Fifteen Point One *15.1

25 0 0
                                    

DERiC's POV

"Panget ba ako? Bakit ginawa nya sakin yun??!" naglalakad lang akong mag-isa habang nag-iisip ng malalim.

*Flash Back*

"Ang akala ko nahanap mo na ang Dream Girl mo Kuya Crush. Naging nga kayo pero sa sobrang saglit na pagkakataon lang. Gwapo ka naman, di nga lang mayaman. Yan ang lamang sayo ni Denmark. Pero don't you worry gwapo ka naman. Siya gwapo ba? Smile ka na."

"Wala ako sa mood Ayna."

"Baka naman pwede nyo pang pag-usapan yon diba? Baka naguluhan lang sya o kaya na-force na balikan si Denmark?"

*End Of Flash Back*

"Wala ng pag-asa Ayna." *Lumuluha*

"Huhuhuhuhuhu! I hate you!" sa di kalayuan malapit sa park may narinig akong umiiyak. Chismoso ako kaya lumapit ako sa nakatagong halaman kung saan nakaupo yung Crying Lady.

"Sophie?" nagulat ako pagkahawi ko sa halaman. Si Sophie ang umiiyak.

"Deric??" gumaralgal sya ng todo at niyakap nya ko ng maka-upo ako malapit sakanya.

"May problema ba? Anong nangyari sayo? Ha? Magsalita ka sophie." hindi ko na alam kung anong unang itatanong ko sakanya. Pero sa nakikita ko ngayon takot na takot siya.

"Deriiiiicccc!!" patuloy na pag-iyak nya.

"Huminahon ka, sshhh!" hinawakan ko sya sa dalawang balikat.

"Si.... Si, Denmark ka..ka..kase eh." suminghot muna sya bago nagsalita ulet. "Tinangka nya ko gahasain" mabilis nyang sabi.

"Ano?? G@go pala yun eh."

"Tama na. Hayaan na natin sya." pagpipigil nya sakin. Uupakan ko na sana yun eh.

"Gabi na oh, ayaw mo pa bang umuwi? Halika, hahatid na kita sainyo." tumayo ako at hinawakan sya para tumayo na rin.

"Ayaw ko. Please wag mo muna akong ihatid?"

"Okay sige. Dito lang tayo magdamag? Ang lamig dito eh."

"Pwede ipasyal mo ko?"

"I-pasyal? Oras na Sophie. Ihahatid na lang kita."

"Ayaw ko." tumayo sya at mala-batang nagpunas ng mga luha.

"Pasayahin mo ko." hinila nya ko para tumayo na rin. Napagod ako magdamag kaya gusto ko ng magpahinga, pero para sa taong mahal ko gagawin kong pasiyahin sya.

"Tara dito tayo." sabi ko.

"Teka kumain ka na ba?" tanong ko sakanya.

"Hindi pa nga eh." sabay hawak nya sa tiyan.

"Halika kumain muna tayo."

"Ah sige." hihilain ko na sana sya papunta sa karindirya pero nakita kong wala syang saplot sa paa.

"Hahahaha, ipapasyal kita pero wala kang saplot sa paa? Baka mabubog ka."

"Hindi yan, okay lang ako."

"Teka lang, maupo ka muna rito. Hintayin mo ko kukuha lang kita ng tsinelas at kukuha na rin ako ng pera. Mabilis lang ako."

"Osige. Huwag kang magtatagal ha?"

Tumakbo na ko pauwi sa bahay, nasa park na rin naman kami ni Sophie kaya malapit na lang yung samin.

"Andito na ako, ito yung tsinelas. Kasya mo ba?"

"Hmmmmmmmm, maluwang ng konti pero pwede na to. Salamat Deric."

"Walang anuman. So tara na?"

"Sige, be sure mag-eenjoy ako."

Hindi na ko sumagot, tumawa na lang ako.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon