Chapter 16

31 0 0
                                    

SOPHiE's POV

Bumalik si Deric na may dalang something, madilim banda sa kinauupuan ko at mejo malayo pa sya kaya hindi ko ma-Figure out kung ano na namang kadiring pagkain ang dala nya.

"Ito oh." Iniabot nya sakin ang isang paper plate na maliit with something 3 small things in it.

"Siomai ba to?" bobang tanong ko.

"Hindi bato yan. Obvious naman diba?" sarkastikong sabi nya. Umupo sya at sa bandang gilid ko may plastic din na baso.

"Ito pa, sayo yan." sabi nya na walang tingin-tingin sakin habang kumakain.

"Ano naman yan?" isa pang bobang tanong ko. Pasensya na ignorante muna ko ngayon. Minsan lang naman eh.

"Kumaen ka na nga lang! Dami mo pang tanong."

Tinignan ko sya ng masama sabay kagat sa Siomai DAW. Masarap naman pala kahit mejo maalat at maanghang.

Ang bilis nyang kumaen, natapos na sya sa Siomai DAW, nilalantakan naman nya ngayon yung Nasa plastic Cup. Ang bilis nya ha? Ako nga isang kagat palang nakakain ko dito sa Siomai DAW. Imbanesss!

"Fish ball to, kay? Oh ngayon alam mo na? Panget maging ignorante Hija." nahalata nya sigurong tinititigan ko sya kaya nagmala-Kuya Atienza sya.

"Ganun ba? Haha!" tumawa na lang ako, syempre pa-cute yon.

"Tikman mo." kinuha nya sa tabi ko yung Fish Ball DAW at sinubuan ako. Syempre ngumanga ako kasi trip ko lang. Wahahahahaha!!

"Hmmm, ma-masarap na-mannn pala eh" *ngumunguya*

Akala ko napano na sya kasi tinititigan nya ko habang ngumunguya. Nahihiya tuloy ako. Pangit ba ko habang ngumunguya? Wala bang salamin dyan?

Natigilan ako sa pag nguya ng papalapit sya sakin. Ano to??! Oh wait di ako prepared! =))))

"Para kang bata kumain."

"Ahhh, ehh... Hahahaha. Salamat!"

Pahiya ako dun, ang assumera ko kasi eh, may sauce lang pala sa labi ko. Wahahahaha!

"Tara na?" biglang sabi nya nang matapos na kong kumain.

"Saan naman tayo ngayon?" reklamo ko.

"Bibili ng pagkain." tumayo sya at nag-unat.

"Haa?" bago ako makapagsalita ulit may pumasok sa isip ko, Tsk! Ano na naman kayang pagkain yung bibilhin namin? Eh for me hindi naman mga pagkain yun eh. Ewwwwwww! "Hindi ka pa busog? Busog na ko eh, upo na lang tayo dito." pagpapalusot ko.

"Hindi pa" mabilis na sabi nya.

"Tsaka hindi naman mabigat sa tiyan yung bibilhin natin, kaya halika na! Huwag ka ng mag-inarte, bukas wala na to." dugtong nya. Wala na kong nagawa kasi hinila na nya ko papunta sa Ewan.

"Ang sarap no?" parang batang sabi nya habang dinidilaan yung Ice Cream. Kainis naman eh! Hindi ko naman alam kung malinis ba to or what!! Baka kung san san humawak yung tindero na yon! Tsk!

"Dilaan mo na yung sayo! Natutunaw na oh."

"Sige." I smiled sincerely. Deep inside ayaw ko na talaga. Ni ayaw ko ngang padapuin labi ko sa Unknown Ice Cream na to. Pero sarap na sarap sya kaya Let me try. Hahahahaha ;))

"Alam mo maswerte ka kasi nakakasama mo pa Daddy mo," pakli nya sa katahimikan. Bigla akong napatingin sakanya. Halos nag-iba sya ngayon nagseryoso ang mukha nya.

Hindi pa ko nakakapagsalita bigla na syang nagsalita.

"Pano ko ba naman makakasama magulang ko eh hindi ko nga sila kilala eh. Tanging si Lola lang ang laging nandyan para gumabay sakin. Sabi nga nya buhay pa raw yung Tatay ko, at andito sya ngayon sa Maynila. Baka sakaling magkita kami. Pero wala na sakin yun, hindi na ko umaasa pang magkita kami. Ni hindi nga nya ko hinanap eh." maluha-luhang kwento nya. Hindi ko akaling maglalabas ng ganitong galit sakin si Deric. I thought he's a kind of person na Happy Go Lucky. Pero hindi pala.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon