KABANATA 79: THE GAME SHE CAN'T PLAY ALONE

2K 93 8
                                    

KABANATA 79: THE GAME SHE CAN'T PLAY ALONE



ON VOICE: FEAR



Gabi na. Maingay na rin masyado 'yung mga kulisap sa paligid. 'Yung simoy ng hangin, malamig na rin tapos 'yung tunog ng mga hampas ng alon, medyo malakas na.



Kasalukuyan kaming kumakain dito sa may dining shed ngayon. 'Yung dining shed na 'to, para siyang floating cottage. Nasa may dagat siya. Gutom na rin kasi kami at hindi na namin kayang hintayin pa si Babyloves. Mukhang matatagalan pa yata 'yun e.



"Baby ano ba! Bakit mo ba kinakain 'yung kutsara!" inis na sabi ko kay Baby Kevin. Kinakain niya talaga 'yung kutsara e.



"Baby, sabi ng---" Pinalo ko ng very-very light si Baby Kevin sa may bunganga niya at dahil sensitive itong anak ko, bigla siyang ngumawa.



"Tsk. Ikaw kasi Baby e, ang kulit-kulit mo e, sinabi ng huwag kainin ang kutsara, nginunguya mo talaga," sabi ko sabay hele sa kanya. "Aribundin-bunding, hindi na iiyak sa baby. Ohhh. Sorry baby," pakanta-katang sabi ko sa kanya.



Pinagtinginan naman ako ng Five Fingers, 'yung tipong tingin na medyo awkward.



"Tinitingin-tingin niyong mga kumag kayo?" sabi ko sa kanila. Kainis e. Kanina kasi, nalaman kong ako na lang pala ang hindi nakaka-alam na buntis si Cheesy. Nakakainis talaga.



Yumuko sila nung sinigawan ko sila.



"At bakit hindi kayo makatitig? Nakokonsenysa ka'yo?" natawa ako in a very sarcastic way, "Tignan niyo 'ko! Tignan iyo ako, ano ba? Isa...." pagsisimula kong magbilang pero hindi pa rin nila ako tinitignan, "Kung hindi niyo ako titignan, gigilitan ko kayo ng leeg. Dalawa," pagbabadya ko sa kanila at with synchronization and choreography, sabay-sabay nila akong tinignan.



"So? Kita niyo ako? May dala-dala akong bata? Umiiyak diba? Ganito kahirap maging nanay. Ubos na ubos ang pasensya at kapag sinaktan mo 'yung bata, magtatampo pa 'to sa'yo. Pero wala pa 'to sa kabuuan. Nung unang buwan na matapos kong isilang si Baby Kevin, isang buwan kaming walang tulog ni Heaven. Mahirap maging magulang! Mahirap maging nanay! Mahirap maging nanay, kaya ikaw Niko, Cheesy?" tinignan ko si Niko at Cheesy, "Naisip niyo ba ang mga sinabi ko bago kayo parehong humiga sa kama?"



"Fear, nakikinig si Baby Kevin," sabat ni Darryle.



"Tumahimik ka, isa ka pang mukhang kama!" sabi ko sa kanya at natameme naman siya. "Dre, shut up ka na lang, puwede?" sabi ni Kei.



"So kailan kayo magpapakasal?" tanong ko kay Niko at Cheesy na siyang naging dahilan upang mabilaukan silang pareho.



"Kasal? Agad-agad? Ang bilis naman ata nun girl," sabi ni Niko.



"Anong agad agad? Malamang agad-agad!" bulalas ko kay Niko, ibinigay ko muna si Baby Kevin kay Lukrecia at dinuro-duro ko si Niko, "E nung binutasan mo si Cheesy? Hindi ba agad-agad 'yun?" labas nga-ngala kong sigaw kay Niko.



"Fear, stop it. Nakikinig si Baby Kevin," sita naman ni Edison.



"Isa ka pa!" turo ko sa kay Edison, "Isa pa kayong lahat!" dagdag ko.



"Ma'am, hindi po sila isa. Apat po sila. Si Edison, si Kei, si Darryle, si Niko at Cheesy, ay lima pala ma'am?" pag-eepal ni Boknoy. Nainis ako kaya minudmud ko 'yung nguso niya sa sahig.



Binalik ko 'yung tingin ko sa kanilang lima, "Alam niyo naman pala sa umpisang may nangyari na kay Niko at Cheesy tapos ano? Ha? Sinekreto niyo lang sa'kin, ginawa ko 'yung tanga!" sabi ko sa kanila habang dumadapo 'yung mga kanin na nanggaling sa bibig ko papunta sa mukha nila.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon