KABANATA 106: TRUST

1.5K 64 4
                                    

KABANATA 106: TRUST

ON VOICE: CHEESY
Lutang na lutang ako ngayon. Akala ko kasi talaga, aabutin kami ng isang araw doon sa loob ng elevator ni Niko e. Buti na lang pala hindi. Mga 14 minutes lang kaming na-trap dun. Sayang nga e. E di sana kung mas matagal pa kami roon e 'di sana mas masaya ako ngayon. Ikaw ba naman ang ma-trap sa loob ng elevator kasama 'yung crush mo, sige nga, hindi ba magtutubig 'yung panty mo? Oops.

"Niko, saan na tayo?" tanong ko sa kanya. Nandito na kami sa isang mall ngayon pero hindi ko alam kung anong section 'to. Mukhang clothing na ewan. May mga lampin kasi at mga telang puti. Lahat puti. Hindi kaya section 'to ni Grace Poe? Oops. Ano ba 'to? Natatawa naman yata ako.

"Baby's section," sabi niya sa'kin.

"Talaga?" buong ligayang sabi ko. Muntikan pa akong mapatalon.

"Hindi. CR 'to Cheesy, CR!" Walang gana niyang sabi.

"Ay." Nanghina ako bigla. CR pala 'to? Kaya pala maraming tissue.

"Shunga, baby's section nga!" sabi niya sa'kin sabay tulak sa balikat ko. Muntikan ko ng mahalikan 'yung flooring.

"Hala sorry," sabi niya sabay alalay.

"Hehe. Okay lang," sabi ko sa kanya. So 'yun nga, tumayo na ako matapos niya akong tulungan.

Nung nagsimula na kaming dalawa na maglibot-libot e nakakapit ako sa braso niya. 'Yun 'yung utos niya e? Alangan namang suyawin ko 'di ba?

Habang naglilibot-libot kami, maraming babae ang napapatingin kay Niko. I don't know why pero sa palagay ko, they find Niko "attractive".  Well sino ba namang hindi?

Kung mukha ang pag-uusapan, guwapo naman talaga si Niko e. Brown 'yung buhok niya na parang lampaso kasi may kaonting bangs siya sa noo niya at wala namang ka-pores-pores 'yung mukha niya. 'Yung mga mata niya parang anime! Kulay brown 'yung mga mata niya. Tapos may sobrang liit naman siyang nunal sa gilid ng kanyang kanang mata. Kapag nagkakatagpo nga 'yung paningin namin sa ere, naiilang nga ako. Ang fluffy niya kasi talaga. 'Yung lip shiner lang talaga ang panira! Tipong nasa malayo ka pa lang, alam mo na siya 'yun dahil sa kintab ng maninipis niyang labi. Nakaka-disappoint no?

Pero alam niyo kung ano 'yung mas nagustuhan ko sa kanya? Ay 'wag na. Hahaha. Pero sige, sasabihin ko pa rin! Uhm, nagustuhan ko sa kanya e 'yug the way siya manamit. 'Yung tipong ang linis-linis niyang tignan at kahit ni isang gusot sa damit niya e wala ka talagang makita? Tapos kapag gabi, e parang nagliliwang siya dahil sa kulay ng mga damit niya. Mahilig kasi siya sa skyblue, pink na maputla, light cacky, light green! Basta mahilig siya sa pastel colors! Except sa lipshiner. Haay. Gusto niya talaga 'yung nag-sha-shine 'yung lips niya e.

Tapos isa pang nagustuhan ko sa kanya e 'yung kakaibang perfume niya!

Alam niyo ba kung ano ang perfume niya?

Hihihi.

Ang perfume ni Niko ay Alcohol. 'Yung nilalagay sa sugat? Hindi siya gumagamit ng branded na pabango! Alcohol lang talaga! Kapag nga may naamoy akong alcohol, alam kung siya na 'yun e. Weird no? Minsan nga napagkakamalan siyang nurse e. Amoy alcohol kasi.

Pinanuod ko lang si Niko na mamili ng mga gamit. Ang cute niya kasi kapag nagsasalita siya ng mag-isa e habang sinusuri niya 'yung mga tindang products.

While namimili siya ng mga gamit, naalala ko bigla 'yung nangyari sa elevator. Nakayakap lang siya sa'kin nun the whole time. Halos hindi nga ako makahinga e. Nararamdaman ko rin 'yung muscles niya na sobrang tigas. Tapos 'yung mukha ko, nakabaon lang sa chest niya. Doon ko nga na-realize na mas malaki pa pala 'yung boobs niya sa'kin. 'Yung akin kasi, parang pader lang. Plane.

At wait? May nakalimutan pala ako gusto ko kay Niko.

Uhmm.

Ang pinakagusto ko kay Niko e 'yung pagiging masipag niya. Hindi siya ganoon ka talino pero ang sipag-sipag niya talaga. Pakiramdam ko nga, pag naging asawa ko siya, hindi ako magugutom e.

"How about this?" tanong sa'kin ni Niko sabay pakita ng milk bottle.

"Ha?" 'Yun lang 'yung nasabi ko sa kanya. May nakita kasi akong dalawang taong nakaitim sa labas ng baby's section. Parang ang familiar lang kasi nila? Parang nakita ko na sila? Wait? Hindi kaya sila 'yung---

"Girl, lutang ka na naman," sabi ni Niko sa'kin tapos bigla naman akong kinabahan nang makita ko 'yung dalawang naka-itim na lalaki na pumasok na talaga dito sa may baby's section. Panong!

"N-niko, u-uwi na tayo," kinakabahang sabi ko kay Niko sabay hila sa laylayan ng shirt niya.

"Ano? Wit! Di ko gets? Ba't mo ba aketch minamadaling umuwi? Mamimili nga tayo ng mga gamit ni Baby 'di ba?"

"Please, Niko, uwi na tayo!" halos umiiyak ko ng sabi kay Niko!

"Wait nga girl? Ba't ka nagkakaganyan? May nakita ka bang multo? May humahabol ba sa'yo?" tanong ni Niko. Mag-e-explain pa sana ako kaso hindi ko nagawa nang may biglang sumigaw sa may likuran ko. "Ayun siya!"

"Takbo Niko! Aaah!" sigaw ko.

***
ON VOICE: JOEYJMAKATHANGISIP

"Ayun siya pre!" sigaw ng isang lalaking may bigote sabay takbo papasok ng baby's section. Natulala naman ang guard sa nangyayari. OJT lang kasi ito at medyo hindi pa alam ang gagawin.

"Takbo Niko! Aaaa!" sigaw ni Cheesy sabay takbo kasama si Niko. Hindi mahinuha ni Niko kung bakit sila tumatakbo ngayon ni Cheesy. Clueless ni Niko, pero feel niya ring tumakbo.

Kinalaunan, nung naramdaman niyang hinihingal na si Cheesy e agad niya itong kinarga. Tipong parang bagong kasal. Namula naman si Cheesy!

Gulong-gulo na ngayon ang buong Baby's section. 'Yung mga shoppers, sigaw na ng sigaw habang nag-uunahang sa paglabas. 'Yung iba, natanggalan pa ng panty. Jusmeyo.

"Pre? Bakit ba kasi hibahabol ang babaeng 'yun!" bulyaw naman ng humahabol kay Cheesy at Niko.

"Pre! Siya 'yung umutang sa'tin ng 230,000 pesos pre!"

"Ano? E g-go pala 'yung babaeng 'yun pre!"

"Oo pre! Lagpas na sa due date 'yung utang niya!"

"Bilisan pa natin pre!"

Hinabol ng hinabol ng dalawang goons si Niko at Cheesy pero dahil sa dami ng tao dito sa loob ng mall ay hindi na nila naabutan pa ang dalawa.

"Lagot talaga sa'kin ang babaeng 'yun! Humanda siya!"

***

"Niko! Bilisan mo pa!" sigaw ko habang buhat-buhat ako ni Niko ngayon. Nasa labas na kami ng mall pero tumatakbo pa rin siya ngayon.

"Ha!" Napahinto si Niko sa may side lines. Hingal na hingal siya at pawis na pawis.

"Ibaba mo na ako Niko," mahinahon at mahinhin kong utos ko sa kanya at marahan naman niya akong binaba.

Kumuha ako ng tissue sa bagpack ko tapos pinahiran ko 'yung pawis niya. Natulala naman siya sa ginawa ko.

"S-sorry, naging clingy ako," utal kong sabi sabay yuko bilang paghingi ng paumanhin. Kanina, hindi naman niya talaga obligasyon na buhatin ako pero ginawa pa rin niya. Nahihiya tuloy ako.

Habang dumadaan 'yung mga truck sa gilid namin ni Niko e bigla siyang nagsalita sa galit na tono, "Bakit ka ba nila hinahabol ha?" sigaw niya na may kaonting hingal pa rin.

Napayuko naman ako at parang bata na napa-pout. Kailangan niya ba talaga akong sigawan? Naiiyak tuloy ako.

"Oh? Iiyak ka? Alam mo Cheesy, nakapa-childish mo talaga e. Tinatanong lang naman kita!"

Sumagot ako sa pinakamahinhin na paraan, "E puwede mo naman kasi akong tanungin ng mahinahon e. Hindi mo naman kailangan sumigaw." Tapos naiyak na lang ako.

"Oo na! Hindi na ako sisigaw!" pasigaw niyang sabi. Ano daw? Hindi raw sisigaw tapos sumigaw naman pala.

"Ewan ko sa'yo," tapos tumalikod ako. Pagtalikod ko, bigla akong kinabahan.

Tama bang sabihin ko kay Niko na nung humabol sa'kin kanina e 'yung mga inutangan ko ng pera para makapunta kami ng Palawan?

Na hindi totoong nanalo ako ng trip to Palawan? Na sinadya kong umutang ng pera para makasama ko siya?

Maya-maya pa, napahinto ako sa paglalakad nang biglang nagsalita si Niko mula sa likuran ko.

"Cheesy, I'm starting to build a strong trust towards you. Sana hindi mo gibain," he said at nakaramdam na lang ako ng kirot sa puso ko.

"Niko." Garalgal ang boses ko at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga nakaambang luha ko noong hinarap ko siya.  Akala ko, mapipigilan ko pa siya ngunit sa pagharap ko ay nagsimula na ulit siyang maglakad.

Bumuhos iyong luha ko habang pinapanood ko siyang lumalayo.


When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon