KABANATA 131: KISSED
~•~♥~•~ON VOICE: CHEESY
"Niko! Bili tayo nun!" sabay turo ko roon sa isang kulay pink na pacifier nakapatong sa isang stand. Nandito kami sa isang mall ngayon. Bumibili kami ng gamit ng Baby--ulit. Kaso nung binili namin last time, hindi nabayaran. E sa biglang nag-walk-out si Niko nun kasi nalaman niyang nanghiram lang pala ako ng pera para makasama ko siya sa Palawan. Pero ngayon, okay na kami. Magpapakasal nga kami e. Ang saya no? (^w^)
"Tss. Fine," sabi niya naman tapos hinatak ko siya papunta sa section na tinuturo ko. Imbes na pacifier lang 'yung bibilhin ko sa part na 'yun, medyo namangha ako sa mga gamit na nandun kaya kaya ni-request ko sa kanya na bilhin na lang 'yun lahat.
"Nawewerla ka na ba? Lahat 'yan? Ano ba talaga? Manganganak ka o magtatayo ng tyangge? Cheesy, we need to be practical okay?" pilosopong sabi niya.
Na-kyutan ako sa kanya kaya hinalikan ko siya sa cheeks niya. Nanlaki 'yung mga mata niya.
"Kung maka-blush ka naman," sabi ko sa kanya. Mwuahaha.
Bakit kasi ang cute cute niya e.
Tapos ang linis pang tignan.
Tapos ang bango pa. Amoy alcohol.
Tapos kahit medyo hindi pa well toned 'yung abs niya e... ang hot naman niya.
Naman eee!
Nabalik ako sa katinuan nang bigla siyang magsalita, "'Yung icecream mo tumutulo na."
"Hala," sabi ko naman tapos dinilaan ko 'yung part na tumulo. Matapos kong dilaan 'yung part na 'yun, tinignan niya ako.
As in 'yung tingin na titig na titig.
"May dumi ka," sabi niya tapos napatingin naman ako sa may pwet ko. Hala? Tumae ba ako ng hindi ko namamalayan? Minsan ganun kasi ako e. 'Yung tipong akala ko, utot lang pero tae na pala? Ganun kami ni Fear. Hehehe.
"Tanga! Hindi dumi sa pwet," sabi niya.
"Saan ba kasi?" malumanay kong sabi. Uhm. Hindi niyo ba pansin na ang lumanay kong masalita ngayon? Hehehe.
"Here, may ice cream ka dito." sabi niya tapos lumalit siya sa may side ng labi ko.
Akala ko, kamay o panyo lang 'yung gagamitin niyang pampunas sa dumi ko pero nagulat ako kasi...
lips niya 'yung ginamit niya.
***
AWKWARD kaming naglalakad ni Niko ngayon palabas dala-dala 'yung mga pinamili namun. Medyo nawi-wirduhan ako kasi weird naman talaga 'yung ginawa niya."N-niko? Bakit mo ginawa 'yun," malumanay kong tanong sa kanya.
"Siyempre, kasi wife kita at nakakahiya sa iba kung makita kang may dumi, baka sabihin pa nilang pabaya ako sa'yo," mapaklang sabi niya.
(o__o)
Kasi ano raw niya ako?
W-wife?
Bakit ang sarap pakinggan nun? (^w^)
"7, 110 po sir," sabi ng cashier.
"Hindi joke lang 'yan. Kita ko namang 7,110 kailangan ba talagang ulitin? Hindi ako bulag," sabi naman ni Niko sa cahsier. Bakit ba ang taray niya? Kawawa naman 'yung cashier.
Binigyan ni Niko ng pera ang cashier, "I recieved 8,000 sir."
"Hindi, joke lang 'yan! Ka-imbyerna ka!" sabi ni Niko sa cashier. Medyo naawa ako sa cashier dahil sa pambabara na ginawa kaya ang ginawa ko, tinampal ko si Niko ng pagkalakas-lakas sa zipper niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/74846257-288-k669868.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)
UmorismoSabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa dating, puro sundot sa tagiliran. Sa dating, puro tusok sa kung saan. Now, in Fear and Heaven's marr...