KABANATA 69: MASAKIT

2.4K 98 7
                                    

KABANATA 69: MASAKIT



"You shouldn't do that," sabi ni Babyloves. Nandito kami sa may kusina ngayon at pinapagalitan niya ako. Gusto ko tuloy maiyak.



"Oo na! Kasalanan ko ng gusto kong patayin 'yung babaeng gustong magpa-anak sa'yo."



"Bakit galit?"



"Hindi ako galit!"



"Then are you jealous?"



"Hindi ako nagseselos no!" sigaw ko sa kanya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likod.



"Don't ever get jealous with those girls, sa'yo lang ako nagpapa-anak! Alam mo 'yan," he said.




"Hoy! Ikaw ha? Ang bastos mo!" sabi ko sa kanya tapos tumawa lang siya in a very very manly way!



Naman e!



Iyang mga ngiting 'yan talaga e!



"Sige dito lang ako, aasikasuhin lo lang sila," Heaven said tapos umalis na siya. Humahalhal ako na parang aso. Nakalabas ang dila habang bumubuga ng hininga.



Nilunod ko na 'yung pasta sa kumukulong tubig. Pinapagluto kasi ako ni Heaven ng spaghetti e. Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano 'to lutuin. Oo madalas akong kumakain nito pero hindi ko talaga alam kung anong atake ang gagawin ko dito.



Si Lukrecia nalang sana 'yung papalutuin ko dapat nito e kaso baka may masabi pa 'yung mga kaibigan ni Heaven kapag hindi mismong ako ang nagluto. Baka sabihin nilang, 'Ano ba 'yan, spaghetti na nga lang, hindi pa maluto.' Ayaw kong masabi nila 'yun sa'kin. Kaya eto, niluluto oo talaga siya ng bongga-bongga.



After 30 minutes, nataranta ako. "Jusko po! Anong nangyari dito?" sabi ko sa sarili ko nang makita ko 'yung pasta na nagmukha ng uhog at sipon.



Kinakabahan kong inilagay ang pasta sa isang nalaking mixing bowl. Hindi kasya sa mixing bowl kaya nilagay ko 'yung iba sa isa pang mixing bowl.



Wala sa isip kong niluto 'yung sauce at nang matapos ay iniligay ko siya sa pasta at 'yung cheese. Hinalo-halo ko kaso pagkalipas ng isang minuto, nabaliw na talaga ako.



"Jusko? Bakit nagmukhang regla 'to?" pinagpapawisan kong tanong sa sarili ko.



Tinikman ko kaso, "Pwe!" Lasang formalin.



"Chocogirl, we're hungry!" Bigla akong nataranta.



"O-oo, m-malapit na!"



After 2 hours... "Chocogirl! Mag-aapat na oras na ka na diyan!"



"Eto na! Malapit na talaga!" sigaw ko. Natataranta na talaga.



After 3 hours, kung anu-ano na ang sinahog ko magkalasa lang 'yung niluluto ko kaso wala pa rin. 'Yung lasang formalin, lasang patay na.



"Chocogirl! Malapit ng mag-sunset!" sigaw ni Heaven sa may kusina.



"Oo! Hehe. Konti nalang talaga!" sabi ko at bigla akong naiyak, "Pa'no ba to?" naiiyak na tanong ko sa sarili ko habang pinapadyak 'yung paa ko sa sahig. Alam kong napaka-dense ko ng mag-isip ngayo pero 'yun ang totoo! Hindi ko na alam ang gagawin ko.



"Eto na lang siguro," kinakabahan kong kinuha 'yung LUCKY ME noodles sa may aparador, "Tapos lalagyan ko na lang ng ketcup. Ganun nga," umiiyak na sabi ko sa sarili ko.



"Tapos itong spagetti, i-f-flash ko nalang 'to sa toilet bowl," sabi ko habang naluluha parin.



Dinala ko 'yung spagetti sa may comfort room at...

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon