KABANATA 82: TWO PIECE

2.1K 90 6
                                    

KABANATA 82: TWO PIECE

ON VOICE: FEAR

"Nababaliw na ba kayo!" sigaw ko kina Darryle at Kei sabay hampas ng tsinelas ko sa mga pagmumukha nila.

"Woa Fear, tama na!"

Huminga ako ng malalim. "Bakit niyo pinagsusuot ng mermaid tail ang anak ko!?" Wagas na wagas 'yung pagkabuka ng bunganga ko nung sinigawan ko sila. Nakakainis e? Ginawa ba namang sinera 'yung anak ko? At pink pa talaga 'yung buntot na pinasuot nila ha! Nagmukhang flower horn tuloy 'yung anak ko.

"Chocogirl ni Heaven, trip rin kasi ni Baby Kevs 'yung buntot," pagpapaliwanag ni Kei.

"Ano?" Napanga-nga naman ako nang ibinaling ko ang tingin ko kay Baby Kevin na mukhang enjoy na enjoy nga.

"Nung may dumaang nagbebenta rito kanina ng mermaid tail, bigla kaming tinawag ni Baby Kevs kasi gusto niya raw 'yung magpabili. E siyempre, tito kami, alangan namang i-deprive namin sa kanya 'yung gusto niya 'diba? So 'yun, binili namin. At hindi naman namin in-expect na bagay pala sa kanya 'yung buntot. 'Diba dre?" saad ni Darryle, nakangisi pa.

"Oo nga, Chocogirl ni Heaven at maigi narin 'yun kaysa naman maglaro si  Baby Kevin ng baril-barilan 'diba? Mas harsh 'yon?" dagdag ni Kei. Napairap at napa-cross arms.

"Tama," pagsasang-ayon naman ni Darryle. Sa mga sinabi nila, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at pumutok na talaga ang galit ko.

"Ang sabihin niyo, gusto niyo ring magsuot ng mermaid tails!"

Nagkatinginan silang dalawa. "Hindi naman sa ganun pero parang ganun narin kaso--- aaaa! Dre, takbo!" sigaw nina Darryle at Kei na tumakatakbo na ngayon kasi pinagbabato ko sila ng coral reef. Tawang-tawa naman si Baby Kevin sa ginawa ko.

"Tinatawa-tawa mo, baby ha? Akala mo natutuwa ako? Hubarin mo 'yan?" sabi ko kay Baby Kevin na tawang-tawa sa ginawa ko. Nakaupo siya ngayon sa isang bato habang kinakampay-kamay 'yung mermaid tail niya.

"E, mommy, nag-eenjoy ako e," sabi ni Baby Kevs sabay tawa.

NGANGA!

***
Pinapanuod ko lang si Baby Kevin sa ginagawa niya. Ano pa ba naman ang magagawa ko 'di ba? Kahit labag sa loob ko, doon siya nag-eenjoy e. Nakakaiyak. Alangan din naman at hablutin ko nalang bigla 'yung buntot niya, e di mamudmud 'yung nguso niya. Injured for sure si Baby Kevs. At okay narin 'yun, baka naman kasi sa buntot na 'yan, diyan niya matatagpuan 'yung passion niya.

Hindi ko na alam kung saan ang Five Fingers ngayon, si Cheesy naman at Niko--may iba ng mundo. Si Edison naman, alam naman nating my own world 'yun.

"Heaven? Matagal pa ba 'yan?" sabi ko sa kanya at nag-sign naman siya na malapit na raw matapos 'yung call niya. Nandun sa 'di kalayuan, may kausap sa telepono. Tsk. Tsk. Sino kaya 'yan! Baka naman si Mr. Jameson? Tapos nagpaplano silang mag-meet mamayang gabi habang tulog ako.

O baka, praning lang talaga ako? Oo na, husgahan niyo na ako pero mahirap talaga 'pag may asawang guwapo, alam no na. Guwapo rin ang hanap, besh. Hehe.

"Mommy, stop eating the grass." Napatingin ako sa kinakain ko at napagtanto kong ngumunguya na pala ako ng seaweeds. Nagmukha tuloy akong kambing.

"Mommy, gusto mong i-try 'yung mermaid tail?" sabi ni Baby Kevin sa'kin.

Napaubo naman ako. "Ay hindi baby, okay lang, enjoy ka lang," sabi ko sa kanya sabay ngiti ng pilit. Grabe, nakakatakot naman 'tong anak ko. Balak niya bang gumawa ng palasyo? Kung makatitig rin sa dagat e, parang ang lalim ng imagination.

Maya-maya pa, "Uho! Uho!" pag-ubo ko ng makain ko 'yung buhangin nang bigla akong binato ni Heaven ng sand. Nang mahismasan ako, binalik ko 'yung tingin ko kay Babyloves, "Ahh, ganun ha?" sabi ko sa kanya tapos binato ko siya ng coral reef.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon