Ten Point Six *10.6

24 0 0
                                    

Nagtago ako para di makita nila Sir Mel at Denmark'Yabang. Di talaga ako makapaniwala na kaya pala iba timpla sakin ni Sir Mel ay magkakampi sila ni Denmark na sobrang ayaw sakin.

"Ngayon nalinawan nako."

Sabi ko lang sa sarili ko.

Sinilip ko ulit sila pero wala na kong nakita don. Nakaalis na ata sila, sana hindi nila ko nakita dahil baka ano pang mangyari sakin.Ü

"Teka ano ba bitawan mo ko! Nasasaktan ako eh."

Ano na naman yon? Hayyyst! Lagi na lang akong may naririnig at nasasaksihan na di magandang pangyayari!

"Si Ganda yun ha?"

Nagitla ko ng makita ko kung sino yung maingay na sumisigaw, si Ganda pala. Naaalala nyo ba yung nakabungguan ko na mabango tska maganda? Siya yung sumisigaw ngayon.

"Manihimik ka na lang pwede?!"

"Ano bang problema mo!? Nasasaktan ako eh! Tulong! Tulong!"

"Sige sumigaw ka lang as if naman may makakarinig sayo!"

Akala ko nag-aaway lang sila ng Boyfriend nya kaso humihingi na sya ng tulong. Anong gagawin ko?

Lumabas ako sa pinagtataguan ko para tulungan yung Miss.

"Bitawan mo sya! Di mo ba narinig na nasasaktan sya?"

Parang super hero na sabi ko sa panget na lalaki na nasa harap ko di kalayuan sakin. Kapal ng mukha neto para iharass yung magandang babae eh parang kalyo lang sya. Tsk!

"At sino ka namang pakilamero?"

"Ako si????"

Wala akong maisip na pangalan ng super hero. Hehehe! Sino nga ba ko?

"Ah wala ka na dun kung sino ko! Kaya pakawalan mo na sya."

"Eh kung sabihin kong ayaw ko?"

Makulit sya di naman halata. Ayy problemahin ko pa yan! Dami ko na ngang problema eh. Psh!

"Ganun ba? Osige bahala na kayo!"

Tumalikod na ko para puntahan ang winawalis ko pero may tumawag sakin.

"Oyy Janitor di mo ba ko tutulungan dito?"

Sigaw nya! Aba alam ko na janitor ako pero di naman tama na pangalandakan nya >:)))) Di nga ko nagpakilala sa kasama nyang panget eh, sya naman kung makaSigaw parang gusto pang magMic!! -__-

"Janitor ka lang pala dito eh. Wahahahahaha!"

Malakas na tawa ng panget na nilalang nato.(Ang sama ko talaga!) Di nya ba agad napansin yung uniform ko? Oh sadyang panget lang talaga sya? Aynakow :/

"Eh ano naman? Gwapo naman ako. Eh ikaw GWAPO ka ba, PO?"

Sinulyapan ko yung Miss na hinaharass ng panget nato, Tumatawa lang sya ng patago. Binalin ko uli yung pansin ko kay panget, mukhang napipikon na sya sa mga pinagsasabi ko.

"Osige na maglilinis pa PO ako, pakawalan mo na yang babae na yan at magsipasok na kayo sa mga klase nyo!"

"Sino ka ba para makelam ha? Eh janitor ka lang naman dito."

Sino nga ba ko para makelam?? E di umalis!

"Yun ba? E di umalis, problema ba yun? Wag kang papaStress lalo kang....."

Di ko na tinuloy sinabi ko pero tinignan ko sya mula ulo mukhang paa ay este mula ulo hanggang paa.

"Sige una na ko!"

Tumalikod na ko at iniwan sila, pero di pa ko nakakalayo narinig ko na namang sumisigaw yung magandang babae, ih nakaka-Konsensya kung pagsasamantalahan sya ng panget na nilalang na yon.

PROMiSE talaga! Hindi sya gwapo oh ano man. PANGET talaga eh, ewan ko ba bakit nakapasok sa P.U yun eh samantalang pantao ang school na to di pangHAYUFF!

Bumalik ako at nagulat ako sa ginagawa nya. Minomolestiya nya talaga yung babae. Kadiri sya! NapakaDesperado talaga. Kawawa naman.

"Oh anong ginagawa mo dito?"

Itinigil nya ang paghalik sa leeg nung babae nang makita nya ko.

"wala ka bang awa? Tignan mo umiiyak na sya. Natatakot sya sayo!"

"Peste ka iniwan mo ko dito! Di ka gentleman!"

Galit na sabi sakin nung babae.

"Eto na nga binalikan na kita."

iNisnob lang nya ko, pero nilapitan ko sya at hinila ang kamay para makaalis na.

"Oh teka san kayo pupunta? San mo sya dadalhin?"

"Sa puso mo."

Naiinis na sabi ko sakanya. Inis na inis na talaga ko dito kasi kanina pa tanong ng tanong eh.

"Teka!"

Pagharap ko bigla nya kong sinuntok.

Arayy, masakit yun ha? Nadisporma ata yung panga ko sa lakas ng pagkakasuntok nya.

"Masakit yun ah?"

"Bagay lang sayo yan kasi pakelamero ka."

"Oh eto naman bagay sayo..."

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon