Eleven Point Three *11.3

20 0 0
                                    

Seryoso ako sa panunuod ng biglang pumasok sa isip ko si Ayna. Nahuli ko na lang sarili ko na nakaSmile. Iba talaga dala sakin ng babaeng yon.

"Deric? Deric?"

Haaa? Naririnig ko boses ni Ayna. Psh! Nag Ha-hallucinate ata ako?

"May tao po ba? Deric?"

Naaaa?? Ang adik ko naman. Naririnig ko talaga sya.

"Tao po?"

May naririnig talaga ako. Teka Muna wait! May tumatawag ata talaga sakin sa labas??!

Tumayo ako para sumilip sa bintana. Binuksan ko yung ilaw sa labas. Whatizthemeaningofthis? Si AYNA nga yung nasa labas at sya ang naririnig kong tumatawag sakin. Oras na eh? Anong kailangan nya?

"Buhay ka pa Mr.Handsome? Baka gusto mong lumabas dito dahil ang lamig?"

"Teka lang."

Mahinang sigaw ko sakanya.

Lumabas ako at binuksan yung gate. Unang beses kong nakita si Ayna na naka maikling shorts, di naman sobrang liit tama lang para sa maliit nyang legs. =)

"Miss mo na nga ko agad Honey?"

Buladas ko kay Ayna bago ko mabuksan ang gate.

"Murit!!"

Tanging sagot nya lang sakin.

"Bat ganyan suot mo? Gusto mo atang mapag tripan?"

"Cheee! Akala mo naman sobrang liit na ng shorts ko eh."

"Oo naman."

"Di kaya. Uiii nag aalala sya sakin."

Oo naman Ayna nag aalala ako sayo. Lagi kitang kasama at nakakakulitan kaya mahalaga ka na sakin.

"Bat naman ako mag aalala sayo? Ang lapit lang ng bahay mo dito eh."

Hindi ko sinabi sakanya yung totoo kasi hindi ko rin alam kung anong dahilan.

"Ang sama mo Derc!"

"Joke lang, ano nga pa lang kailangan mo?"

Bigla kong naalala na oras na pala kaya naisip kong itanong kung anong pakay nya.

"May kasama ako. Gusto ka daw nyang makausap."

"Ha sino? Nasaan?"

Mula sa harap ng gate namin kung saan naka park ang isang magarang kotse lumabas si Faye. FAYE?? Anong ginagawa nya dito? Iba na naman pumasok sa isip ko na di maganda. Erase Erase!!!!

"Anong ginagawa nya dito Ayna?"

Pabulong na sabi ko sakanya.

"Malay ko jan. Di ko nga alam pano nya nalaman samin eh."

"Hi Deric!"

Bati sakin ni Faye nang makalapit na sya samin ni Ayna.

Lalong lumabas ang mala-porselanang kutis ni Faye sa simpleng pambahay na dress na suot nya. Para sa iba panlakad na yon, pero sakanya pambahay lang.

"Pano mo nalaman dito?"

Pagtatanong ko sakanya.

"Pwede pumasok muna tayo Deric? Ang lamig na kasi eh."

"Magulo sa loob eh."

"Okay lang."

Walang pangambang sagot ni Faye.

"Sige Mr.Handsome uwi na ko."

"Sige Honey. Gusto mo hatid na kita?"

"Wag na."

"Sige ingat ka."

"Ge."

Umalis na si Ayna. Binalin ko ulit pansin ko kay Faye. Kinakabahan ako kasi oras na bat pa sya pumunta dito.

"Halika pasok tayo. Pasensya na kung magulo sa loob ha?"

"No It's okay. Don't mind it."

Kahit ingles yon naintindihan ko naman. Sakanya na nagsimula na okay lang kaya walang problema. Kung lalaitin o iinsultuhin man nya yung bahay namin sakanya na lang wag na nyang sabihin sakin.

"Maupo ka."

Pinaupo ko si Faye sa kawayang upuan pero may kutchon naman kaya di matigas.

"Dito ka pala tumutuloy Deric?"

Nilibot nya ang mga mata nya. Pinagmamasdan nya ang bawat sulok ng bahay.

"Anong gusto mong inumin?"

Pag aalok ko sakanya kahit kung sumagot naman sya tubig lang mabibigay ko dahil wala akong ititimpla.

"No thanks. Saglit lang naman ako eh."

Hayyyyyyy salamat. Hahaha :))

"Ano bang kailangan mo? Oras na rin kasi eh."

"Matutuwa ka sa sasabihin ko Deric."

"Ano ba yon?"

"Pwede ka ng pumasok bukas."

Bigla akong nagulat sa sinambit nya. Nagpapatawa ba sya?

"Totoo ba yan Ms.Faye?"

"Yhup. I told you gagawa ako ng paraan para di matuloy ang suspension diba?"

"Oho. So it means makakapasok na ko bukas?"

"Exactly."

Di ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi nya. Ang saya naman talaga oh!!! Hulog ka ng langit.

"At meron pa."

"There's more?"

"Yeah :D Si Jeremy ay kick out na sa Prestigious. As of now inaayos ng lawyer nya ang kasong isinampa sakanya ni Dad."

Nanglaki mata ko sa sinabi nya. Totoo ngang gagawa sya ng paraan para mapatalsik si Jeremy, at di pa sya nakuntento sinampahan pa nya ng kaso si Panget. Bilib na nga ko sakanya, iba talaga pag mayaman.

"Maraming salamat Ms.Faye ha?"

Di ko alam kung paano ko sya pasasalamat pero buong puso akong nagpapasalamat sakanya, sa pagtulong nya.

"Unli thanks din sayo Deric. Yung pag tulong mo sakin kanina tho iniwan mo ko, pero bumalik ka naman eh."

"Hahaha, pasensya na."

"Oh pano I have to go na. See you tomorrow Derc."

"Sige sige, lumalalim na rin ang gabi may pasok pa bukas."

"Dahan dahan lang sa pag dadrive Ms.Faye."

"Sure. Wala ng Ms ha?"

"Opo."

"Wala na ring opo. K?"

"Oo na nga Faye."

Napaka bait talaga nya. Di ako sanay na di galangin ang isang tulad nyang mabait at matulungin.

Hinatid ko na sya sa labas. Nakasakay na sya sa kotse nya at umalis.

Nang makaalis na sya pumasok na ko sa loob. Dumeretso na ko sa kwarto ko para makatulog na.

May reason ang paggising ko bukas dahil papasok ako. Ü

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon