KABANATA 95: GOODBYE, BABY.

2.1K 73 10
                                    

KABANATA 95: GOODBYE, BABY.



ON VOICE: CHEESY


"Ang ingay naman nila Fear," sabi ko sa sarili ko habang nagsisipilyo. Dinig kasi iyong ginagawa nila ni Heaven sa buong beachside house.



Nung sa bus ako kanina, kung anu-ano na lang ang pumasok sha iship ko habang tinitignan ko 'yung mga building na dinadaanan ng bus. Minshan naiiyak ako, minsan natatawa. Baliw na yata ako e.



Tapos nung bababa na sana ako, nakalimutan kong wala pala akong dalang pera. Ayaw nga akong pababain ng kondoktor e pero mabuti nalang at may isang concern na lola na binyaran 'yung pamasahe ko.



Pagdating ko naman sa beach house, nakita kong nandun na rin pala si Niko. Muntikan pa kaming magkasabay sa pagpasok. Buti na lang at nauna ako.



"I want to sleep here," sabi ni Niko sabay turo sa kamang malambot. Kakatapos ko lang mag-toothbrush.



Malungkot akong napatingin sa kama. "Pa'no ako?" tanong ko sa kanya.



"Sleep on the floor," sabi niya.



Ayaw ko na sanang mag-comment pero pakiramdam ko sobra na siya, "Niko, bakit ganyan?" tanong ko sa kanya.



"Whatever," sabi niya.



Gusto ko pa sanang magdagdag ng sasabihin ko sa wala rin namang saysay king makikipagtalo pa ako sa kanya. Alam ko rin naman ang dahilan. Alam kong naiinis siya sa'kin.



Kumuha ako ng kumot at inilatag ko sa malamig na tiles. Kumuha rin ako ng unan at humiga na.



Pinilit kong ipikit 'yung mga mata ko para makatulog na pero kahit anong gawin ko, hindi ako dinadalaw ng antok.



Hinawakan ko 'yung tiyan ko at nilagyan ko ng kumot. Hindi ko namalayan, naiyak na pala ako. Haay. Grabe! Ilang beses ba dapat akong umiyak? Feeling ko tuloy, nakakaawa na ako.



"Goodnight," sabi ko kay Niko pero hindi siya umimik. Alam kong hati kami sa obligasyon namin sa baby pero sana 'wag naman niyang iparamdam sa'kin na wala akong kwenta. Kasi kahit hindi niya pinapahalata, ramdam na ramdam kong ayaw niya sa'kin. Kung nasa matinong pag-iisip siya, sana hindi niya ako pinatulog dito sa malamig na tiles.



"I'm sorry Cheesy," sabi ni Niko na mas nagpa-iyak sa'kin. "Dito ka na," sabi niya at umalis na siya sa kama sabay alis ng kuwarto.



Hindi ako gumalaw. Tahimik lang akong umiyak hanggang sa 'di ko na namalayan nakatulog na ako.



'I'm sorry Baby.' sabi ko sa Baby ko at naiyak nalang sa pinakahuling pagkakataon.



Nakapag-decide na ako.



Bukas... pupunta ako sa isang manggagamot.



Ipapalaglag ko ang baby. :'(


***



ON VOICE: FEAR



"Good Morning."



Hindi ko pa tuluyang nadidilat ang mga mata ko ay naramdaman ko ng may lumapat na labi sa mga noo ko. It was him. It was my hot and sexy Babyloves.



Medyo napapikit ako saglit sa kadahilanang nakadampi sa mga mata ko ang iilang hibla ng sinag ng araw. Marahan kong ibinuka ang mga mata ko at nang malinaw ko na siyang nakita sa harapan ko ay nginitian ko siya, "Same to you," sabi ko sa kanya at nangisay na lang ako kasi medyo kinilig ako sa ginawa niyang paghalik sa noo ko partida pang ang cute cute niya pa rin kahit kakagising lang niya. Nakaka-inggit talaga! Kahit kakagising niya lang, amoy strawberry pa rin siya! E ako? Jusko! Amoy bagoong. Tapos ang baho baho pa nung tumigas kong laway sa gilid ng pisngi ko na parang mapa na Pilipinas ang dating.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon