KABANATA 57: BEAUTIFUL

2.9K 130 9
                                    

KABANATA 57: BEAUTIFUL




ON VOICE: FEAR




Kinabukasan, pagkatapos ng klase ni Baby Kevin pinasyal ko siya sa mall dahil gusto niya raw ulit makita iyong pink dress ng manikin. Buong akala kong gusto niya lang makita iyon pero laking gulat ko ng gusto niyang ipabili iyong damit. Tinanong ko kung aanhin niya, sabi niya susuotin niya raw. Pinangako kong hindi ko na ipagbabawal sa kanya ang hotdog dahil masama ito sa katawan at may green meaning ito pero iyong pink dress? Parang hindi na talaga pwede kaya ang ginawa ko, pinaintindi ko sa kanya na hindi siya dapat magsuot ng ganun kasi pambabae 'yun. Pero dahil labag sa loob ni Baby Kevin ang sinabi ko sa kanya, naglupasay siya sa loob ng mall habang iyak lang ng iyak. Gumulong-gulong siya sa tiles kaya gumulong-gulong din ako para its a tie.



Kinapalan ko iyong mukha ko at pinilit kong pinakalma si Baby Kevin sa pinakamahinanong paraan kahit pa pinagtitinginan na kami ng mga tao na tila ba ang tingin nila sa'kin ay napakasama ko ng ina dahil hindi ko mapatahan si Baby Kevin.



Dahil hindi na siya maawat, kinarga ko siya palbas na kami ng mall Baby Kevin. At kahit nasa loob na kami ng taxi ay iyak lang siya ng iyak.



"Daddy!" umiiyak na sigaw ni Baby Kevs habang parang lava na tumutulo 'yong sipon niya. Kulay yellow. Bet yata niya ang Liberal Party. Nandito na kami sa bahay ngayon. Kakauwi lang namin ni Baby Kevin at mukhang badtrip pa rin siya kasi nga hindi ko gi-nrant 'yung wish n'yang pink dress.



Na-gi-guilty tuloy ako. E pa'no naman kasi? Pangbabae 'yung gusto n'ya! At dress pa talaga! Ang hirap talaga maging mommy e. Kapag hindi mo na-grant 'yung gusto ng anak mo, masasaktan ka ng todo-todo. Nandiyan 'yung mga thoughts na baka mainis siya sa'yo o baka magtanim siya ng galit. Pero wala ka namang magawa kasi hindi mo naman puwedeng gawin 'yung gusto niya kasi hindi naman 'yun ang tama. At kung papangaralan mo siya, mas lalo pa siyang maiinis sa'yo.



"Ano bang nangyari dito?" tanong ni Heaven sa'kin sabay karga sa umiiyak na anak namin.



He kissed me.



In my cheeks.



Natulala ako. Parang may dumaloy na kuryente sa falupian tubes ko.



Ki-nompose ko ang sarili ko mula sa pagkakatulala at maya-maya pa ay sumagot ako, "Kasi Heaven, gusto n'yang bilhin ko 'yung pink na dress."



Tinignan niya ako sa mga mata ko.



Namula naman ako. Iba parin mga titig n'ya e.



"Then? Why you didn't buy it?" medyo badtip na tanong niya.



Umusok ilong ko. "Heaven, ano ka ba? Lalaki 'yung anak natin? Anong gusto mo? Ibili ko siya nun tapos gawin ko siyang barbie?" medyo naiinis na tanong ko sa kanya tapos inirapan niya lang ako. Gwapong tao, nang-iirap!



I tried to control my temper kasi pangako ko kay Baby Kevin na hindi kami mag-aaway pero nakakainis kasi si Heaven e. Ang hilig mang-spoil. Minsan, gusto ko siyang sigawan dahil sa inis pero hindi ko ginagawa since nandiyan si baby Kevin. Gusto ko siyang lumaki ng matino kaya ayaw kong ipakita sa kanya ang mga maling gawain.



Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko na nagawa nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko na siyang ikinamula ko. Karga-karga niya ang tulog ng si Baby Kevin.



"Shhh. He's sleeping," sabi niya at pareho na kaming pumasok sa kwarto. Inihiga ni Heaven si baby Kevin tapos humarap siya sa'kin.



Inayos ko 'yung buhok niya at binura 'yung pawis niya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon