Twelve Point Three *12.3

26 0 0
                                    

*Enjoy reading kahit napipilitan lang \m/ Fan, Vote, Comment & Tweet. Thanks po :**

--

"Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko ngayon anak. Ang sakit... Masakit talaga."

Tumitingin lang ako sa mga mata ni Daddy. Mukhang may mabigat syang dinadala, ngayon ko lang sya nakitang umiiyak ng ganito.

"Anak dahil sa nalaman ko ang lahat...ang lahat ng katotohanan. Nalaman kong ginagamit at niloko lang pala ako ng Madastra mo, Hija nakipaghiwalay na ko sakanya, matagal na. Pero hindi mo ko binigyan ng chance para makapag paliwanag sayo. Hindi kita malapitan o kaya maka-usap ng maayos." Umiiyak pa rin si Daddy. Ngayon humahagulgol na sya kaya hindi ko na rin naiwasang umiyak.

"Da....Da-Daddy?" Nauutal kong sabi sakanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko, lumapit sakin si Daddy. Para maayos na lahat ng problema ko nilunok ko muna pride ko.

"Sophie? Tama ba narinig ko? Tinawag mo kong Daddy?"

"Opo" Hindi ko alam kung anong hangin ang nagpaOO sakin agad na maging maayos na kami ni Daddy. Gusto ko kahit wala na kong love life, maayos na rin yung family problem ko. Para di na ko ulit magpakamatay. ;(

"Salamat naman diyos!" Lumapit sakin si Daddy at hinagkan nya ko. Mahigpit na mahigpit. Ito yung yakap ng isang ama na matagal ko ng inaasam na matagal ko na ring pinagdamot sa sarili ko.

"Da-Daddy... Sorry po!" niyakap ko si Daddy ng mahigpit na mahigpit. Parehas na kaming humahagulgol ngayon. Buti na lang solo namin yung room. Namumugto na rin ang mga mata ko.

"Wala yun anak, alam mo naman ang magulang di kayang tiisin ang anak. Pero ikaw natiis ako." parang batang sabi sakin ni Daddy. Ito ang namiss ko sakanya, ang mga korni na Jokes nya.

"Sorry po Dad. I love you po!" Nadala na talaga ako ng emosyon ko, naging sweet at nice ako sakanya.

"Mahal na mahal din kita anak." niyakap ulit ako ni Daddy at hinalikan sa noo.

to be continue.......

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon