KABANATA 122: GOODBYE, HELL

1.7K 68 10
                                    

KABANATA 122: GOODBYE, HELL


ON VOICE: FEAR



Lumunok ako ng laway. "In any case, hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa'kin?"



Numula siya sa tanong na naging dahilan natawa ako ng mahinhin pero nahinto rin naman agad niyang diretso niyang sinagot ang tanong ko.



"Oo, hindi pa. Isaw."



Para akong nabilaukan sa sinabi niya. Hindi. Pa. Siya. Nakaka-move-on. Sa. Akin?



Panandalian akong naubusan ng hininga ngunit mabilis rin naman akong nabalikan nito.



Nagsalita siya. Nilingon ko siya. "Kaya nga nung nag-da-drive ako, biglang nagliyab 'yung sasakyan ko kasi ikaw ang iniisip ko nun. Ang hot mo kasi Isaw."



Ngayon, ako naman ang hindi makatingin sa kanya. ( ._.)



Jusko Hell? Alam mo bang ang waley, waley ng sinabi mo? Jusko.



Nilaro ko 'yung mga kamay ko para mawala 'yung awkwardness sa tinanong ko sa kanya. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Ba't ko pa kasi tinanong 'yun sa kanya kung naka-move-on na ba siya sa akin o hindi. Ang awkard tuloy. Bad girl, Fear! Bad girl! Tae? Aso lang?



"Pero joke lang. Hahaha!" Tumawa siya.



Jusko Hell. Masyado mong pinapapala ang pagka-turn off ko sa'yo.



Pinilit kong magsalita. "Uh, saan ang joke dun?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Dalawa kasi 'yung topic namin e. 'Yung hindi pa siya naka-move on sa'kin at 'yung ang hot ko raw.



"Wala," ani Hell. Mababa at malamig ang boses pero nakangiti pa rin.



Maya-maya pa ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, parang nalungkot siya.



Nakatingin lang siya sa lupa.



"Pero Hell." Binasag ko ang katahimikang parang naging matayog na pader sa pagitan naming dalawa.



Mula sa lupa ay ibinaling niya ang tingi sa'kin. Nagsalita ako. "'Yung seryoso? Anong nangyari sa'yo nung isang gabi?" tanong ko sa kanya.



Maya-maya pa sumagot na siya, "Lumiyab 'yung sasakyan ko. Overheat." Plain niyang sagot. Naniwala naman ako. Siya na mismo nagsabi e.



"Pero buti na lang talaga at nakababa ako bago 'yun sumabog," aniya. Nagulat naman ako.



"E sino 'yung kumuha sa'yo sa ospital? Ba't pagdating namin dun, wala ka na raw?" tanong ko sa kanya. "At bakit may natanggap akong message sa'yo? Sabi mo, 'Mag-ingat' ako?"



Naitakip niya 'yung kaliwang kamay niya sa tainga niya na tila naiingayan sa sinabi ko, tapos natawa naman siya.



"Kung magtanong ka Isaw e parang girlfriend kita," aniya. Nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita. Namula bigla. Nakakahiya.



Ngumisi siya at awkward naman akong nagsalita. "Nagtatanong lang ako bilang kaibigan mo, kasi concern ako sa'yo!" sigaw ko nang hindi siya tinitignan. Ang awkward lang kasi.



"Kaibigan lang? Ouch, Isaw. Masyado ka namang friendly."



"Hell, naman..." Para akong pusang nagmamakaawa nung sinabi ko 'yun sa kanya. Bakit ba kasi ganoon ang mga sinabi niya? Alam niya naman sigurong may pamilya na ako 'di ba?



"Oo na. Nag-jo-joke lang naman e. Pero Isaw, imbes na sagutin ko 'yung mga tanong mo... pwede bang kantahan na lang kita?"



"Ha?" Literal akong napa-"Ha?" sa sinabi niya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon