KABANATA 110: READY?

1.7K 70 4
                                    

KABANATA 110: READY?



"Ikaw ang crush ko."



Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng matinding nerbyos. Naninidig 'yung balahibo ko pero kahit ganun, nakakaramdam ako ng ligaya sa hindi ko malamang parte ng pagkatao ko.



Natutuwa ako na kinakabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon habang nakakulong ako sa bisig niya ngayon. Para akong hinihingal na ewan. Para akong kahoy na unti-unting nagliliyab, nagbabaga.



Ang lapit-lapit kasi ng mukha ni Heaven sa'kin. Parang natutunaw ako sa mga titig niya. Madiin ang mga tingin niya sa'kin. Nakakalula. Nakakaparalisa. Nahihirapan akong huminga. Nahihirapang magsalita.



Nakaawang lang 'yung bibig ko habang pinapakiramdam ang hininga niyang parang pumapaso sa balat ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko nang natitigan ang mga mata niyang 'to na kulay kayumanggi na tila ba mga pares ng hiyas na bato, pero gahit ganun, hindi pa rin ako magsasawang balik-balikan sa pagsulyap ang dalawang pares ng mga matang 'yun.



May kakaiba pa rin kasi akong nararamdaman kapag nakikita ko 'yun. Tuwa, saya, lungkot, hinagpis, takot. Lahat lahat na yata ng mga napagdaanan ko ay nakaukit na sa mga hiyas na iyon. Ang mga mga mata ni Heaven.



Aminado akong naakit pa rin ako sa mga mata niya, sa tindig niya, sa pabango niyang amoy strawberry, sa maugat ang maputi niyang mga kamay, sa pagsasalita niya at kahit sa paghinga niya. Nahuhulog pa rin ang puso ko kapag tinititigan niya ako at kapag tinititigan ko siya.



Para akong kinukumbulsyon ngayon. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko lalo pa't towel lang ang pansapin sa makisig niyang katawan ngayon. Alam kong hindi dapat ako mailang kasi mag-asawa naman kami 'di ba? Pero bakit ganito? Bakit nag-iinit ako? Bakit parang dinideleryo ako?



"Tulog na si Baby Kevin," nakangiti at pilyo niyang sabi. Noong nagsalita siya, kumawala ang mabango at amoy mint niyang hininga. Naamoy ko 'yun. Naramdaman kong tumama iyon sa leeg ko.



"T-tulog na?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya ngayon kaya 'yun na lang naibigkas ko. Tulog na? Baliw ka Fear! Sinabi ngang tulog na 'di ba? Adik lang?



"Oo." Matipid ang pagkakasagot niya pero naroroon pa rin ang kapilyuhan sa mga ngiti niya. Matagal na kaming magkasama ni Heaven kaya alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon.



"H-heaven, ano kasi..." Napahinto ako sa gitna ng pagsasalita ko nang bigla niyang hinaplos 'yung pisngi ko. Sa paghaplos niyang 'yun ay tila ba nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa balat ko. Kakaiba.



"Fear..." Nung tinawag niya ako sa sariling pangalan ko, bigla na akong kinabahan. Alam ko na kasi ang mga kasunod na tagpo ng senaryong ito. Alam na alam ko.



Ipinikit ko ang mga mata ko at maya-maya pa ay naramdaman ko na naman ulit ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko.



"Heaven, may mens ako," Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nakakahiya.



Bigla siyang napahinto. Kaonti na lang kasi sana talaga at lalapat na 'yung mga labi niya sa labi ko. Pero hindi talaga puwede kasi baka hindi na namin mapigilan.



"Okay." Natawa siya at maya-maya nagsalita ulit ang loko, "Pero wala namang regla 'tong mga labi mo 'di ba?"



Aminado ako. Oo aminado akong muntikan ng mapunit 'yung labi ko dahil sa biglang pagngiti bilang reaksyon sa sinabi niya. Aminado akong natawa ako at kinilig. Biglang bumungisngis ang mukha ko.



"Sira ka talaga!" sabi ko sa kanya sabay tampal ng biceps niya.



"Just one kiss Fear, just one."



"S-sige." Ang awkward ng pagkakasabi ko sa kanya. I mean, para kasing kailangan niya pang humingi ng permiso na halikan ako. E ang totoo, he owns me. I am owned by a Chavez.



Naramdaman ko ulit ang hininga niya. Hinintay kong lumapat ang labing 'yun pero maya-maya pa...



"Mommy! May letter po pala si Teacher Boompa, nakalimutan kong ibigay sa'yoooo!"



Biglang natawa si Heaven kaya natawa na rin ako sa biglaang pagsulpot ni Baby Kevin. Bad timing. Palagi na lang.



"I'll just take a shower," sabi niya at napakagat na lang ako ng labi habang nagpipigil na matawa.



"Later we'll do it," bulong niya sa'kin bago siya umalis at natawa na lang ulit ako. Ano ba! Jusko naman Heaven? Bakit ka ba ganyan magpakilig? Bwesit.



"Baby, akala ko ba tulog ka na?" nilapitan ko siya at kinarga.



Sumimangot siya, "Hindi po ba obvious na gising ako?"



Natawa ako, "Okay, sorry po," sabi ko kay Baby Kevin at kinarga ko na lang siya papunta roon sa mini-office ng Daddy niya na katabi lang ng kuwarto namin.



Pagdating namin doon, tanong lang siya ng tanong sa'kin tungkol kay Hell. Sinabi ko naman lahat sa kanya at wala akong tinago kahit isa. Inamin ko sa kanya na first boyfriend ko si Hell at second boyfriend ko naman ang Daddy niya. Nainis siya kasi bakit ko raw sinagot 'yung Hell na 'yun pero pinaintindi ko sa kanya na kahit second boyfriend ko ang Daddy Babyloves niya, e ito naman ang last ko.



"Mommy, nabasa mo na?" tanong ni Baby Kevs habang nag-co-compute ako ng gross profit ng Salon namin ni Cheesy. Taray no? Kahit hindi ako magaling sa math, ngayon nag-ko-compute na ako.



Kinuha ko naman agad 'yung letter sa maliit na kamay ni Baby Kevs at mabusisi 'yung binasa, "PTA meeting?" sabi ko sa sarili ko matapos kong basahin 'yung letter.



"Baby, bukas na ba 'to?" tanong ko sa kanya.



"Ewan ko sa'yo mommy, e 'di ba ikaw ang nagbasa?" tanong niya.



"Oo nga naman," sabi ko kay Baby Kevs. Napakamabuting bata talaga 'tong anak ko. Hindi siya pilosopo, infairness.



Napangiti naman ako habang nakatingin sa chandelier ng mini-office. Grabe! Ang bilis lang kasi ng panahon. Dati-rati, ako pa 'yung nagbibigay ng PTA Meeting Letter kay Mamang para makapunta siya sa meeting, pero ngayon ako na ang binibigyan ng letter ng anak ko. Haay. Pakiramdam ko, tumatanda na ako.



Dati rin, naalala ko pa talaga 'yung sinusulat ng teacher ang letter sa blackboard para kopyahin naming mga estudyante. Sa public school kasi ako nag-aaral noong elementary at highschool at hindi pa uso ang printed documents noon kasi mahal pa ang cost ng printing. Before kasi mangyari ang PTA meeting, kokopyain pa namin sa likod ng mga notebook namin 'yung letter na isinulat ng teacher namin sa blackboard. Tapos naalala ko pa dati na iyak ako ng iyak kasi nawala 'yung letter ko. Pinunit pala ni Papang at ginawa niyang tissue sa pwet niya. Haay. Memories.



Nung nadatnan kong tulog na si Baby Kevin, inihiga ko siya sa may Baby Bed dito sa loob ng mini-office ni Heaven. Nung nakahiga ng matiwasay si Baby Kevin, bumalik ako sa kabilang kuwarto at pagdating ko dun, sakto namang natapos na sa pagligo si Heaven.



"Ready?" sabi niya at napahagikhik na lang ako.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon