KABANATA 81: GIYERA

1.8K 84 9
                                    

KABANATA 81: GIYERA



ON VOICE: FEAR



"Araaay!" sigaw ko ng maipit ako sa isang malaking bato. Aware kong nanag-inip lang ako pero pakiramdam ko talaga, may malaking batong nakadagan sa'kin.



"Aah!" sigaw ko ulit. Jusko, bakit hindi ako magising? Dead end ko na ba 'to?



"Fear! wake up." sigaw ni Heaven.



"Aah!" Namimilipit pa rin ako sa sakit. Grabe na talaga.



"Aah!"



"Aah!" sigaw ko at hindi parin nagigising, maya-maya pa...



"Haaa!" Biglang akong napasinghap nang naramdaman kong pumunta 'yung mga tubig sa loob ng ilong ko. Mabilis akong napatayo. Pumunta ako sa bintana para maisuka ko 'yung mga tubig na nainum ko.



Mabilis din namang lumapit sa'kin si Heaven sabay haplos sa likod ko, "Are you okay?" tanong niya sa'kin.



Tinampal ko siya sa biceps niya, "Okay?! Okay ba na buhusan mo ako ng tubig?" naiinis kong sabi sa kanya.



"Because I thought you're going to die. You're having a nightmare."



Napanganga ako sa sinabi niya, "Die? Die agad? Alam mo, masyado kang imaginative! At anong nightmare? Umaga na kaya, DAYMARE, na ang tawag 'dun," tumayo ako at sinundan niya papuntang banyo. Nakakainis 'yun ha? Buhusan ba naman ako ng tubig? At isinakto pa talaga sa ilong ko. Grabe! Ang sakit tuloy.



Kinuha ko 'yung free toothbrush at nilagyan ng asin at paminta, bawang at luya, labanos mustasa, sibuyas kamatis. Pero joke lang, siyempre, toothpaste lang ang kinuha ko. Bago pa ako makapagsipilyo, tinignan ko si Heaven sa salamin, kahit guwapo siya, inis parin ako sa kanya, "Bakit ngayon ka lang umuwi? Hinintay kita buong magdamag! Alam mo ba 'yun?"



"What? Umuwi ako dito ng 10 PM, kaso tulog ka na," sabi niya.



"Ganun ba?" sabi ko at ki-nompose ko ulit ang sarili ko, "Hoy, Heaven, ikaw ha? 'Pag pinagpalit mo talaga ako sa ibang babae, lagot ka talaga sa'kin," sabi ko sa kanya.



"Tss,! sabi niya. Grabe, 'yung lang sasabihin niya? Ni hindi nga 'yun word e. Hindi man lang ba niya sasabihing, "Of course I'm not going to flirt with anyone, loyal kaya ako sa'yo." Hayy.



"Ba't amoy strawberry ka? Perfume 'yan ng babae no?" sigaw ko sa kanya.



"Perfume ko 'to. Tss."



Eh? Hayy. Naalala ko bigla. Nagpe-perfume pala 'yan kapag gabi tapos ang dami rin niyang pinapahid sa katawan na lotion! E ako nga masabunan lang ng bareta ang katawan ko, sulit na ako. Pero si Heaven, iba! Ang arte-arte niyan promise! At hindi naman ako makapag-react kasi pera niya naman 'yung pinambibili niya dun!



Pero okay na sa'kin 'yun basta't hindi niya lang kami ginugutom ni Baby Kevin at higit sa lahat ay hindi siya nanlalaki este, nambabae.



Nung natapos na ako sa pagsisipilyo, bigla siyang naghubad ng shirt. Bigla naman akong napalunok ng laway, "Ginagawa mo?" tanong ko tapos bigla siyang ngumiti ng pilyo. Napatingin ako sa chest niya and I was like, omy! Nahiya ako sa stretch marks ko. Ang awkward lang. Mas makinis pa 'yung asawa ko sa'kin. Hustisya.



Tapos maya-maya pa, tinanggal niya 'yung summer shorts niya, napatakip naman ako ng mga mata. Aaaaa! My eyes!



"You have seen this many times, ngayon ka pa magtatakip ng mata?" sabi niya tapos naramdaman ko namang hinawakan niya 'yung bewang ko.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon