Kinabukasan .....
"Good Morning Pareng Dercs."
"Good Morning din."
Nasa kusina si Josh at nagluluto na kahit mga 5:20 palang, magkaharap lang yung kwarto namin ni Josh at sa gilid nung kwarto ko andun yung kusina kaya agad nya kong nakita para batiin.
"Bat ang aga mong magluto ng agahan?"
"wala lang, maaga kasi akong nagising eh."
"Eh ikaw bat ang aga mong nagising eh sabado ngayon ah?"
"Diba nga kukuha ako ng scholarship ngayon? Kaya kailangan maaga ako."
"Oo nga pala, oh dala mo ba yung mga requirements?"
"Oo naman, ako pa?"
"tara kain na tayo?"
"Sigee."
Pagkatapos naming kumain ni Josh naghugas muna ko ng plato at nag tooth brush at saka nag paalam sakanya.
"Pano pre mauna nako."
"Osige, balitaan mo na lang ako. Oo nga pala pagkauwi mo daan ka dun malapit sa park pa duplicate mo yung susi ng bahay natin."
"Ge."
Umalis na ko agad at iniwan ko na sya sa bahay, sabi nya sakin sya na daw bahalang mag-ayos at maglinis ng bahay.
Naglalakad lang ako papunta sa Prestigious di naman kasi malayo sa bahay namin eh. Tsaka exercise na rin tutal maaga pa.
Dahil sa may park lang yung alam kong daanan papunta sa P.U dun na lang ako dumaan, baka maligaw pa ko ng de-Oras pag nag iba ako ng ruta. Haha =D
--
Sa wakas nakarating din ako. May mga ibang estudyante ang andito kahit hindi naman sila empleyado dito. Baka may agenda silang gagawin.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?"
Napatingin ako sa gilid ko para makita kung sino yung nagsalitang yon.
"Ay Good Morning po Sir Mel."
Si Dragona pala. Ayaw nya talaga akong kumuha ng Scholarship.
"What is the Good in the Morning kung ikaw ang una kong makikita?"
"Lahat po Sir. Feel nyo na nyan po yung Good Vibes."
"Shut Up!!"
"Osige po mauna na ko baka mahuli pa ko sa pila."
"At sinong nagsabing pipila ka?"
"Pati po ba yung pag avail ng scholarship para sa mga empleyado hindi ako pwede?"
"Malaking HiNDi. Kaya Chupi na. Uwi na!"
Wala na kong nagawa kaya umalis nako. Ano kayang problema nun?? Nakakainis naman.
Mga 9:00 na ng umaga ng matapos yung pagkuha ng form. Nakakainis talaga!!!
"Hi there."
Lumingon ako sa likod kung sino yung nagsalita.
Andito ako ngayon sa bench malapit sa Staff room at nag iisa. Di ko talaga akalain na hindi ako makakakuha ng Scholarship.
"Good Morning po."
Napatayo ako nang makita ko yung nagsalita. Isa pala sya sa mga Supervisor na nag Observe sa Staff room kahapon kaya familiar sya sakin.
"What are doin here? Its Saturday right? Estudyante ka ba dito?"
"Ah hindi po ko nag aaral dito, Hmm Janitor po ko dito."
"Oh really? Ah kukuha ka ng Scholarship?"
"Ahhh? Hmm, opo sana eh."
"Baket may problema ba?"
"Na-Late po ko ng dating kaya tapos na po yung pag a-avail."
Wala na talaga akong maisip na dahilan kaya gumawa ako, kesa naman sabihin ko yung totoo na pinapauwi na ko ni Sir Mel.
"Sus, yun lang pala."
"Sayang nga po eh."
"walang sayang, tutal empleyado ka ng University na to, you deserve to have a Education here also."
"Talaga po?"
"Yeah. Dala mo ba yung Mga Requirements?"
"Opo."
Pinakita ko sakanya yung Card ko nung 4th year H.S ako. Natuwa naman sya dahil matataas daw mga grado ko. Di ko na inisip magiging reaction ni Sir Mel, hindi pwedeng masira ang mga pangarap ko ng dahil lang sakanya.
"You fill-Up this form, afterwards give it back to me."
Nasa Office na kami. Special ako kasi ako lang mag isang empleyado ng P.U ang andito at kumukuha ng scholarship.
"Opo. Thank you po Ma'am."
"No Problem."
Hindi na ko nagdalawang Isip Finill-Up-an ko na yung Form.
Bahala na si Sir Mel kung magalit sya. Hehe :)))
to be continue.....
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE (On Hold♥)
RomanceNagsimula sa panaginip hanggang sa nakita mo na totoo palang nag e-exist ang nilalang na 'yon. Ang malala pa eh naStranded kayo sa isang Kj na happenings at nauwi sa HMMMMM. At pano kung siya yung ................ BASAHIN PARA MALAMAN KUNG ANONG MAN...