KABANATA 56: HOTDOG
ON VOICE: FEAR
"Baka ano nang nangyari sa kanya. Baka tinanggalan na si Baby Kevin ng atay. Baka kinuhanan na siya ng bituka. Baka pinagtataga na ang katawan niya at binenta sa black market." Iyak ako ng iyak habang putak ng putak iyong bibig ko habang nakaupo ako rito ngayon sa loob ng sasakyan ni Heaven. Hindi ko mapigilang mag-alala. Siyempre bata pa si Baby Kevin. Kapag binigyan iyon ng barbie, lalambot iyon. Papayag iyon kahit pa ano ang ipagawa mo sa kanya. Lalong lalo na kapag binigyan mo ng hotdog.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kasalanan ko ito e. Kung hindi na lang sana ako umuwi ng bahay para makapag-CR, hindi na sana siya mawawala.
"Can you shut up and relax?" Natahimik ako sa sinabi ni Heaven. Oo nga naman, I should shut up and relax. Hindi dapat ako nega. Kung ano na kasi pumapasok sa isip ko e.
Huminga ako ng malalim. Kahit anong gawin ko ay natataranta pa rin ako. Hindi ko talaga mapigilang hindi mabaliw sa oras na ito.
Lumingon ako sa bintanang nasa tabi ko. Nakita ko iyong mga batang sinusundo na ng mga nanay at tatay nila sa labas ng gate ng isang public school. Hapon na kasi at oras na ng pagsundo. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko iyong isang batang lalaking may hawak-hawak na supot ng gold fish na binili sa kanya ng mommy niya. Tuwang-tuwa iyong bata. Naiyak ako bigla. Naalala ko si Baby Kevin kapag natutuwa siyang kumakain ng hotdog. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong ina. Hotdog na nga lang, ipinagkait ko pa kay Baby Kevin.
Pinahiran ko iyong luhang dumaloy sa pisngi ko mula sa kanang mata ko. Nakita ko sa repleksyon ng tinted mirror ang pagtakas ng isa pang luha.
"Relax, Chocogirl. Mahahanap natin siya. Just trust me." Inabot ni Heaven sa'kin ang isang puting panyo habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manebela ng sasakyan.
Napanatag ako sa sinabi niya. Ipapahid ko na sana iyong panyo sa mga mata ko pero bigla itong nalaglag. Inabot ko iyon sa flooring ng sasakyan nang hindi tinitignan dahil baka maumpog ang ulo ko. Akmang dudukutin ko na sana iyong panyo nang mapatigil ako sa kadahilanang iba iyong nahawakan ko. Parang papel.
Pinulot ko iyong nakakunot na papel. Bumungad sa parehong mata ko ang dalawang kindergarten paper na may sulat kamay ni Baby Kevin.
"What's that?" tanong ni Heaven. Hindi ko siya sinagot bagkus ay binasa ko lang iyong nakasulat sa papel.
Dear Mommy Chocogirl. I'm sorry if I'm stubborn sometimes. I'm sorry if I like to eat hotdogs and eggs. I'm sorry if I said I hate you but the truth is I really love you because you are really a funny mommy. Once I'm gone, always make Daddy Babyloves happy. Bb. Kevin.
Dear Daddy Babyloves. Thank you for giving me Angelina and Stacy--my barbies. Thank you for always bringing me pasalubong after your work. Thank you for making me brave when I'm getting weak and most of all, thank you for your patience on Mommy Chocogirl. Always love her even though she is really weird sometimes. Always remember that even though she is shouting at you sometimes, it doesn't mean that she hates you. It just means that she's not that brave enough, to tell you she loves you. Bb. Kevin.
Tumulo iyong luha ko matapos kong mabasa ang letter ni Baby Kevin. Hindi ko maintidihan ang sarili ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sumsikip iyong lalamunan ko. Naging masama ba talaga akong mommy sa anak ko? Makitid ba talaga utak ko?
Ipinikit ko iyong mga mata ko at pinakiramdaman ang pagtakbo ng mga luha sa pisngi ko. Nang buksan ko ang mga mata ko ay ibinalig ko ang mukha ko sa may bintana. Nilakbay ko ang paningin sa mga ilaw ng poste, sa mga establisyemento, sa mga sasakyan at sa mga taong dumadaan sa may sidelines.
Maya-maya pa ay bigla akong nataranta nang maituon iyong atensyon ko sa isang maliit na bata na kumakain sa loob ng isang fastfood chain kasama ang isang matanda.
"K-kevin!" sigaw ko at kahit umaandar pa ang kotse ni Heaven ay agad akong lumabas.
"Chocogirl!"
***
ON VOICE: ANGELINA (BABY KEVIN'S BARBIE)
"Nag-enjoy ka ba apo?" tanong ng isang Lolang kay Baby Kevin na kasalukuyang kumain ng jolly hotdog. Iyong lola, may dala-dala siyang lata ng bonakid.
Hindi namin alam ni Stacy kung nasaan kami ngayon sa kadahilang nasa loob kami ng bag ni Baby Kevin. Ngunit pakiwari namin ay nandito kami ngayon sa loob ng isang fastfood chain sa kadahilanang amoy pagkain 'yung lugar dito. Amoy langhap sarap. Amoy gravy.
Sa lakas din ng tunog ng pagnguya ni Baby Kevin sa jolly hotdog na kinakain niya ay mahihinuha naming gutom na gutom siya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay ipinagbawal na ng mommy ni Baby Kevin ang pagkain ng hotdog sa bahay kaya ganun na lang kung kumain si Baby Kevin ngayon. Parang hinahabol ng kabayo.
"Thank you po Lola," ani Baby Kevin tapos bigla niyang kinuha si Stacy bilang pamunas sa mansta sa bibig niya.
"Oh my gosh. Baby Kevin is pull me. So my hair is ouch and I can pain it!" sigaw ni Stacy na tila namimilipit sa sakit at maya-maya pa ay muli na siyang ibinalik ni Baby Kevin dito sa loob ng bag.
Tawang-tawang ako kay Stacy nang magmukha siyang tae.
"Don't laugh me. I'm not joke!" mataray na sigaw ni Stacy sa aking ngunit hindi ko lang pinansin.
"Iho may ibibigay ako sa iyo," ani Lola.
"Ano po 'yun Lola? Bibigyan niyo po ba ako ulit ng hotdog?" tanong ni Baby Kevin.
Tumawa si Lola. "Heto apo."
Narinig kong may tinangggap si Baby Kevin na isang bagay. Narinig ko ang pag-lipat ng ilang mga pahina. Notebook?
"Aanhin ko po ito?" tanong ni Baby Kevin.
"May sasagutan ka riyan apo. O pa'no? Mauna na ako ha? Isauli mo na lang iyan kapag tapos mo ng sagutan."
"Magaling po ako sa exam. Kaya ko pong sagutan 'to in three minutes." Nahinto si Baby Kevin. "Hala saan na si Lola? Nag-disappear?" tanong niya.
Kain lang kain si Baby Kevin at maya-maya pa ay biglang nahinto sa pagkain ang mga tao nang biglang may sumigaw sa may entrance.
"Baby Kevin!"
Si Mommy Fear!
***
ON VOICE: FEAR
Mabilis kong niyakap si Baby Kevin noong nilapitan ko siya. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon. Medyo gutay-gutay na kasi iyong suot ko sa kadahilanang bigla akong bumaba ng kotse ni Heaven noong kasalukuyan pa itong umaandar.
"Okay ka lang, baby?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang yumuko siya at biglang nalungkot.
"What do you want baby? Gusto mo ng hotdog?" tanong ko pero umiling-iling siya.
"Sige na, baby. Hindi na magagalit si Mommy kapag kumain ka ng hotdog," naiiyak kong sabi sa kanya.
"Gusto ko na hindi na kayo mag-away ni Daddy."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Sorry baby. Promise, hindi na."
Maya-maya pa ay dumatin na si Heaven at sabay-sabay na kaming lahat kumain ng hotdog. Shalap.
***
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)
HumorSabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa dating, puro sundot sa tagiliran. Sa dating, puro tusok sa kung saan. Now, in Fear and Heaven's marr...