Eleven Point Two *11.2

21 0 0
                                    

Nakarating na kami ni Ayna sa room. Maingay at magulo sa loob.

"Anjan ka na pala Derc."

Sabi sakin ni Bobby ng makita nya kaming papasok sa loob.

Wala rin akong imik kasi may hang over pa ko sa mga challenge ko ngayong araw.

"Wala sa mood si Mr.Handsome Bob."

Sabi ni Ayna.

"Ganun ba?"

Tanging nasabi na lang ni Bobby.

Nakinig lang ako sa klase. Hindi ako naging active, tahimik lang ako habang nakikinig at nagninilay-nilay sa mga nangyari kanina.

"Sabay tayong umuwi Derc ha?"

Sabi sakin ni Ayna habang palabas na kami ng room.

Dismissal na namin. Malungkot ako kasi sa wednesday pa ko makakapasok ulit. :'((((

"Uy!"

"Ano yun Ayna?"

Wala sa sariling sagot ko kay Ayna.

"Malungkot ka ba?"

Tanong sakin ni Ayna.

"Ahh? Baket?"

Nasagot ko na lang sa tanong nya.

"Ang gwapo mo kasi eh. Haha! Tatawa na yan."

Pag talaga kasama ko si Ayna di pwedeng hindi ako matawa sa mga banat nya. Ligawan ko kaya sya?? Di naman nagkakalayo ang edad namin. Cool syang kasama na gusto ko sa isang babae.

"Sige na nga. Pili ka dito."

Gagayahin ko muna sya. Haha :)

"Ikaw."

Maikling sabi nya sakin. Labo talaga neto, pinapipili ko sya sa mga daliri ko tapos pinili nya ako.

"Labo mo 'Te!"

Sabi ko kay Ayna saka ako naglakad. Sumunod naman sya.

"Ikaw nga gusto ko. Gusto kong kutusin."

Tumalon sya ng di naman kataasan para makutos ako. Nagtagumpay naman sya kaya hinabol ko sya.

Kailangan makaganti ako.

"Habol pa Deric."

Pasigaw na sabi nya sakin. Hinabol ko sya! Ang bilis tumakbo ni Ayna!

"Uy teka lang!"

Pagod na sabi ko. Andito na kami ngayon sa Park. Araw araw tuwing pauwi kami laging ganito ang scenario namin ni Ayna.

"Manubela ka ba Ayna?"

Sabi ko sakanya ng maabutan ko sya.

"Bakit Mr.Handsome?"

Coolokoy talaga to! Handsome ng Handsome kaya lumalaki tuloy ulo ko. =DD

Ang tagal kong sumagot sakanya kasi nag iisip pa ko ng isasagot ko.

"Bakit nga?"

Tanong nya ulit at may halong pagtatakang expression.

"Kasi... ikaw ang nagpapa andar ng buhay ko."

Nakakatawa ang expression nya. Kahit mejo madilim nakita kong nagBlush sya.

"Wag kang ganyan Derc."

"Seryoso mo."

Ginulo ko ulit buhok nya. Ang liit kasi ni Ayna eh, hanggang balikat ko lang sya.

"Arrrrgggg! Kainis ka Derc!"

Naiinis na sabi nya sakin. Pagnaiinis sya lalong gusto ko syang asarin, ang cute nya kasing magalit eh.

"Ako naman Derc."

"Ayaw ko nga."

"Ang daya mo! Gusto mo ikaw lang."

"Osige na nga."

Napilitang sabi ko sakanya. Malapit na kami sa bahay, di ko ramdam ang pagod sa kakatawa at pagmumurit sakanya.

"Bangin ka ba?"

Banat sakin ni Ayna.

"Bakit? Kasi nahuhulog ka na sakin?"

Waha! Basag ang banat nya. Luma na kasi kaya alam ko na kung anong isasagot nya kaya uunahan ko na lang sya.

"Hindi... Kasi ang gwapo mo eh."

"Wireless no Ayeng?"

"Anong Ayeng naman?"

Di ko rin alam kung bakit ko natawag sakanya yon. Pero may kinalaman naman sa name nya kahit paano. Ü

"Ayaw mo?"

"Basta ikaw gusto syempre."

Nakarating na kami sa kanto namin which means BaBye na kay Ayeng or Ayna.

"Good Night LeLoves Derc!"

Di ko alam kung yung mga banat sakin ni Ayna ay totoo o talagang nambubuladas lang sya eh.

"Sige Honey Good Night din. Sweet dreams sayo."

NakiRide na lang ako sa mga pambubuladas nya sakin.

"Ah loko Deric wag kang gumanyan kinikilig ako!"

Binantaan pa ko ni Ayna bago sya umalis. Kung makakilos talaga sya nakakatuwa.

Pumasok na ko sa Loob ng bahay. Patay ang mga ilaw. Di tulad ng nakagawian ko agad na kong papasok sa kwarto ko, pero ngayon ipinasok ko muna mga gamit ko sa kwarto ko at nagbihis tas lumabas din ulit ako.

Ewan ko nga bakit nag iba ritual ko ngayon. Pumunta ko sa kusina at naghanap ng makakain. Nagutom ata ako sa mga challenge ko kanina? :D

Di nagluto si Josh ngayon. Walang sinaing tsaka ulam pero buti na lang may stock kahit papaano kaya nagluto ako ng peyborit kong pancit canton.

Nangmakaluto nako pumunta ko sa sala para manuod. Di muna ko pumasok sa kwarto ko, yan ang di ko alam. Iba nga takbo ng utak ko ngayon eh. 9:35 pa naman kaya maaga pa para matulog tsaka wala naman akong pasok bukas dahil nga suspended ako kaya pwedeng magpuyat ngayon. Bwahahahahahaha :(((( T.T

Gusto ko sanang tawagin o gisingin si Josh para may kakulitan ako, kaso ayoko namang mandamay kasi may pasok pa sya bukas ng maaga.

Di ko gustong manuod ng Survivor Celebrity Showdown kaya nilipat ko na lang sa AksYonTV. Yung palabas parang palakasan, ang bibigat ng mga binubuhat nila tapos singka tibay pa sila. Grabe ang snow dun. Di ko gaanong maEnjoy yung palabas kasi ang labo eh, pasensya naman kasi di kami nakaCable.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon