Nine Point Six *9.6

28 0 0
                                    

DERiC's POV

"Sige tol una ka na susunod na lang ako."

Pinauna ko na yung kaibigan ko dito sa mga empleyado sa P.U , sabay kaming pupunta sa klase namin ngayon kasi scholar din sya dito kaso pinauna ko na sya kasi inaayos ko pa mga gamit ko.

"Sigurado ka?"

"Oo naman tol!"

"Sige"

Nauna na sya at iniwan ako. Makulit din kasama yun eh, may pagka-KFC , pero masaya naman kami pag lagi syang nagJoJoke. Masarap syang kasama lalo na pagkainan, kasi sya lagi yung sumasagot. Nililibre nya kami paglumalabas kami nila Josh. Matakaw kasi sya kaya nga halata naman sa katawan nya. Hahaha :))

Nakapagbihis na ko at naayos ko na rin yung mga gamit ko kaya lumabas na ko papunta sa klase ko ngayon. Dahil nga scholar ako kaya gabi ang klase ko ngayon. Nauna na si Josh sa bahay kasi hindi naman sya nag avail ng scholarship nun, kaya mag-isa lang nyan akong uuwi.

Naglalakad ako malapit sa Function hall at nakita ko si Goddess mag-isa. Mukhang may hinihintay sya, malapitan nga para makibalita.

Nilapitan ko si Goddess para magtanong kung anong ginagawa nya dito. Umuwi na kasi lahat ng mga estudyante dito at sya andito parin at mukhang may hinihintay.

Lumapit ako sakanya at nagtanong.

"Madilim na po Ma'am, may hinihintay po ba kayo?"

"And so?"

Mataray na sagot nya sakin.

"Dilikado na po dito."

Pag-aalala ko sakanya, totoo naman kasi eh madilim na sa parteng to kaya baka ano pang mangyari sakanya.

"kdot."

Matipid na sagot sakin ni Goddess tapos bigla na lang syang umalis.

Umalis na rin ako pagkaalis ni Goddess. Bakit kasi hindi ko pa alam name nya! Yan tuloy Goddess ako nang Goddess. Sapat lang yun bagay naman sakanya.

Nakarating nako sa room na gagamitin namin. Ayyt! Nagsisimula na sila. Nakakahiya naman.

"Sorry po Sir I'm late!"

Sabay naghanap ako ng bakanteng pwedeng puwestuhan. Meron namang bakante kaso sa tabi ni Bobby, yung friend ko na kasama ko kanina, yung mataba. No choice ako kaya sakanya na lang ako tumabi.

"Bakit ang tagal mo?"

Pabulong na sabi nya sakin habang may nginunguya. Kumakain na naman sya. Hahaha :DD

"Okay introduce yourself."

Itinuro ako nung prof namin, ipakilala ko daw sarili ko.

"Hmmmm, Mmm. Hi Guys! Ako nga pala si Deric Pamintuan. You can call me Derc. Yun lang, thanks!"

Nahihiya akong magpakilala kaya umupo na ko agad, wala na rin naman akong sasabihin eh.

"Hi Derc!"

Biglang may nagsalita sa likod, at nagpakilala sya sakin.

"Hello!"

"I'm Ayna. Anong Dept. mo?"

"Janitor ako dito. Ikaw?"

"Sa Canteen ako eh."

"Ahh, Nice to meet you Ayna."

"Same here."

"Okay class naIntroduce nyo na rin ang sarili nyo Lets start over."

Humarap na ko agad sa Prof ko para makinig, nasa likod ko kasi si Ayna.

Napaduko ako sa Arm chair ko, kahit metal sya may nakita akong nakasulat, gumamit sya ng pentel pen para pansulat. Nakakatuwa naman yung nakasulat dito =))

MATH! FVCK >.<

BRAiNBLEED!!

Ikaw nga sagutin mo to?!

-{4a-[5b-(2-a-8b)-2]}

Tired To Think. Demn!

Yan yung nakasulat, di naman sya kalakihan para agad makita. Inintindi ko pa nga eh. Ü

May biglang pumasok sa isip ko. Nagreply ako sakanya.

Madali lang yan kung

may tiyaga ka. Eto yung

sagot oh.

Ans. -a+13b-4

"Mr.Pamintuan may problema ba? I think you're not even interesting with our lesson?."

"Nakikinig po ko Sir."

Sagot ko sa Prof namin. Nakita nya kasi akong nakaduko kaya tinawag nya ko.

"well, then answer my question."

Tumayo ako para sumagot sakanya.

"Sir wala naman po kayong tanong eh, ini-introduce nyo pa lang po yung subject matter."

"Sit!"

Sabi nya lang sakin. Tama naman ako wala naman syang tanong. Akala nya siguro porke nakayuko ako hindi na ko nakikinig sakanya.

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Ayna na ngumisi lang. NagSmile naman ako sakanya.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon