Eight Point Seven *8.7

31 1 0
                                    

5:30 -Pauwi pa lang ako ngayon. Dapat maaga akong makakauwi kaso tinawag ako sa Office at may pinaayos yung Manager ata dun , pinaayos lang nya sakin yung mga papeles.

Dahil malapit na yung pasko mas mahaba na yung gabi kaya kahit alas-singko pa lang madilim na.

Dumaan ulit ako sa park dahil bilin sakin ni Josh ipa-Duplicate ko daw yung Susi namin sa bahay, Para parehas kaming meron pag umalis kami ng bahay.

Simulang paglabas ko sa Prestigious ang dami ko ng nakikitang naka-Angry Bird. HAHAHAHAHAHAHA :D Natatawa talaga ako. =))))))))

Hanggang sa nakarating nako sa Park merong 101 katao na naka-Angry Bird Shirts at 62 katao na naka-Angry Bird na Tsinelas. Bwahaha :)))) Talagang binilang ko pa no? Naiinip kasi ako habang naglalakad kaya sila napagdiskitahan ko.

"Ah excuse me Miss, san po dito yung nagpapa-duplicate ng susi?"

"Liko ka lang sa dulo ng park, tapos may mababasa ka ng sign nun."

"Ganun ba? Sige salamat ha?"

"Okay."

Umalis na ko agad saka naglakad papunta sa dulo ng park. Kagabi nang dumaan kami dito maraming tambay, ngayon marami pa rin. May mga magSyota na nagde-Date ata? Haha. Di ko alam eh. Meron ding nagFi-Freestyle Battle, May mga kabataan na nagpapaCute sa mga lalaki at marami pang iba.

Kumakanta kanta lang ako habang naglalakad nang nabigla ko sa nakita ko. Si YABANG ba yon? Di ko masyadong maaninag kasi madilim sa parteng yun kung nasaan sila. May kasama syang babae eh, di kaya yun yung kalampungan nya kahapon?

Ginawa ko lumapit ako ng konti, nakayuko ako habang naglalakad para di nila ko makita. NaCurious kasi ako kung sila nga yon. Di nga ko nagkamali SiLA nga at naghahalikan pa sila sa labas ng kotse ni Yabang.

Bago pa nila ko makita umalis nako. Bakit ganun? Bat laging ako ang saksi sa paglalampungan nila? Ganun ba talaga yung kapalaran ko? Siguro may relasyon sila, alam ba ni Goddess to?

---

Nakauwi na rin ako, napa-duplicate ko na rin yung Susi ng bahay. Pero di ko naabutan si Josh, umalis ata.

Dumaretso na ko sa kwarto ko at nagbihis. Lumabas ulit ako para tignan sa kusina kung may ulam ng naluto si Josh.

"Kumaen ka na ba pre?"

"Ah hindi pa."

kadadating lang ni Josh galing Ewan pero may dala syang Bibingka, special pa nga eh.

"Napa-duplicate ko na pala yung Susi ng bahay."

"Sige, Asan yung akin? Taga-isa tayo jan para pag di tayo magkasabay umuwi makakapasok ka."

"Nakasabit na dun sa pinto ng kwarto mo."

"Dumaan ka ba kanina dun sa dulo ng park?"

Tanong sakin ni Josh. Kumakain na kami ngayon at ang ulam namin ay Sinigang na Sugpo.

"Oo kanina, dun ako dumaan para magpa-Duplicate ng Susi."

"May nakita ka ba?"

Naging seryoso ako sa sinabi ni Josh, parang alam din nya kung anong nakita ko.

"Anong ibig mong sabihin pre?"

"Nagmamakaila ka pa. Galing ako kanina sa park, nakita kita pero di na kita tinawag kasi hinihintay ko pang maluto tong Bibingka ko."

"Ahhhh, si Yabang ba yung tinutukoy mo pre?"

Lumapit ako ng konti sakanya dahil interesado ako sa topic namin ngayon.

"Malaking OO. Grabe sila no? Walang pinipiling lugar."

"Nakita mo rin yun Pre?"

Di ako makapaniwala na pati rin pala sya nakita si Yabang sa dulo ng park at nakikipaghalikan dun sa kasama nya kahapon.

"Alam na ba to ni Goddess mo?"

"Hindi pa eh. Pero wala akong balak na sabihin sakanya yung tungkol sa panloloko sakanya ni Yabang."

"Bakit naman? Eh pagkakataon mo na to eh."

"Ang sama ko naman para sirain yung relasyon nila."

"Hindi ka masama pre, dapat pa nga maging thankful sya dahil naagapan agad."

"Alam mo pare di dapat tayo nakikialam sa buhay nila. Malaking gulo yan kung di mo lang alam."

"Sabagay. Osige ako ng bahala jan sa mga hugasan."

Inihatid ko na sa lababo yung mga hugasan, buti na lang nagvolunteer si Josh na maghugas.

"Sige pre una na ko, pasok nako sa kwarto ko. Okay ka lang jan?"

"Oo naman."

Pumasok na ko sa kwarto ko, iniwan ko na si Josh sa kusina.

Binuksan ko yung Tv para makapanuod. AMAYA na pala. Ang ganda talaga ni Marian, pero mas maganda parin si Goddess :))))

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon