Chapter 5

44 1 0
                                    

DERiC's POV

Yes! Tanggap kami ni Josh. Hulaan nyo kung ano trabaho namin dun? Sa isang click lang naging isa kaming Engineer. Ang position namin dun ay isang Sanitary Engineer. Ang sarap pakinggan no? Hahaha =)))

@Sa Bahay Ni LOLA

"Andito na po ako Nay."

Iniwan ko yung mga dala kong gamit sa De kawayang upuan.

"Oh Anjan ka na pala Hijo. Kumaen ka na?

Kaya love na love ko si Nanay Stella ang napaka Maasikaso :)

"Hm Opo Nay, tapos na po ako. Napag desisyunan po kasi ni Josh na kumaen na lang kami sa karinderya."

Naghiwalay na kami ni Josh pagkatapos naming kumain kanina. Sabi nya sabay daw kami ulit bukas. Ibig sabihin mauulit na naman ang habang-buhay kong paghihintay sa kanya ://

"Ganon ba? Kamusta pala yung lakad nyo kanina?"

Umupo si Nanay at kinuha yung ginaganchilyo nyang damit.

"Yun po di naman kami nahirapan, bukas nga po magsisimula na kami eh."

"Talaga ba Hijo? Ano bang trabaho iyan?"

"Janitor po :)"

Buong pagmamalaki ko kay Lola.

"Aba mahusay, sanay ka na rin naman jan kaya mamaniin mo lang ang paglilinis. Haha =)"

"Oonga po eh. Excited na ko Nay."

Hindi ako Excited magsimula sa trabaho, excited ako kasi makikita ko na naman si Goddess. =D =D Ang Saya!

"Aba at abot tenga yang ngiti mong bata ka. May maganda bang nangyari?"

Natatawang sabi ni Nanay habang pinagmamasdan ako.

"Nay naman eh" :)" Pagbibiro ko sakanya.

"Osya't maghilamos ka na para makapagpahinga kana, tignan mo't nawala ang kagwapuhan mo!"

"Osige na nga po"

Hinalikan ko sa Noo si Nanay at Niyakap pagkatapos umakyat na ko para makapag palit at makapagpahinga na rin.

Syett!! Pagpumipikit ako nakikita ko ang mukha ni Goddess. Paker talaga!! Ang Ganda nya.

Ang amo ng Mukha nya :)) Siguro mabait sya? Pang Goddess talaga. Ano kayang pangalan nya? Tsk, kesa tinatanong ko sarili ko, bukas na bukas pag nakadaupang palad ko sya itatanong ko talaga pangalan nya.

--

Kinabukasan maaga akong gumising. Ganon din si Nanay Stella, pero di na ko nag agahan sa bahay. Maaga kaming umalis sa bahay ni Josh, buti na lang naisipan nyang sunduin ako.

Same movement, Same Position, Same lahat, HAHAHAHA. Grabe naisip ko kung araw araw pala kaming ganito ni Josh talo ako, yung sweldo ko mapupunta lang sa pamasahe. Di pamo pwede, kailangan kong mag ipon ang lapit na pamo ng Christmas.

"Uy Dre, ang lalim ata ng iniisip mo?"

Adik talaga tong lalaking to, nag iimagine ako tapos bigla nyang sinira.

"Mababaw lang to. Ay pare may tanong ako sayo."

Bigla kong naisip, kaya humarap ako kay Josh habang nakaupo kami sa bandang gitna sa bus.

"Ano yun? Wag lang Math :D"

"Oo naman. HAHA! Pare di ba mejo matagal ka na sa P.U?"

"Yapp. Pero kung itatanong mo sakin kung anong pangalan nung babaeng nakaupo sa Bench..."

Di ko na pinatuloy yung pagsasalita nya, bigla akong humirit.

"Owyeah! Kilala mo sya pre?"

Nabuhay dugo ko. Malalaman ko na din pangalan nya. MaA-add ko na rin sya sa facebook.

Grabe naman kayo Guys. May facebook ako no =) Kahit mahirap lang kami di naman ako ignorante. Kayo talaga. :))) Add ko pa kayo eh?! HEHE \m/

"Aynakow, di pa nga ako tapos eh. Di ko kilala yun no!? Sa Hitsura Oo, pero yung pagkatao Hindi. Palagay mo sakin Updated ako sa mga tao dun?"

ihh. Mesira ku tula. Di rin nya pala kilala. Badtrip naman oh!

"Ay ganon? Kaines ka naman"

Malungkot ako :(( Humarap na lang ako sa bintana pinagmamasdan yung bukid sa highway.

"Osige para sayo ipagtatanong ko"

"Talaga?"

Nabuhayan ako sa sinabi nya. Humarap ako sakanya sabay hawak sa balikat ng mokong na to.

"Oo, alam mo naman Love kita eh."

"Yuck! Kadiri ka pre"

Ay sira talaga to. Ano anong pinagsasabi. Hahaha =)) Pero thanks sakanya.Ü

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon