Eight Point Two *8.2

32 1 0
                                    

Nye Nye Nye Nye!!

Nakakainis talaga si Yabang, mga 600 siguro. Tsk!

"Thank you po, Thanks po Sir"

May kausap si Sir Mel sa labas ng Staff Room di kalayuan kung nasaan ako.

Parang paalis na yung mga bisita kaya hihintayin ko na lang silang makaalis bago ako pumasok.

"May new project nga pala ang P.U kung di mo pa alam."

"Ano po yun Sir?"

Sa totoo lang malakas ang boses nila kaya haggang dito naririnig ko.

"Tumatanggap na ng Scholar ang P.U basta employee dito."

"Ah talaga po? Sige ibabalita ko sa mga hawak ko."

"Osige mauna na kami. Good Job sayo Mel."

"Tenkyu po ulit Sir, Ma'am"

Pag-alis ng mga NagObserve sa Staff room agad akong umalis papunta dun.

"Sir pwede po bang mag avail ng scholarship?"

"Ha?"

Papasok sana si Sir Mel sa loob pero agad na kong umepal kaya nagulat sya. Nagkaroon ako ng pag-asa sa narinig ko, sakto empleyado ako dito sa P.U kaya pwede akong kumuha ng Scholarship.

"Di po ba may bagong project ang..."

Di ko na natuloy sinasabi ko dahil agad syang sumagot.

"Oo, At baket? May balak kang kumuha?"

"Hmmm, Opo sana. Kung may pagkakataon."

"Shhhh."

Umalis na agad sya. Di man lang sya Pumayag o ano man lang. Ayaw nya ata?

"Eto na yun eh, pangarap ko talagang makapag-aral tapos di nya ko papakuhanin? Di ako papayag."

"Yow! Tara na Pre?"

Biglang dumating si Josh, nagyayaya ng umuwi.

"Teka ayusin ko muna mga gamit ko."

"Osige."

"Pare alam mo na ba yung tungkol dun sa scholarship para sa mga empleyado dito?"

"Ah yun? Oo naman. Kaso di ako pasok eh 76 lang average ko."

"Ano bang pasok na average?"

"88 ata? Di ko lang sure. Baket pre may balak kang mag avail?"

"Sana. Sakto 90 average ko nung Highschool ako."

"Oh yun pala eh. E di kumuha ka bukas ng form."

"Osige, o tara na."

Naayos ko na yung mga gamit ko at nakapag bihis na rin ako habang nag-uusap kami ni Josh.

"Di ba Saturday bukas?"

"Oo, di ka ba makakapunta dito kung saturday?"

"Makakapunta."

"Ako ng bahalang mag-ayos at maglinis sa bahay."

"Osige, salamat pre!"

"wala yun. Oh tara na?"

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon