Eleven Point Five *11.5

23 0 0
                                    

Hindi man kami nagkikibuan sa loob. Gusto ko man kausapin si Faye kaso di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

NagRing ang phone ni Faye at kinausap yung nasa kabilang linya. "Hello! I'm so sorry sissie kung di kita nasundo ha? May dinaanan kasi ako e, My New Friends. Later pakikilala kita sakanila."

Nagulat ako sa sinabi nya. Wow! Ganun kadaling naging kaibigan kami ni Faye na kabilang sa High-So?

Tumingin muna sakin si Faye bago sya nagpaalam sa kausap nya. Malaki ang suspetsya ko na si Goddess ang kausap nya. Lagi naman nyang dinadaanan si Goddess eh.

"Yesss sissie, Malapit na kami. Just stay tune, byee!"

"Sinong tumawag Faye?"

Biglang hirit ni Josh. Ako nga nahihiyang magtanong sakanya tapos si Josh walang alanganing tinanong. Hahahahahahah :)

"Si Sophie. Yung Friend ko."

"Ay oo nga pala! Naalala ko rin."

Tumingin bigla ako kay Josh dahil pumasok sa isip ko na baka sabihin nya na pinatanong ko dati yung pangalan ni Goddess.

Nagtaka si Faye pero binalin na lang nya ulit sa pagmamaneho.

NagMake Face ako kay Josh na wag na syang magsalita pa dahil baka madulas pa sya.

"Okay Deric!" Sagot ni Josh kahit wala naman akong sinabi sakanya.

Bago ako humarap sa wind shield tinignan ko muna si Ayna na mukhang di komportable na katabi si Josh. Sana magbati na sila dahil kung tutuusin bagay sila. Tamang-tama sa qualification na gusto ni Josh sa isang babae.

SOPHiE's POV

"WTF! Ginamit ni Daddy yung Driver ko?"

Inis na pasigaw na tanong ko sa isang katulong namin.

"Opo Ma'am."

"Pano ko papasok nyan?? Fvck talaga!"

Nakakainis talaga! Ginamit ng Daddy ko yung Driver ko, and anong feel nya?? May driver naman sya eh. Sshhh!!!

"Anjan po si Caloy Ma'am, gusto nyo po sya na lang yung magdaDrive para sainyo?"

"No. Wag na!"

Umalis na ko. Ayaw ko yung Caloy na yon dahil alam ko na hindi sya gagawa ng tama once na sya magdaDrive ng kotse ko.

No choice ako kaya nagTaxi na lang ako. Mejo malayo pa sa Parking lot nang magpababa na ko, ayaw ko ng padaretsuhin sa P.U dahil baka makita pa ko ng mga Evil na tao dun at gumawa pa ng Headlines.

Pinasobrahan ko na yung bayad ko sa dukhang driver na yon, di man lang sinabi sakin kung may sukli pa ko or what. Hooo! NagTe-Take Advantage sya. WhatEver! Sakanya na yon, abuloy ko na lang sa family nya.

Tinawagan ko si Faye, pero nagulat ako ng sagutin nya ang tawag at di pa man ako nakakapagsalita nagExplain na sya.

"Awww. New Friends? Don't tell me sinundo mo pa yung mga New Friends mo? OMG"

"Hey wait!" Pahabol na sabi ko, pagkatapos ko kasing magsalita bigla na lang syang sumagot at nagpaalam, binaba na nya agad ang call ko.

Ayokong maging BadVibes ang araw kong to kaya kahit kaPlastikan na Smile ginawa ko na sa mga nakakasalubungan kong kakilala.

Malapit na ko sa Hall way ng makita ko yung kotse ni Faye na nag park. Agad akong naglakad pabalik don para sabay na lang kaming pumasok sa room hindi dahil gusto kong makilala yung mga NEW FRiENDS nya.

"Hi Sis!" Bati sakin ni Faye, lumapit sya at nakipag beso-beso. Nagulat ako kung sino yung mga new friends nya ng lumabas sila sa kotse. YUCK talaga! Mga empleyado sa Prestigious ay Friend ni Faye? Mahihimatay ata ako dito! >,

"Sissie I want you to meet my New Friends. Ito si Ayna empleyado sa canteen, si Josh sa Library naman."

NagHi sila sakin pero ignore lang.

Tumigil muna sa pagpapakilala si Faye, humugot muna sya ng hininga at nilapitan yung lalaki. Nahilo ako ng hinawakan ni Faye ang malamang braso nung huling Friend nya. Ano bang nangyari sa Bff ko? Di kaya nilason nila?

"And Si Deric sissie, Janitor ng P.U"

"Lets go sissie, baka maLate na tayo. Math pa naman ang first subject natin."

Di na ko nagPaalam sa mga friends nya. Agad na kong naglakad palayo sakanila, pero si Faye andun parin at nagpapaalam sakanila.

"May problema ka ba sissie?"

Tanong ko sakanya nang mahabol nya ko sa paglalakad.

"Wala sissie. Kung iniisip mo na ginayuma nila ko? Malaking HINDI ang response ko sayo. Bat di mo kasing iTry makiBond sakanila, I'm surely mawawala ang stress mo."

"Ikaw na lang wag mo na kong idamay sa mga kabaduyan at kadiring adventures mo."

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon