KABANATA 136: REJECTION

1.8K 71 7
                                    

KABANATA 136: REJECTION

ON VOICE: JOEYJMAKATHANGISIP

"SIR? Are you sure to buy all the tickets? But this is a class A plane?" tanong ng isang airline staff kay Edison na kasakuyang nakaupo na ngayon sa loob plane. Nakasuot ng shades, naka-dekwatro ang paa at nakasuot ng black elegant tux na saktong-saktong lang hubog ng kaha ng katawan niya. Kanina pa tanong ng tanong sa kanya ang staff pero hindi niya naman ito sinasagot. Malayo ang lakbay ng isipan niya.

Galing pa si Edison sa meeting ng sarili niyang university para magpaalam sa mga empleyado roon na mawawala siya ng ilang buwan na baka abutin ng taon pero bago siya pumunta sa university ay nagpunta muna siya sa birthday ng pamangkin niyang si Baby Kevs bago siya dumiretso rito.

After 2 minutes, finally, nagsalita si Edison nang hindi man lang binababa ang suot na shades. "Pardon?"

"Uhm sir, I said, are you sure to buy all the tickets? Because this is a class A plane?"

Tinanggal ni Edison ang shades niya at tinignan niya ng maigi ang mga mata ng babaeng staff. Sa sobrang guwapo ni Edison ay nakaramdam ng matinding intimidation ang babaeng staff. Bigla siyang nahiya sa ikli ng cutting ng palda niya at pati na sa cutting tela sa boobs niya.

"I had already bought all the tickets as well as this plane---and maybe soon, this airport too. Ikaw? Gusto mo bang bilhin din kita?"

Natulala ang babae.

"Sorry po sir,"  nahihiyang sabi niya sabay alis.

Naiwan si Edison sa loob ng plane. Siya lang at ang dalawang bodyguards niya ang natatanging mga pasahero rito. Binili na kasi ni Edison ang mga ticket ng sasakay sana sa eroplanong ito. Ayaw niya ng may kasama.

Maya-maya pa ay nag-simula na itong mag-take off. He's going to Canada. He's going to propose to Charnel Fate.

Nang nasa himapapawid na ang eroplano, Edison get the black box from his tux. Maya-maya pa ay binuksan niya ito at sumambulat sa paningin niya ang isang 12 Karatz diamond ring.

"I'm finally marrying you," He said but isn't he too late?

***
11: 00 PM
Nasa loob pa rin ngayon si Edison ng eroplano. Bakante lahat ng upuan maliban sa kinauupuan niya ngayon na nasa left row ng passenger's seat, pang-apat na upuan mula sa unahan na malapit sa may bintana at maliban na rin sa panghuling upuan sa likod kung saan nakaupo ang dalawang bodyguards niy na si Index at si Pry. Panay rin ang paglaro niya sa ballpen na hawak niya na siyang ipinapangsulat niya sa speech na iiaalay niya kay Charnel Fate pagkadating niya sa Canada.

"Grabe, ang weird talaga niya," sabi ng isang flight attendant na ubod ang pula ng lips.

"Yeah, biruin mo! Binili niya 'yung eroplano, ganun ba siya kayaman?"

"Hmm. Pero wais rin siya ha! Eroplano 'yung binili niya. E alam naman nating magandang business ang eroplano dahil walang lugi dito. Araw-araw may pasahero. For sure, businessman 'yan."

"Siguro. Pero tignan mo siya oh! Panglabing-limang oras na tayong nasa byahe, hindi pa rin siya natutulog."

"Oo nga no? Kanina nga, tinanong ko siya kung gusto niya ng unan, tinignan niya lang ako at hindi man lang umimik."

"Weird talaga."

"Pero in fairness, ang hot niya! Gosh! Ni-reregla ako ng wala sa oras."

"True! Tapos 'yung zipper niya! Tignan mo oh! Ang bulging! Yeee!"

Parang kinuryente sa kilig ang mga flight attendant kay Edison. Well, hindi rin naman natin sila masisi because Edison has all the guts! Chavez e! Pero pero pero! Kahit total package 'yang si Edison, may tinatago 'yang sekreto. Maaring hindi mo makikita sa unang tingin pero, Edison is weak interms of confessing his feelings. In short, t-o-r-p-e siya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon