Kabanata 51.0: The Zumba

7.7K 159 10
                                    

When A Gay Fell In Love With A Girl 2
Kabanata 51.0: The Zumba.
Written by: JoeyJMakathangIsip
***
ON VOICE: MRS. FEAR DE GUZMAN CHAVEZ

'Dating.' //dey-ting// Ito 'yung pace ng isang relationship kung saan sobrang kinikilig pa kayo sa isa't-isa. Ito rin 'yung point na kinikilig ka pa sa bawat halik niya. Na sa bawat titig niya sa iyo ay tila ba nag-uusap kayo sa pamamagitan ng inyong mga mata. Na sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay pakiramdam mo ay musika. Na sa bawat haplos ng kamay niya sa balat mo ay tila napapaso ka. Na nagmumukha siyang kaibig-ibig sa kahit anong anggulo mo siya tanawin.

Pero sa marriage? Ibang-iba na ang takbo ng mundo niyo. Ito 'yong point na nababanas ka kasi hindi ka niya hinahalikan dahil conscious na siya sa amoy ng hininga mo. Ito 'yong point na naiinis ka sa kanya dahil sa mga simpleng mali niya. Na nagtitinginan kayo ng matulis kapag nagkaka-aberya sa pera. Na ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay nakakainis at nakakabwesit na minsan ay puro mura na. Na ang haplos ay hindi na haplos ngunit minsan ay sampal o suntok na. Na nagmumukha siyang demonyo sa kahit saang anggulo mo siya tanawin.

In marriage, truckloads of negativity and responsibilities will took place. Hindi na magiging sa'yo ang bente-kuwatrong oras mo. Hindi na magiging sa'yo ang sa'yo lang. Hindi na sa'yo iikot ang mundo mo kundi iikot ito sa parehong mundo niyo na ngayon ay iisa na lang. Kaya nga dapat, iniisip mo muna ng maigi kung sino at kung anong klaseng tao ang papakasalan mo. Dapat handa  ka sa kung ano mang bagay ang haharapin n'yo ng partner mo sa bawat bukas na haharapin niyo. Hindi yung tipong, nainis ka lang, break na! Ano pang silbi ng 'TILL DEATH DO US PART N'YO' kung mag-b-break lang kayo?

Till death do us part nga 'di ba? BAKIT? PATAY NA BA KAYO?

He is Heaven Chavez and he is my husband. I am Fear De Guzman-Chavez, carrying his last name and I am his wife.

At sa kanya ko napatunayan na hindi biro ang marriage life.

Hindi. Biro.

K A B A N A T A UNA:

"Mommy! I want that dress!" pagtuturo ni Baby Kevin sa isang bagay na naka-display dito sa loob ng mall. Turo lang siya ng turo kaso hindi ko siya pinansin.

"Teka nga lang baby, nag-ka-clash of clans pa ako!" sabi ko sa kanya.

"Mommy! I said I want that dress!"

"Teka lang kasi anak. 2 minutes lang, please?"

"Mommy! I said I want that dress!"

"Mommy!"

"MOMMY MAY BOOMBAAA!!!" Kevin shouted at the highest pitch of his voice kaya ang nangyari, nagsilingunan lahat ng tao rito sa loob ng mall. After some few seconds, biglang nagkagulo 'yung mga shoppers.

Biglang nagsiyukuan ang mga tao. 'Yung iba, natanggalan ng panty at ang mas malala, may mga babaeng natanggalan ng napkin, naapakan ang dibdib at napaltusan ang ingrowns.

Agad kong kinarga si Baby Kevin at agad kaming nagtago sa CR ng mall. And after some few minutes...

"Hey? Look at what you've done?" naiinis na sabi ko sa kanya.

Bigla siyang umiyak, "Becuase I want that dress and you're not listening. You just kept on tapping your phone and playing that COC kahit wala naman talaga 'yang kwenta. Isusumbong kita kay Daddy!" Bigla akong nataranta nang ngumawa si Baby Kevin at umiyak ng pagkalakas-lakas na naging dahilan upang mapalingon ako sa paligid.

Sa pagtitig ko sa paligid ay laking gulat ko nang madatnan kong lahat ng lalaking umiihi ay nakatangin na sa amin.

Nanlaki 'yung parehong mata ko.

"Hoy! Miss? Bakla ka pa? Ba't nandito ka?" tanong sa'kin nung isang lalaki na umiihi.

Teka? Ano nga bang ginagawa namin dito? Ay baliw! Pumunta kami rito kasi kailangan kong itago si Baby Kevs dahil baka kuyugin siya ng mga tao dahil sa pagsigaw niya na mayroong bomba!

"Mommy, may snake!" biglang may ituro si Baby Kevin kaya tinignan ko 'yung tinuturo n'ya.

Nanlaki 'yung mga mata ko kasi 'yung sinasabing snake ni Kevin...

"Mommy? Bakit may itlog ang snake? Buntis ba siya?"

NGANGA!

**

May nakita kami ni Baby Kevin na snake na laruan na may kagat-kagat na egg kaya kinuha namin 'yun. Nakapatong lang kasi 'yun sa sink ng comfort toom kaya kinuha ko na. Wait? Sinabi ko bang tirador ng mga tira-tira itong anak ko? Napaka-sentimental niyang bata kasi. Lahat ng makita niyang laruan gamit ang mga mata niya, ginagawa niyang koleksyon. Pati 'yung mga bato na may kung anu-anong kulay ay pinupulot niya. Mag-aapat na taon na rin siya at bukas ay magki-kinder one na siya. Nandito kami sa mall para bumili ng mga crayons niya kaso iba ang na-trip-pan niya. Gusto niya ng dress.

"Tell me baby, saan ang gusto mo riyan?" tanong ko kay Baby Kevin habang karga-karga ko siya rito sa loob ng mall. Mabuti na lang talaga at okay na 'yung mga tao. Akala talaga nilang may bomba e. Haay, naalala ko tuloy 'yung college pa ako. Sumigaw ako ng 'may bomba' noon at katulad ngayon, ganoon rin ang nangyari. Ang saya! Gusto kong tumalon at mag-split.

"Mommy, hindi toy 'yung hanap ko! 'Yun oh!" May itinuro ulit 'yung anak ko kaya pinuntahan namin 'yung tinuturo niya. Pagdating namin doon, bigla akong napa-nganga.

"Baby, saan d'yan? 'Yung babaeng manikin o 'yung pink gown ng manikin?"

Biglang ngumiti ng pilyo itong anak ko na katulad ng mga ngiti ni Heaven, "Mommy, I want that pink dress."

Biglang lumuwa ang eyeballs ko.

NGANGA!

***
Bandang 6 PM, umuwi na kami ni Baby Kevin. Iyak lang siya ng iyak mula sa mall hanggang umuwi kami ng Bahay. Mabuti na lang at si Boknoy ang nagsundo sa amin kasi kung nag-taxi kami, baka pababain lang kami. Nagiging wild kasi si Baby Kevin kapag umiiyak e. Kinakain niya 'yung foam ng upuan ng kotse kapag depressed siya.

"Saan na ba ang Daddy mo?" tanong ko sa umiiyak na si Baby Kevin. Nandito na kami sa kuwarto namin ay iyak pa rin siya ng iyak. At parang gusto ko na ring umiyak. Hindi ko alam ang gagawin. Iyak na lang kaya rin ako? Tapos palakasan kami ng iyak ni Baby Kevin para masaya?

"Hay, naku!" napabuga ako ng hininga at mabilis na nagtungo sa gate, "Heaven, saan ka na ba?" sabi ko noong sumilip ako sa labas.

Babalik na sana ako sa bahay kaso napahinto ako nang biglang may bumusina sa labas ng gate. Nagtangis bigla ang ngipin ko. Alas diyes na! Ba't ngayon lang siya umuwi!

Maya-maya pa, narinig kong nagbukas ang gate. Akam kong si Heaven na 'yon, magsasalita na sana ako kaso bigla siyang sumigaw habang humihingal.

"Sinong kasama ko? Ba't ako late nakauwi? Bakit ngayon lang ako dumating?"

Napangisi ako na para bang demonyo. Buti na lang at alam na niya ang mga tanong ko kaya inunahan na niya ako.

"I'm with my officemates. Overtime 2 hours, may hinahabol na i-print na libro. Kailangan ng budget. Kailangan ang auditing team. They need me," sagot niya. Hindi na ako umimik pa at nagsimula ng maglakad papasok ng bahay pero napahinto rin naman ako ng bigla niya akong niyakap mula sa likod.

"Are you angry with me?" tanong niya. Naramdaman ko bigla ang pagdami ng hininga niya sa leeg ko since nakayakap siya sa akin mula sa likod.

"Heaven, 'wag mo nga akong yakapin. Para kang sira," sabi ko sa kanya. Tunog ala-Kris Aquino.

"Darla, si Heaven oh? Look at him? Nakayakap siya sa akin. I really find it hard tuloy doing zumba," parang sinapian kong sabi kay Lukrecia nang dumaan siya sa harapan namin ni Heaven dito sa may salas.

"Ma'am, oki ka lang?" tanong ni Lukrecia. Sasagutin ko pa sana siya kaso bigla akong kinarga ni Heaven.

"Gusto mo ng Zumba?" pilyong ani Heaven habang karga-karga ako tapos napatawa na lang ako ala-Krissy again, "Ha-ha-ha, zumba is fun kaya."

***

When A Gay Fell In Love With A Girl 2
Kabanata 51.0: The Zumba.
Written by: JoeyJMakathangIsip

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon