KABANATA 63: MR. JAMESON LIKES YOU

2.3K 98 2
                                    

KABANATA 63: MR. JAMESON LIKES YOU



ON VOICE: FEAR



"Lukrecia, alam mo bang humalhal si Baby Kevin kanina na parang aso?" sabi ko kay Lukrecia. Nandito kami sa kusina ngayon. Nagluluto ng breakfast.



"Parang ganeto ma'am?" tanong ni Lukrecia tapos humalhal siya na parang aso. Nakalabas ang dila.



Weird ko siyang sinagot, "Oo ganyan nga. Bakit nagiging ganun si Baby Kevin? Nakagat ba siya ni Chicago?" tanong ko kay Lukrecia. Si Chicago, siya 'yung aso namin na nakalips-to-lips ko kagabi na kumakain din ng tae.



Ngumisi siya, "Ganyan pu talga si Bebi Kebin Ma'am kapag nakaketa ng gwapu, humahalhal na parang asu," sabi ni Lukrecia.



"Asu?" tanong ko sa kanya. Sumakit 'yung nguso ko. "Katulad na kutsi?" sabi ko sa kanya tapos natawa lang siya.



"Si Boknoy? Wala pa rin ba?" tanong ko habang naghehewa--esti--este, naghihiwa ng sibuyas.



"Nandiyan na pu ma'am kasu marameng sontuk sa mokha."



"Suntok? Bakit? Anong nangyari?"



"Kasi na-holdap pu daw siya kagabe, nung ewan niyo siya sa bar. Isumbong daw niya po kayo kay Ser Hebin," sabi ni Lukrecia at napaiyak na lang ako. Hindi ko naintidihan 'yung sinabi niya. Tissue please? #Nosebleed



Maya-maya pa, natapos na 'yung niluluto namin ni Lukrecia. Agad namin dinala 'yung mga niluto namin sa table.



Pagdating ko doon, nakita ko si Baby Kevin na humahalhal na parang aso sa harap ng guwapo naming bisita.



Napairap nalang ako. Kung sino 'tong bisita namin? Heh! Si Mr. Jameson lang naman.



"Hali ka na baby?" kinuha ko si Baby Kevin na nasa ilalim ng table na humahalhal sa harap ng paanan ni Mr. Jameson.



"Ouch!" Naumpog pa 'yung ulo ko.



"So, is that your wife?" tanong ni Mr. Jameson kay Babyloves tapos tinuro niya si Lukrecia.



Nagsalita si Heaven, "No, here's my wife. Nakita mo na siya last night and the other day 'di ba?" sabi ni Heaven tapos inakbayan niya ako. Magkatabi na kasi kami ngayon ni Heaven tapos nasa harap naman namin si Mr. Jameson.



"Fear? Tama ba?" tanong ni Mr. Jameson.



Naiirita akong ngumiti, "Oo hehehe."



Nagsalita bigla si Baby Kevin na karga-karga ko ngayon, "Mommy. Mr Jameson is so cute," sabi ni Baby Kevin na siyang ikinanganga ko.



"Thanks young man." Nginitian ni Mr. Jameson si Baby Kevin tapos humalhal ulit 'yung anak ko. Baby? Ano bang nangyayari sa'yo. Kailangan mo ba ng dextrose?



"Baby Kevin, mag-pray ka na," utos ni Heaven sa anak namin.



"Okay," sabi ni Baby Kevin tapos nag-pray na siya.



"Dear God, thanks for letting us wake up this morning. Thank you for all the blessings. Thank you for giving us a visitor who's so cute. Mehehe. Amen," sabi ni Baby Kevin tapos nagtawanan lang kaming lahat in a very awkward way.



Kumain na kaming lahat, dada lang ng dada si Mr. Jameson tungkol sa work nila ni Heaven. Hindi ko rin gets 'yung mga pinagsasabi nila. Pareho kasi silang internal auditor kaya medyo out of place ako. Pero naiintidihan ko naman 'yung iba. Ako kaya ang gumagawa ng financial statements ng parlor namin ni Cheesy! Huwag ka!



"'Huwag mo kaininin 'yung spoon baby, ano ba 'yan," sabi ko kay Baby Kevin. Sinusubuan ko kasi siya ngayon.



"Mommy, busog na ako," Sabi niya.



"Sige, uminum ka muna ng water,' sabi ko tapos inabot niya yung pitsel at ininum lahat ng laman. Pero siyempre, joke lang. Hehe. Kinuha ni Baby Kevin 'yung baso tska uminum.



"Mommy, baba na po ako," sabi niya at ibinaba ko na siya mula sa lap ko. Nakakandong kasi siya sa akin noong pinapakain ko siya. Lumapit na siya kay Lukrecia at nagpunta na sila sa salas. Manunuod sila ng Barbie. Nakakaiyak.



"You're son is so handsome pre, mana sa'yo," sabi ni Mr. Jameson.



"Sinabi mo pa." sabi ko naman at inirapan ko lang silang pareho ni Babyloves.



Magaling naman talaga ako makisama pero hindi talaga sa mga guwapong lalaki na friend nitong si Heaven. Nagseselos ako. Ewan ko ba pero 'di ba dapat ma-praning ako doon sa mga babaeng gustong magpa-anak sa kanya? Pero sa totoo lang, mas napa-praning talaga ako kapag may lumalapit sa kanyang good looking guy. Alam na e. Weird no? Para kasing nagkaka-spark iyong mga mata ni Heaven kapag nakakakita siya ng kapwa niya guwapo e.



"By the way, Babyloves, nanalo si Cheesy ng trip to Palawan, gusto niya tayong isama," sabi ko sa kanya while nakangiti ng bongga.



"Oh, sakto! Ipapadala rin kami ng company sa Palawan tomorrow,' sabi ni Mr. Jameson at napanganga na lang ako.



"Mr. Jameson is right, Chocogirl. I forgot to tell you that meron din kaming trip bukas sa Palawan," sabi niya.



"Kailan ba 'yung usable date ng trip to palawan ng tomboy mong bestfriend?" dagdag niya.



"B-bukas." medyo naiiyak kong sagot kay Heaven. Bakit ba kasi ang epal ng Mr. Jameson na 'yan? ( ToT)



Tinampal ni Mr. Jameson si Heaven in a 'KUMPARE' way, "Sakto pre! Kasama pamilya mo," sabi ni Mr. Jameson.



'Oo kasama pamilya namin Mr. Jameson, ikaw lang talaga ang epal!' naiiyak na sabi ko sa isip ko.



Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Mr. Jameson. Buti nalang talaga at umalis na siya kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.



"Are you jealous?" tanong niya.



Hindi ako nagsalita. Kunwaring naghugas na lang pingggan.



"Again?" tanong niya ulit!



"E bakit ba kasi ang close-close niyo?" sigaw ko. Sabog na ako.



Napakamot na lang siya ng buhok niya at kinuha yung mga kanin na dumikit sa mukha niya na galing sa bunganga ko, "Chocogirl, I already told you na workmate ko lang siya."



"Oo na! Workmate lang kayo! Pero sana next time, magdala ka ng kahit sinong workmate dito 'wag lang 'yung gwapo! Nakakairita kasi," abi ko tapos umalis na ako.



Noong nasa may kusina na ako ng bigla niya akong niyakap mula sa likod. Lord?



"You're funny," sabi niya. Nainis ako.



"Fear ang pangalan ko, hindi funny!" sabi ko sa kanya.



"You know Chocogirl dapat ako 'yung magselos e." sabi niya kumunot noo ko.



"Ha?" tanong ko.



"Do you know why Mr. Jameson came here?"



"B-bakit?"



"Because Mr. Jameson likes you."



NGANGA!




When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon