Seven Point Four *7.4

40 1 0
                                    

Sa dulo ako nadistinong maglinis. Pinaka dulo ng Prestigious kaya wala ng mga estudyanteng dumadaan dito, malayo na sa Ingay kaya di mo maririnig ang ingay nila.

"Ang Sukal naman dito. Pinaparusahan talaga ako ni Sir Mel."

Sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa ilalim ng puno habang hawak hawak si walis tingting. Di ko alam kung saan ako magsisimula.

"Sweetie I really love you. Come and Get me."

Ha?? Ano daw? Nangilabot ako sa narinig ko. Gusto ata niya ng Mic ang lakas ng boses eh.

"Hindi dito Hadley."

"Eh saan? Wala namang tao dito eh, tayo lang namang dalawa. Come on Sweetie."

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung mga boses nila. Hanggang sa napadpad ako sa isang abandonadong room hindi kalayuan kung saan ako nakatayo sa ilalim ng puno.

May bukas na bintana kaya dun ako sumilip. HOWAT??! Si Denmark yun ah?? Sinong kasama nya? Bakit hindi si Sophie?

Lumapit si Denmark sa kasama nyang babae at umisod naman ito palapit sa kanya. Marahang hinaplos ng kamay nito ang kanyang pisngi habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Lumalapit ang mga labi nito sa mga labi nya. Hindi ko alam kung gaano sila katagal naghalikan pero grabe yun ah, ang napakaPusok. Basta ang alam ko pareho silang naghahabol ng hininga nang maghiwalay sila.

Napalunok ako sa nakikita ko, biglang pumasok sa isip ko si Goddess. Ibig bang sabihin nito niloloko ni Yabang si Goddess?

Ibinaling ko uli ang tingin ko sa dalawa, pero ngayon mas matindi ang nasaksihan ko. Kinakalas na ni Denmark ang butones ng blusa ng babae habang mariin nya itong hinahalikan sa Leeg.

Pero biglang napatigil si Denmark ng may kumalabog galing sa labas. At ako ang gumawa nun, nasipa ko yung walang lamang lata ng pintura kaya agad akong yumuko pababa para hindi nila ko makita. Dahil kung nangyari yun PATAY na naman ako sa kanya. Mabilis naman akong nakakita ng pwedeng mataguan, kaya dali dali akong umakyat ng puno para di nila ko makita.

Nakita kong biglang lumabas sina Denmark at yung Babae nya, tumingin tingin sya sa paligid. Sumunod naman yung babae habang ibinabalik ang pagka butones ng blusa nya.

"Pusa lang yon Sweetie, Lezz go."

Malakas na sabi nung babae kay Denmark.

"Wala namang pusa dito eh. Sigurado may tao dito."

"Imagination mo lang yan, C'mon!"

Pumasok naman sila sa loob kaya bumaba na ko. Hindi ko na nagawang maglinis kaya bumalik na ko sa Staff Room. Hindi ko na alam kung anong sunod na ginawa nila. Pero isa lang masasabi ko, ANG KURIPOT NILA, NATURINGANG MAYAMAN DI AFFORD ANG HOTEL.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon