KABANATA 104: WHERE ARE YOU NOW

1.7K 69 1
                                    

KABANATA 104: WHERE ARE YOU NOW

ON VOICE: CHEESY

First time kong sumakay ng plane kagabi kasama si Niko. Hindi na kami nag-barko kasi matatagalan na raw kami kapag 'yun pa ang sinakyan namin.
E sa may appointment pa naman siya kinabukasan. Kaya 'yun, nagmadali na kami. Ang saya nga e. Hihi.
Sayang nga lang talaga at mas nauna kami kina Fear. Mas masaya sana kung magkasama kami pero si Niko kasi e, mas gusto raw niyang kami lang daw muna pero nung sumakay kami sa plane, madami naman pa lang pasahero. E sa sinabi niyang kami lang daw muna. Ang labo talaga.
Nung nasa airplane kami, ako 'yung nasa may window tapos si Niko naman sa side ko. Tapos nung inantok ako, nagulat ako kasi marahan niyang hinila 'yung ulo ko papunta sa balikat niya. Kinilig ako kaya hindi tuloy ako nakatulog. Ang lambot kasi ng balikat niya. Kasing lambot ng pagkatao niya. Hihihi.
First time kong sumakay ng airplane. Kakaiba pala sa loob ng airplane no? Hindi pala lumulutang 'yung pasahero, akala ko kasi talaga lumulutang 'yung mga tao sa loob kagaya nang nakikita ko sa discovery channel.
Nung lumapag 'yung airplane sa airport kaninang madaling araw, agad kaming dumiretso ni Niko sa condo niya at doon ko nasabi na kakakaiba pala 'yung condo niya kasi gawa sa password 'yung lock ng pinto. Hanep din no? Iba na talaga ang mga tao ngayon. Baka sa susunod nga, lagyan na rin nila ng password 'yung mga underwears. Hihihi. Wala lang.
Peron sa totoo lang, nakakapagod kayang mag-type ng password! E sa baka malimutan mo pa, e di nganga? Hihihi. Pero kapag nagkaroon ako ng condo, pangalan 'yung gagawin kong password.
N
I
K
O
N-I-K-O. Kapag 'yan ang password ko, e hindi ko 'yan makakalimutan kahit pa magka-untog-untog 'yung ulo ko. Nakakatuwa naman 'yung naisip ko. Hihihi.
Nung pumasok na kami ni Niko sa condo niya e namangha talaga ako ng sobra kasi sobrang linis nung loob ng unit niya. Walang kalat, lahat ayos!
Nung nagutom naman ako, agad niya akong pinakain ng instant noodles. Hindi kasi siya marunong magluto, muntikan na nga niyang gisahin 'yung noodles kanina e. Pero atleast naman nag-effort siya.
"Ang sarap ng noodles," sabi ko habang kumakain dito sa may counter ng kusina niya. Pakiramdam ko, ito na yata 'yung pinakamasarap na noodles na natikman ko e. By the way, naliligo pala si Niko ngayon, hinihintay ko lang siyang matapos.
Nung pakiramdam ko e nabusog na ako, kinain ko 'yung apple na naka-display sa mahabang lamesa. Kaso nung kinagat ko 'yung apple, napagtanto kong plastic pala. Ang sakit tuloy nung ngipin ko.
Tumayo ako at hinugasan ko na 'yung bowl na kinainan ko, nakakahiya rin kasi kay Niko e. Libre na nga akong kumain, siya pa maghuhugas?
Nung natapos ako, pumunta na ako sa may salas niya. May malaking flat screen tv sa harap tapos may maliit namang circular table sa gitna na gawa glass. 'Yung mga sofa, kulay pink. As in lahat pink. Sa dingding naman, maraming paintings ng hubad na lalaki tapos mga malalaking frames rin ng five fingers. Ang saya nila sa pictures except kay Edison.
"Cheesy Girl."
Napahinto ako sa pag-vi-view nung mga frames nung may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Niko na basang-basa ang buhok at  tanging towel lang ang nakatapis sa bewang niya. Hindi ko tuloy naiwasang mapalunok nang laway nung tumama 'yung mga mata ko sa katawan niya. Napaka-firm naman kasi ng body niya. Tapos ang linis-linis pa niyang tignan.
Uminit bigla ang mukha ko.
Napailing ako bigla, "Haay, Cheesy! Nababaliw ka na naman," sabi ko sa utak ko.
"Ay, sorry. Magbibihis lang ketch," sabi niya sabay balik sa pasok sa kuwarto niya.
"Kahit hindi ka na magbihis ok---" naitakip ko bigla 'yung bibig ko sa kamay ko. Cheesy! Bad! Bad!
After some miutes...
"Let's go?" Napalingon ako ulit. Nakita ko si Niko na bihis na pero basa pa rin 'yung buhok niya. Hala ang cute niya. Sana naman maging kasing cute niya 'yung baby namin no?
"Ha? Saan tayo?" sabi ko sa kanya pero hindi na siya sumagot kasi hinawakan na niya 'yung kamay ko sabay hila palabas ng condo unit niya.
"Niko, nagiging clingy ka ulit," saad ko sa kanya pertaining dun sa kamay niya pero hindi niya yata narinig kasi nung sinabi ko 'yun e akmang pumasok na kami sa elevator.
Medyo na-awkward ako ulit kasi first time kong makapasok ng elevator. Kakaiba pala 'yung feeling kapag nasa loob ka ng elevator no? Nakakaba lalo na kapag kasama mo si Niko. Parang naiilang yata ako.
"Ay tae." Napakapit ako bigla sa braso niya nung umalog ng kaonti 'yung elevator. Akala ko maiilang siya pero ngumiti lang siya.
"Are you okay?" Nag-blush naman ako habang nilalaro ko 'yung mga daliri ko.
"Niko, saan ba tayo pupunta?" tanong lo sa kanya.
"Bibili tayo ng mga gamit ni Baby."
"Talaga?" mangha kong sabi.
"Pero unisex 'yung bibilhin natin okay since hindi pa natin alam ang gender niya."
"Okay! Excited na ak---" magsasalita pa sana ako kaso....
Snap!
Biglang tumigil 'yung elevator tapos...
Click!
Biglang namatay 'yung ilaw.
"Okay ka lang?" sabi niya tapos nanlaki na lang 'yung mga mata ko tapos bigla niya akong niyakap.
Ng mahigpit.
Na mahigpit.
Na tipong...
Hindi na ako makahinga.
"N-niko, nagiging clingy ka na naman e," parang tuod na sabi ko sa kanya dahil na rin siguro sa biglang pagyakap niya sa'kin.
"Just let me do this until the lights will come back."
"E pa'no kung hindi na bumalik 'yung kuryente hanggang gabi?"
"Then I'll hug you overnight." Mas humigpit pa 'yung yakap niya sa'kin.
Hindi naman ako nakapagsalita pero 'yung puso ko...
Umaabnormal na naman.
Dug.
Dug.
Dug.
Dumudug...
Dumudugo ilong ko.
Bakit niya ba kasi ako in-english? Konti lang tuloy na-gets ko.
***
ON VOICE: FEAR
Badtrip akong papauwi ngayon ng bahay kasama si Baby Kevs.  5:00 AM pa lang ngayon ng umaga kaya malamig at medyo madilim pa. Sumakay kami kanina ng taxi kasama 'yung anak ko at iniwan ko naman si Heaven dun sa airport. Oo literal ko talaga siyang iniwan. Tutal naman, enjoy na enjoy siya sa mga babaeng nandun na nagpapapicture sa kanya e.
Akala mo wala siyang asawa! Nakakainis talaga! Tapos isa ko pang kinakainisan e parati akong napapagkamalang personal assistant niya o mas malala e katulong niya.
At ang additonal pa talagang ikinainis ko ay ang paglagay niya kanina ng rosaryo sa mukha ko. Anong akala niya sa'kin, demonyo?
"Ma'am saan po tayo hihinto?" sabi ng driver.
"Dire-diretso mo lang hanggang sa matapos ang daan!" sigaw ko kay Kuya. Badtrip talaga ako e.
Napakamot namang ng ulo si Kuya driver at nang mapatingin siya sa'kin sa may rear view mirror, bigla siyang napahawak sa rosaryong nakatali sa steering wheel niya.
NGANGA!
***
NANDITO pa rin kami ni Baby Kevin sa loob ng taxi ngayon at medyo na-we-weirduhan ako ng kaonti kasi parang ang tagal-tagal na naming nagbabyahe, hindi pa rin kami nakakarating sa bahay.
"Kuya? 'Yung totoo? Nililigaw mo ba kami?" tanong ko kay Kuya driver tapos weird ulit siyang napahawak sa rosaryo niya.
Nainis ako sa ginawa niya kaya pinranka ko na siya, "Kuya nakaka-offend ka na ha?" sabi ko sa kanya na medyo naiiyak na.
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Jusko, hindi ko pa naman kabisado 'tong lugar namin. Haay. Kinakabahan na talaga ako.
"Hoy! Kuya! Ano ba? Magsalita ka! Nililigaw mo ba kami? Kuya! Jusko, kung may plano kang gawin kaming victim mo para makahingi kayo ng ransom money sa mga kamag-anak namin, jusko! Wala po kayong mahihita sa'min!" sabi ko sa kanya sabay yapos kay Baby Kevin na sinuklayan ngayon 'yung buhok ng mga manyika niya.
Nagsalita si Kuya Driver, "Ma'am? 'Yung totoo? Praning kayo o paranoid? Kita mo ng traffic oh!" sabi niya na siyang ikina-nganga ko.
"Sorry naman kuya? Stress lang," sabi ko sa kanya.
***
NANG makarating kami sa bahay, sirado pa 'yung gate. Hahablutin ko na sana 'yung susi sa loob ng ulo ng manyika ni Baby Kevs kaso na-realize nandun pala kay Heaven 'yung susi ng padlock ng bahay.
"Kainis naman oh! Kainis talaga!" sabi ko sa sarili ko sabay kamot ng anit ko. 'Yung totoo? May kuto na ba ako?
"Mommy, 'yung totoo? Kinukuto ka na ba?" tanong ni Baby Kevs.
"Baby Kevs, hindi ako kinukuto okay?" sabi ko sa kanya at bago pa humaba 'yung usapan namin, ( kasi for sure tatanungin lang ako ng tatanungin ni Baby Kevs tungkol sa evolution ng kuto) by the virtue, power and courtesy of no choice, binalikan namin si Babyloves airport kaso pagbalik namin dun ni Baby Kevs dun sa may airport, biglang tumawag 'yung Daddy niya sa'kin.
"Chocogirl? Where are you now? Nandito na ako sa bahay."
NGANGA!



When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon