Eleven Point Six *11.6

34 0 0
                                    

"Grabe ka naman kung makapagsalita Sophie Montecarlo."

"And So Faye Alonzo? Gusto mo lang yung Deric na yon e."

Nakaupo na kami pero hindi parin kami tapos magtalo.

"ihh ano ba!"

"Sus. Akala mo ha? Ito lang masasabi ko sissie, YUCk ang taste mo."

"Gwapo naman sya eh. Kung may tiyaga sya malay mo in the near future yumaman sya. Oha? Maiinggit ka lang."

"I dont care. May denmark na ko kaya di ko sya kailangan."

Magulo at maingay sa loob. May kanya kanyang mundo ang mga Flip kong classmate. May 15Minutes pa kasi bago magStart ang Math lesson namin.

"Denmark, oh nasan na yang Denmark mo aber??!"

Di ako agad nakasagot sa tanong ni Faye, mejo naguluhan kasi ako. Nasan nga ba si Beyb? Sobranggg tagal ko na syang di nakakasama. Kung tatawagan ko naman Out of Coverage, sa text naman di nagrereply. Pupuntahan sa kanila may pinuntahan daw. Nakalimutan ko na Taken nga pala ako, pero ngayon parang wala na. Ang lamig na rin nya sakin. Lagi syang balisa, basta... Di ko maExplain eh.

"Busy po kasi sya." sabi ko na lang kahit ang totoo wala ng nangyayaring transaction samin sa mga nakaraang araw.

"Oo nga pala sissie, nag penback yung savior mo?"

Naalala ko bigla na may penmate nga pala ako. Sinilip ko yung armchair ko, pero walang paper na nakadikit.

"Di nagreply? Sulatan mo kaya? Baka nakalimutan lang."

Di na ko sumagot pa kay Faye. Nagsulat ako para sa penmate ko.

--Hello! Hey bakit hindi ka na nagPenback? Gusto sana kitang makilala eh. Hindi naman sa nakikipag Friend slash Close ako sayo, As if naman! Gusto ko lang malaman kung Boy ka ba or Girl? If you don't mind. Thnnx!

Dumating na ang prof namin kaya minabuti ko munang makinig tapos kong maidikit sa ilalam ng arm chair ko yung sulat.

................................................................................................

#BREAkTiME xx @CANTEEN

"Hi Ayna! Pahingi ako nito." turo ni Faye sa special cheese macaroni.

"Ah sige po Ms.Faye."

"Kulit mo Ayna, you can call me Faye. K?"

"Osige Ate Faye."

"Okay na sana kaso may Ate pa e. Oh well magalang ka talaga. Haha!"

Hindi pa rin ako nagsasalita hanggang naka upo na kami ni Faye.

"May problema ba sissie?"

Tanong sakin ni Faye, nakahalata na ata.

"Alam mo sis, ang plastik mo no?"

Daretsyahan ko talagang sinabi sakanya yon.

"Huh? Di kita Ma-Gets."

"Yung Ayna at Josh ba yon? Ay basta kung sino man sila... Talaga bang FRIEND ang turing mo sakanila? O sadyang isang way rin sila para mapalapit ka kay Deric dahil Friends nya yung mga yon??"

"Next Question please? Okay... ganito kasi yan... Alam mo na naLove at first sight ako kay Deric at alam mo yung feeling na napapalapit ka rin sa mga ka-close ng taong gusto mo?"

"Aaminin ko sis gwapo si Deric, at kung di sya mahirap at janitor dito sa P.U may chance na magkagusto rin ako sakanya. Pero di mo na ba naisip ang reputasyon ng family nyo?"

"Alam mo di kita maintindihan Sis. Hindi naman killer, holdaper, snatcher si Deric di ba? Marangal ang trabaho nya at wala syang ginagawang masama para masira ang image ng Alonzo."

Wala... Talo ako.. Tapos na ang usapan. Panalo pa rin si Faye.

"Kung ganyan ka pala kadesidido bakit hindi mo sabihin kay Deric na may gusto ka sakanya?"

"Oo sasabihin ko sakanya. Kumukuha lang ako ng tamang pagkakataon."

"Pag Che-cheer na lang kita. Makulit ka eh."

"Alam mo naman sis pag ako na inlove at kung ano pa man ang hadlang kinakalaban ko. At ikaw binabalaan na kita... Pag naInlove ka kay Deric kahit Bff pa kita hindi ako magdadalawang isip na awayin ka. I can be your worst enemy. Binabalaan na kita sis."

"Asa ka naman! Iyo na sya. Kainin mo ng buo."

Ang serious talaga nya. Wala akong laban dahil iba talaga si Faye pag na inlove. Wala syang pakialam kung ano man ang kahihinatnan.

"Mabuti na ring nagkakaintindihan tayo."

"Pakaintindi mo."

Kumain na si Faye, ako nawalan ng gana sa mga sinambit nya. Nag iba talaga sya.

"Sige kita na lang tayo mamaya sissie. Puntahan ko muna ang future boyfriend ko 3 days from now."

Nakangiting sabi nya. Kaya pala bumili sya ng Tropicana Juice at Piatos dahil ibibigay nya kay Deric. OHEMM!

"Go! Go ahead."

"Byee!"

Lumakad na sya palayo. Iniwan nya kong mag isa.. Pero buti na lang nakita ko si Erie at may kasama ako hanggang matapos ang break time namin.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon