KABANATA 61: SIGAW
Habang tulog at nakadantay ang paa ko sa abs ni Heaven, bigla akong nagising nang biglang mag-ring 'yung cellphone ko.
Inaantok ko itong inabot at nilagay sa tainga ko.
"Fear..." Narinig ko ang boses ng humihukbing babae. Si Cheesy.
"Cheesy? Ano naman ba?" medyo badtrip kong sabi. Inaantok pa talaga ako e.
"Fear..." Humunto siya saglit tska suminok na tila ba lasing, "Magpapakamatay na lang ako siguro," sabi niya na siyang naging dahilan upang mapatayo ako sa kama ko.
"Cheesy! Nababaliw ka na ba? Saan ka ngayon? Pupuntahan kita?" sigaw ko tapos biglang naputol 'yung call.
Hindi na ako nagbihis pa ng panlabas na damit at lumabas nalang ng kuwarto. Agad kong ginising si Boknoy sa room niya.
"Ma'am? Ginising n'yo po ako?"
"Hindi! Pinatulog kita! Kita mo oh, hinihele nga kita," naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Ay? Talaga ma---" Hindi na siya nakapagsalita nang bigla ko siyang hinila palabas ng bahay.
Paglabas namin, nakita ko 'yung aso namin na si Chicago na dinidilaan yung tae sa may hardin.
Hindi ko na pinansin 'yung aso at umalis na kami ni Boknoy.
"Ma'am! Pa'no 'yung kotse?" sigaw ni Boknoy.
Bigla kong narealize na tumatakbo lang pala kami gamit ang mga paa namin.
NGANGA!
***
Nasa loob na kami ng kotse ngayon, ti-nrack ko narin ang location ni Cheesy kaya alam na namin ni Boknoy kung saan namin siya hahanapin.
"Lumiko ka!" sigaw ko.
"Kaliwa ma'am o kanan?" tanong niya.
"Hindi! Pataas! Kita mo ng kanan lang 'yan e!" sabi ko kay Boknoy.
Nag-isip siya, "Ma'am? Pa'no po lumiko pataas?"
NGANGA! °o°
DETERGENT BAR.
Weird na kung weird pero ito ang pangalan ng bar na nasa harap ko ngayon. Detergent bar. Medyo hesistant ako na pumasok at first pero agad din naman akong naglakad papunta sa may entrance.
"Ma'am bawal po pumasok ang maganda," sabi nung bouncer na naging dahilan upang mapangiti ako ng wagas.
"Sige kuya, hindi nalang ako papasok." sabay flip ng hair. Natawa ako oero siyempre, pumasok pa rin ako. Kailangan kong puntahan si Cheesy e. Baka ituloy pa niya 'yung pagsu-suicide niya. Konsensya ko pa!
Pagpasok ko, agad na bumungad sa'kin yung mga macho dancers na sumasayaw sa stage.
Nanlaki 'yung mata ko.
"Ano ba 'yan," sabi ko sa sarili ko at tinakpan ko nalang 'yung side ng mata ko. Hinanap ko si Cheesy sa ilam ng table at sa ilalim mga palda ng mga babaeng nandito pero wala siya. Maya-maya pa, nakita ko siya sa may counter ng bar. Umiinum ng alak.
Mabilis ko siyang nilapitan. "Cheesy! Tama na 'yan!" sigaw ko at inigaw ko 'yung shot glass sa kamay niya na naging dahilan upang mapunta 'yung laman nito sa bumbunan ng isang kalbo na nasa likod lang namin.
"SINONG NAGTAPON NG ALAK SA ULO KO'T PAPATAYIN KO!!"
Agad akong nagkunwaring hindi ako ang may kasalanan at natawa na lang. Tapos 'yun! Nagkaroon ng barilan sa loob ng bar pero agad naman silang nahuli ng mga pulis ni Mayor Duterte.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)
HumorSabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa dating, puro sundot sa tagiliran. Sa dating, puro tusok sa kung saan. Now, in Fear and Heaven's marr...