Chapter 13

26 0 0
                                    

"So pano na tayo? Sinong tutulong satin?" Nababaliw na ako dahil dalawa lang kami ni Deric dito sa Island. Tapos sabi pa niya di raw niya alam kung buhay o nasaan man lupalop yung mga kasama namin.

Sila Deric at ang iba pang empleyado ay kasama sa KillJoy na tour nato kasi yun yung sabi. Haha! Pero syemperd sa buntot lang sila ng plane.

"Wala akong idea Go-God" I know kung anong itatawag nya sakin kaya sumabat ako agad "Sophie,"

"So what do you mean? Forever na tayo rito? Hindi na ako makakapag-Shopping, makaka-Gimik? Gahd" tumayo ako at naglakad-lakad habang tinatanaw ang walang katapusang tubig sa dagat.

"Siguro may mga survivor pa. Tara, maghanap tayo."

"Maghahanap tayo sa wala." sabi ko sakanya. Pero actually tinatamad akong maghanap dahil I'm pretty much sure na wala ng tao dito bukod saming dalawa. Kasi kung meron man di ba dapat sa dalampasigan din sila nakahiga? Kaso dalawa lang kami eh.

"Osige ako na lang ang maghahanap. Lilibutin ko tong Island baka sakaling may tao at makahingi tayo ng tulong. Maupo ka muna jan hintayin mo ko," aalis na sana sya kaso naisip ko na baka may kung anong nilalang dito at katayin ako at ipakin sa mga isda sa dagat. Pfff! Sayang beauty ko.

"I'll be with you,"

"Sige. Tara na," Lumakad na kami at naghanap sa walang kasiguraduhan. Kahit na nasa ewang lugar kami di naman ako nangangamba, I feel that with him I'll be secured enough here.

Habang naglalakad kami biglang sumagi sa isip ko yung mga BFF's ko. Nasaan na kaya sila? Sana naman ayus lang sila. At sana buhay rin sila.

"Gutom ka na ba?" Basag ni Deric sa walang imikan naming paglalakad.

"Kahit naman sabihin kong OO may ipapakain ka ba sakin?"

"Yhup, meron. Kailangan lang natin maging resourceful." what does he mean? Kakain kami ng dahon? Ano ko kambing? Kung alam ko lang na mabubuhay pa pala ako sinakbit ko na sakin yung bag ko na puno ng snacks para sana ngayon may nilalangot na ko.

"Kumakain ka ba ng buko?"

"Hiiiiiiiiiii!" tanging nasabi ko.

Nakaupo ako ngayon sa mala-white sand sa tabi ng kalmadong dagat. Nakaharap ako kay Deric pinapanuod ko siya sa ginagawa nya, gumagawa siya ng bahay-bahayan. Pero syempre sabi ko dapat style condo yung gawin nya. Magkahiwalay yung bahay namin. As if naman na magsasama kami, ang swerte naman nya. Daig pa nya ang nanalo sa Jueteng.

"Ansarap ng buko no?" Weeee! Hindi tumalab ang 'Hiiiiii' effect ko dahil gutom na talaga ako kaya walang 'Ayaw' ngayon. Feel ko tuloy nasa isang reality show kami, kailangan naming magSurvive sa Island na to Up to 30 days. Uwaaaa =__= I can't live without my iphone, Laptop basta yung mga gadgets ko! I Miss my Facebook and Twitter account!

"Makakauwi pa ba tayo?" umupo siya sa tabi ko.

"Malay mo may dumating o mapadpad na mga mangingisda rito. O kaya may dumaan na airplane na naghahanap satin."

"Ehh? E kung walang dumaan o mapadpad dito? *kecck* dedo tayo rito."

"Meron 'yan. Wag kang nega sophie."

"Posi lang no? Ang boring naman pag walang partner." Oops.. Bakit ang layo ng sinabi ko sa usapan namin?

"Huh?" Nakakunot ang noo nya, halatang nagtataka.

"Ahh... Ah-ah wala yun." sabi ko na lang.

"Deric?" bigla akong tumingin sakanya. Hindi siya sumagot pero nagtanong yung mga kilay nya.

"May crush ka ba? Or may girlfriend ka ba?" seeesh. Bat ako nagtatanong ng ganito? Siguro It's time para malaman kung may pag-asa si Faye sakanya. Tama diba?

"Huh? Wala no, Ever since hindi pa ko nagka girlfriend. Pero crush syempre marami...at isa ka sa mga 'yon."

waaaaaa! Sa last na sinabi nya syempre na gets ko yun. Wahahahahah :D :D Bat masaya ako? Pff.

"Ganun ba? Bakit mo naman ako naging crush?"

"Kasi maganda ka tapos you're nice."

"Gwapo ka rin naman and you're nice too." ohMyGedd! Nake-Carry the way ako ng happenings ngayon. Pero andito na kaya abnormalities strikes >,<

"Kamusta na pala kayo ni Yabang este Denmark?"

"Break na kami." mabilis kong sagot. Mejo nawala ako sa mood.

"Sorry. Ikaw ba Sophie may crush ka?" para kaming mga bata na nag-uusap 'bout sa crushes. Wala rin kasing magawa dahil Effin Boredamn dito kaya Go lang sa Flow.

"Crush? Marami rin naman." And You're One Of Them. ÜÜ

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon