KABANATA 132: MASARAP HUMALIK

1.7K 59 6
                                    

KABANATA 132: MASARAP HUMALIK

~•~♥~•~

ON VOICE: JOEYJMAKATHANGISIP

"Ano pang hinihintay mo?" Heaven asked Miss Mayumi na nasa labas pa ngayon ng kotse ni Heaven. He was watching her like she was a childish lady. Nakakairita.

Nalilito namang napangiti si Miss Mayumi na agad din namang lumapit sa may pintuan. Akala niya kasi, pagbubuksan siya ni Heaven ng pinto. Assume pa more.

Hinila ni Mayumi ang hawakan ng pinto pero hindi niya ito magawang buksan. "Pa'no ba 'to buksan," tanong ni Miss Mayumi sa sarili niya. Nakita naman ni Heaven ang nahihirapang si Mayumi kaya badtrip niya na lang na binuksan ang pinto.

Nang magbukas na ang pinto, natatawang pumasok si Mayumi. Nang makaupo naman siya katabi ni Heaven ay agad siyang nagsalita. "Sorry. Wala kasi akong kotse at minsan lang din naman akong makasakay ng kagaya nito," nahihiyang tumawa si Miss Mayumi. 'Yung tawa na dalagang Pilipina? 'Yung tipong tawa na malayong-malayo sa bungis-ngis na na halakhak ni Fear na may kasamang hampas?

"Head ka ng Auditing team. You even have the same salary as a manager. Tapos wala kang kotse?" tanong ni Heaven.

"I was just recently promoted, Mr. Chavez at isa pa, hindi naman kami ganun ka yaman. Kaya nga ako naging scholar ng dad mo right?"

"Then why you're even inviting me on a dinner?" iritadong tanong ni Heaven.

Ngumiti naman si Mayumi sa pinakababaeng paraan, mukha siyang barbie, 'yung ginagamit pang-kulam? Voodoo doll. "Why? Sa tingin mo ba, mahal 'yung ipapakain ko sa'yo?" tanong ni Miss Mayumi at natawa nalang siya.

"Tss,"  Iyon lang ang sinabi ni Heaven at pinaandar na niya ang kotse.

While driving, hindi naiwasan ni Heaven na mapatingin kay Mayumi at hindi maiwasan ni Heaven na mapuna ang kagandahan ni Mayumi. Wala rin pala itong make-up pero sobrang ganda pa rin. Lipstick lang, okay na.

'Mas maganda ka Heaven, mas maganda ka,' sabi ni Heaven sa isip niya. Insecure? Haha. Hoy Heaven ano ka ba! Gwapo ka! Hindi maganda. Ka-turn off ka ha!

"There, there!" sabi ni Mayumi kay Heaven habang tinuturo sa isang food tent na nasa gilid ng kalye.

Inihinto ni Heaven ang ang kotse sa tapat ng food tent at nung lalabas na sana si Miss Mayumi ay biglang nagsalita si Heaven, "Hey? I'm not gonna eat there."

"Hah? E saan mo ba gusto?" tanong ni Miss Mayumi na halatang disappointed ang tono ng boses.

Nag-shrug naman si Heaven.

"Ay naku! Alam mo, masarap dito," Mayumi told Heaven sabay hawak sa kamay ni Heaven sabay hila.

Medyo nagulat si Heaven sa biglaang paghawak ni Mayumi sa kamay niya pero hindi naman niya inalintana 'yon nang bumitaw agad si Mayumi matapos silang makapasok sa loob ng tent, "Upo ka," sabi niya kay Heaven.

'This place is quite strange,' sabi ni Heaven sa sarili niya. Pa'no ba naman kasi. Medyo open masyado 'yung tent at medyo mausok rin dahil sa mga dumadaang sasakyan. Strange para kay Heaven kasi sa isip niya e mukhang madumi ang lugar na ito pero dinadayo pa rin ng mga tao. There were even some foreigners.

Lumapit si Mayumi sa may counter, "Dalawang hot noodles po kuya," masiglang sabi ni Mayumi at nakita naman ni Heaven kung paano dukutin ni Mayumi ang barya-barya sa sarili nitong wallet. Parang si Chocogirl lang niya. Napangiti tuloy si Heaven. Miss na niya Chocogirl niya e.

"At dalawang chocodrink."

Medyo nagulat si Heaven sa sinabi ni Mayumi. Chocodrink. Bakit mukhang may similarities yata si Miss Mayumi at Fear?

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon