KABANATA 114: BOTO

1.6K 63 8
                                    

KABANATA 114: BOTO



ON VOICE: JOEYJMAKATHANGISIP


Empty. Dark. Lightless.



Kung mayroon tatlong pang-uri o adhetibo na mailalarawan sa kuwarto kung saan naroroon si Edison sa kasalukyang panahon ay ang tatlong naunang salitang ang maglalarawan nito.



Where he is right now is actually here in his office in Wilson University. Nasa ikapitong palapag ito ng committee building at nasa panghuling silid naman ang office niya na tanging siya lang ang nandoon.



He usually stays all the time there together with the darkness with him. Mas maayos ang isip niya kapag nakakakulong siya roon. Mas madali siyang nakakapag-isip. Mas madali niyang naipapalabas ang emosyon niya. Mas madali siyang nakakapagplano.



Sa halos tatlumpong buildings na pag-aari ni Edison na may mahigit pitong palapag ang makikita ay nakasanayan na niyang maglaan ng isang palapag para sa sarili niya. Sa bawat palapag na iyon ay palaging madilim at walang kuryente. Wala rin ni isa sa mga emplyado niya ang puwedeng pumunta sa palapag na iyon, kung meron man, tanging mga otorisadong tao lang ang nakakapunta kagaya ni Hell--- na isa sa mga kamay niya.



Nang minsanan ngang may estudyanteng nagkatangkang pumasok sa palapag kung saan ay naroroon si Edison ngayon ay mabilis pa sa isang segundong nawalan ng tino sa isip ang estudyanyeng iyon nang makita ang laman ng silid na ito. This is a forbidden place. Yet this is Edison's sanctuary. His home.



Napagdesisyunan ni Edison na tumayo at maglakad papunta sa malawak na bintanang nasa likuran niya. Nang makarating siya sa tapat nito ay marahan niyang hinawi ang makapal at kulay pula na kurtina na kasingkulay ng malapot na dugo.



Nanatili ang kanyang kamay na nakalapat sa bintana upang mapigilan ang muling pagtiklop ng kurtina.



Walang ekspresyon at emosyon ang makakabakas sa maamong mukha ni Edison matapos niyamg makita ang dalawa pang matatayog na building ang nakabalandra sa bawat gilid ng building na kinaroroonan niya.



Maya-maya pa ay unti-unting umawang ang bibig niya kasabay ng pagbigkas ng mga katagang, "Umuulan pa rin pala."



Habang nasa loob ng bulsa ang isang kamay at nagpipigil naman ng kurtinang pula ang isa ay napatitig si Edison sa repleksyon ng salaming nasa harapan niya na kasalukuyang ding nilalakbayan ng maliliit na butil ng ulan.



Ngumiti siya ng mapait.



Pinagmasdan niya ang maitim niyang mga mata.



Kagaya pa rin ito ng dati.



Misteryoso at malalim na tila kagaya ng isang karagatan na inuulan ng matatalas na butil ng ulan.



Maya-maya pa ay naitigil niya ang pakikipagtitigan niya sa sariling repleksyon ng biglang tumunog ang telepono niya.



Tamad niyang kinuha ang telepono sa bulsa at walang gana at walang salitang pinakinggan ang tugon ng tumawag sa kanya.



"Boss, nailipat ko na po si Hell sa Wilsons. Okay na po siya."



Mariing ipinikit ni Edison ang kanyang mga mata. "Sige." Bumuga siya ng mabigat na hangin. "Bantayan mo lang siya." Nang matapos ang call, biglang nabasag sa milyong parte ng repleksyon ni Edison sa salamin na nasa harapan niya matapos niya itong suntukin.



Nakaramdam siya ng sakit hindi dahil sa dumudugong kamao niya ngunit dahil sa muntikang pagkawala ng buhay ng isang kaibigang malapit sa kanya. This one shall not pass. Someone has to pay for this.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon