jusko, 'wag naman sana. Kailangan pa ako ni Baby Kevin.



Sinunod ko naman 'yung utos niya, itinaas ko 'yung parehang kamay ko. "Kuya, 'wag mo po akong patayin please? May baby pa ako, kailangan niya pa ako. Kung gusto niyo, iba na lang ang pagdiskitahan niya. May kilala ako! Willing siya! Miss Wax ang pangalan. 'Yung babaeng maraming galis! Nandun siya sa blue cottage. Siya na lang hold-upin mo tutal naman, sinulot niya ang asawa ko. For sure, 'yun pa ang bubukaka sa harapan niyo! Promise! Malandi kasi 'yun! Wala 'yung pinipili! Pati aso yata pinapatulan nun! Kaya sige na po! Ako na ang mag-rerecommend. Siya na lang! Wala rin akong dalang pera, kung gusto mo kuya, ibigay mo na lang sa'kin 'yung bank account mo at magde-deposit na lang ako. Kuya parang awa mo na, ang bata-bata pa ng anak ko," pagmamaka-awa ko at marami pa akong sinabi sa kanya tapos maya-maya pa, biglang natawa 'yung hold-upper.



"Bwahaha!" Hala? Adik ba siya?



Ginawa kong opportunity 'yung pagtawa niya para makatakas pero, "HEP! Saan ka pupunta?" Napa-freeze ako bigla. Takte naman oh!



Grabe! Masama na talaga 'to, kailangan mo na gumawa ng aksyon! Mag-isip ka Fear! Mag-isip ka! Mag-isip ka ng mabuti! Yan! Ganyan nga!



*Ting!*



Tama! Tutuhurin ko na lang siya dun sa private part niya, 'yun daw kasi ang pinaka-sensitive part ng isang lalaki at sobrang sakit daw talaga 'yun kapag nasisipa! Grrr. Sana ginawa ko 'to kay Heaven kanina! Pati na kay Miss Wax. Arrrg! E 'di sana hindi na ako na-hold-up pa!



Inayos ko na 'yung sarili ko at hinanda ko na 'yung tuhod ko tsaka ako humarap sa hold-uppper at yada!!



Tinuhod ko 'yung private part niya at success! Sucess kasi namulupot siya sa sobrang sakit. "Ouch! Ang sakit! Sakit! F^ck! My jewels!"



Pagkakataon ko na sanang tumakbo palayo kaso nag-freeze bigla 'yung katawan ko nang biglang nagsalita 'yung hold-upper.



"De Guzman. 'Yung totoo? May lahi ka bang kabayo? Uggh, f^ck! Ang sakit!" T-teka? Anong sabi niya? Ibig sabihin kilala ako nang hold-upper na 'to?



Siyempre, napalingon ako. At first, hindi ko makita 'yung mukha nung hold-upper pero nung napahiga siya sa buhangin dahil sa sobrang sakit e saktong na-ilawan 'yung mukha niya ng liwanag ng buwan. At doon ko nakilala kung sino siya!



"Mr. Jameson?" pagku-kumpirma ko at siya nga!



***



When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon