Nagring na yung bell kaya pumasok na kami sa room. Hinatid muna ko ni Erie sa room bago sya pumasok sa klase nya.
Si Faye naman nag early dismissal daw kasi di maganda pakiramdam nya. Weee! Pano na nyan yung plano namin? Pano ko makikita kung sino man yung penmate ko? Ano yun ako mag-isa pupunta dito mamayang gabi? Ayyy, wag na!
Pauwi na kami. Mag-isa lang akong naghihintay dito sa waiting area. Yung driver ko tinext ko na para masundo ako, kaso nasa car wash pa sya.
To: Bff'Erie
Sissie, pwede ka ba ngayon? Mind to text me back? Kung may appointment ka with Alfred wag ka ng magText back. ;**
Sending......
*ToTooot*
From: Bff'Erie
Sows, osya na! Di kita maHindian eh. Hiyang-hiya naman ako sayo.Ü
Di na ko nagreply. Nakipag kita na lang ako sakanya, I mean pinapunta ko na lang sya dito sa waiting shed. Pero buti na lang dala nya yung kotse nya kaya kahit wag ko ng hintayin yung makupad kong driver.
"Ano bang pumasok sa isip mo ha Sissie?"
Tumingin sya sakin habang nagmamaneho. Parehas lang kaming nasa front seat.
"Wala naman. Gusto ko lang makita kung sino yung penmate ko na empleyado ng school natin."
"HUWATT!? Wutizdameaningofdiz?"
"Ang OA mo naman kung maka-react! Masama bang makita sya? Malay ko ba kung anong Feslak nun. At tsaka baka pakidnapp pa nya ko, Oh atleast may Idea ako sa pagmumukha nun kung sino man sya."
Nagpaliwanag ako kay Erie. Ewan ko ba kung anong energy ang nagtutulak sakin na tignan kung sino yung penmate ko.
Alas-Sais na ng gabi kaya bumalik na kami ni Erie sa Prestigious. Ayaw pa nga kaming papasukin kasi daw wala na kaming pasok. Eh Bobo na guard naniwala na Night shift kami. Di ba naman tanga di ako kilala?! OHMEN!
Umakyat kami ni Erie sa Star section which is yung room ko. Saktong papasok pa lang sila at uupo sa mga pwesto nila.
"Hanubeyyen Sissie uwi na tayo, ang lamok eh."
Reklamo ni Erie habang pinapalo ang binti at nakasimangot.
"Teka naman oh, andito na tayo eh." Reply ko sa sinabi nya na hindi tumitingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, parang ganito ('O+O') "Tae naman sissie." tanging nasabi ko kay Erie pagkatapos ko syang tapikin.
Sumilip naman sya. Ayun lumaki rin mata nya na parang ganito (//@o@\\) "OhMeyGedd Sissie, pwede ka ring kainin ng buong buo nyan eh."
Grabe talaga. Sa kyoot ng sulat at magaling sa Math isang baboy pala ang penmate ko. Tae na Lupisak talaga!!
"Gora na tayo Sophie. So kuntento kana na nakita mo na kung sinong penmate mo? Ako sayo di ka na nagEffort na makita sya, yan tuloy na disappoint ka ng Bonggasious."
Ewan ko kung naConvince ako na yung Baboy na yun yung penmate ko. Wala akong maFeel eh. Ang Feel ko lang parang may something. Ayy basta!!
"Alam mo girl kung sana yung katabi nung penmate mong baboy yung savior mo, eh much better na." Tinutukoy ni Erie si Deric na Crushie ni Faye.
"Tungek! Wala ka talagang alam. Ang late bloomer mo."
Naglakad na ko pababa, sumusunod sakin si Erie habang kumakatak.
"Gwapo kaya yun no. Alam mo dapat sya na lang."
"Will you please Shut Up!" Naiinis na sabi ko kay Erie, nakakairita na ang boses nya eh. Iba talaga ang nararamdaman ko, bakit nung sinabi ni Erie na sana si Deric na lang yung penmate ko eh parang sa gilid ng utak ko may nagsabing 'sayang' sa kabila naman 'oo nga' .. Naiinis na talaga ako. Kaya iniwan ko na si Erie, sabi ko magtataxi na lang ako. Pero nag pasalamat naman ako sa pagsama nya sakin.
Nasa kwarto na ko para magpahinga, kaso kada pikit ko nakikita ko si Deric! OMG talaga. NakakaSyett na talaga! Dapa,pikit,ikot,side,takip ng unan sa ulo ... WaEpek pa rin. Di talaga ako makatulog.
Umupo ako sa kama tsaka ko pinagsasampal, pinagsasabunot sarili ko. Kainis na talaga!!
"Oyy teka san ka pupunta?" Sumigaw ako ng malakas. Tumigil sya sa paglalakad.
Di naglaon dahan-dahan syang humaharap sakin. Di ko maramdaman sarili ko, halos pawisan ako ng napaka lamig. Laking gulat ko ng makita ko kung sino yung Guy na matagal ko ng hinahabol.
"DERIC??????"
Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko. "Si Deric yung lalaki sa panaginip ko? Nakatulog pala ako."
Tumayo ako at pumunta sa Cr para maghilamos. Para mahimasmasan bumaba ako para makainom ng tubig.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomanceNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...